Gabby
"Being an adult sucks." pangatlong bulong ko sa sarili ko habang papalabas ng 7-11.
I took a break kasi and ate cup noodles dahil lunch ko na. Habang naglalakad pabalik sa building na pinagtatrabahuhan ko, iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang natitirang pera sa akin.
Yeah, adult life sucks. Masyado ko kasing tinake for granted ang buhay na mayroon ako noon kaya hindi talaga ako sanay sa paghihirap. Lahat ng luho ko, sa isang pitik, nakukuha ko. Eh, ngayon? I need to work my ass off para lang magkaroon ng pera.
I have my credit card pero hindi ko gusto ang ideyang gamitin ito. May gusto akong patunayan kaya hindi kakayanin ng sarili ko na gamitin ito dahil lang gusto ko kumain ng masarap. Siguro kapag emergency pero hindi naman emergency ang gusto ko lang kumain ng masarap.
I can always go back to my family pero masyadong mataas ang pride ko para gawin iyon. In fact, pride na nga lang ang mayroon ako, itatapon ko pa ba?
"Iyan na siya." Narinig kong bulong ng isa sa mga katrabaho ko kaya napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nagtago ito sa likod ng station niya at nagkunwaring nagtatrabaho. Pati ang isa ko pang katrabaho na katabi lamang nito, umayos rin ng upo pero nahuhuli ko pa rin ang tinging ibinabato nila sa akin.
Nahiya ako bigla dahil sa tingin ng mga ito pati ng ibang kasama namin sa kwarto. Nakakahiya lang dahil alam kong magiging issue ito. Alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan kaya hindi ako dapat mahiya pero hindi ko maiwasang mailang pa rin dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga tao ngayon sa department namin.
Nagmadali na lang ako sa paglalakad at naupo sa station ko. Hindi ganitong klase ng atensyon ang gusto ko. At saka, ang tatanda na nila, pagchi-chismisan pa nila ako. Wala ba silang ibang pinagkakaabalahan?
"Binabayaran kayo para magtrabaho," bungad ng department head namin kaya lahat kami ay napatingin rito. Kakalabas lang nito sa kwarto sa sulok ng department namin. "hindi para magchismisan at tumunganga."
Dali daling nagbalikan ang mga tao sa kani-kaniyang istasyon kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag. Pero kahit na nawala na sa akin ang atensyon ng mga tao, ilang naman ang pumalit sa nararamdaman ko dahil sa taong naglapag ng kape sa harap ko. Umuusok pa ito at parang ang sarap lang humigop kahit kaonti.
Oh, my god. Bakit ba nangyayari ang mga ito?
"Are you okay?" tanong nito sa akin pagkalapag na pagkalapag niya ng kape. Nginitian ko lang ito ng bahagya saka tumango. "Just don't mind them."
"Okay, Sir." sagot ko rito saka tumingin sa monitor ng computer ko. Gusto kong saksakin ang sarili ko ng ilang beses dahil naiwan ko pala itong nakabukas at malamang sa malamang, pinakielaman ito ng mga katrabaho ko. Nakaopen kasi ang f*******: ko rito; baka kung anong ginawa nila sa account ko. Iche-check ko na lang siguro mamaya.
"Pumunta ka sa office once you're done with this," Inilahad niya ang isang folder at kinuha ko naman ito. Binuksan ko ito para tignan at tama nga ako, mga papeles na naman na ichecheck ko para malaman kung may kailangan akong irevise.
"Yes, Sir."
Nginitian muna ako nito bago pumihit patalikod. Nagsimula na itong maglakad pabalik sa kwarto niya hanggang sa pagsara na lang nito ng pinto ang nakita ko. Isinaksak ko kaagad ang earphones sa magkabilang tainga ko dahil ayokong makarinig ng mga bagay-bagay na nanggagaling sa mga katrabaho ko. Baka kahit mabait ako, maibuhos ko sa kanila ang kapeng ibinigay sa akin.
Inabot na rin ako ng gabi dahil sa rami ng papeles na inasikaso ko. Nakalimutan ko pa nga na may ibibigay akong papeles sa boss ko dahil sa tambak ng trabaho na dapat matapos. Alam ko na kahit mabait ito, masasabon ako nito dahil sa katangahan ko. Lulubos lubusin ko na ang pagkalate ko sa paghahand over ng papeles sa boss ko, tutal naman pagagalitan at pagagalitan ako nito. Gusto ko lang munang mangonti o mawala lahat ng mga katrabaho ko bago ako pumasok. Baka kasi kung anong issue na naman ang gawin nila.
Magdidilim na rin at mas lumamig na sa department dahil paunti na nang paunti ang tao. Nang dalawa na lang ang natira sa mga katrabaho ko, napagpasyahan ko na pumasok sa kwarto ng amo ko. Kahit kinakabahan, pinilit ko pa rin na lumakad palapit sa pinto ng kwarto nito. Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa pintuan.
"Come in." utos nito mula sa loob.
"Hi, Sir." bati ko rito pagkapasok ko.
"Close the door." Huminto ako sa paglalakad saka pumihit para isarado ang pinto. "Lock it. I need to talk to you. Baka may ibang pumasok."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ito na nga ang pananabon niya; nararamdaman ko na mula sa mga mata niyang nakapako sa akin. Pakiramdam ko, nilamon na ako ng takot dahil bigla akong nanglamig.
Iniayos niya ang necktie niya kaya napunta ruon ang atensyon ko. Hindi rin nakakatulong na mas malamig ang kwartong ito. Parang any moment, mahimatay ako dala ng pinagsamang kaba at panglalamig.
I don't want to get fired dahil sa katangahan ko. I need this job kahit gusto ko nang umalis rito dahil nasusuffocate ako sa environment.
Pagkalock ko sa pinto, sumenyas siya na maupo ako sa likod ng lamesa niya. Naupo naman ako saka inilapag ang folder sa harap niya. "Sir, I'm sorry po kung late ko ito naisubmit sa iyo."
Binuklat lang nito sandali ang folder saka ako ulit tinignan sa mata. "You know, I can esclate this and get you fired. I needed this hours ago pero ngayon ko lang natanggap."
I know, Sir. I know.
Napakatanga ko naman kasi. Ang laki ko ring mahiyain. Why was I even born this way? Hindi naman ganito ang mga kapatid ko.
If I get fired, what will happen? Magsisimula na naman ako sa umpisa? Start from the scratch or back to square one, ganuon? Ayoko na. Nakakapagod mag-apply ulit. Panibagong interview; pasahan ng paperworks and whatever. Ayoko mangyari iyon.
"I'm sorry po." nakatungong tugon ko. That's all I can say; I'm sorry. Hindi ko naman malulusutan ito, eh. Alangan naman umamin ako at sabihing nakalimutan ko kaya hindi ko ito naipasa kaagad.
Naramdaman ko ang palad niyang pumatong sa kamay ko habang nasa lamesa ito. "You know, puwede ko itong kalimutan and make an excuse as to why I wasn't able to report."
"Really, Sir?" pagco-confirm ko rito. Kahit ayoko na rito, I still need this job.
Is he going to forgive me?
But boooooy was I wrong dahil mula sa pagkakapatong ng palad niya, inintertwine niya pa ang mga daliri namin kaya nagtaka ako at medyo kinabahan.
What the hell is happening?
Ngumiti siya. That boyish smile na pinagkakaguluhan ng mga babae sa department namin. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil may itsura naman talaga ang amo namin. Napakasuccessful pa sa edad na 29.
But still! What the heck is he doing?
"Gab," pagkuha nito sa atensyon ko dahil bigla akong tumungo para tignan ang mga kamay namin. I immediately looked at him dahil isang tao lang ang tumatawag sa akin sa palayaw na iyon. He suddenly closed the gap between us and claimed my lips.
Naestatwa ako. Hindi nagprocess kaagad sa utak ko ang mga nangyayari. Masyadong mabilis. Natauhan lang ako nang bigla kong maramdaman ang dila niya sa loob ng bibig ko.
What the hell?!
I pushed myself up nang makalas ko ang pagkakadampi ng mga labi namin. Nakita ko pa ang pagdila niya sa mga labi niya saka ako tinignan ng may pagtataka.
"What..." Wala akong ibang maisip kung hindi bakit niya ako hinalikan. Bakit niya ginawa iyon? Tama ba ang hinala ko, ang hinala naming lahat?
"Anong what? Can't you see I like you?"
I had a feeling, believe me, Sir. Pero hindi ko naman inaasahan na legit pala iyong iniisip ko na iyon. Akala ko masyado lang ako magfeeling.
"Sorry, mali ito." Pumihit ako patalikod saka nilisan ang kwarto niya.
Malaking kahihiyan na naman sa pamilya ko dahil sa akin kapag kumalat ang mga chismis at ang nangyari sa akin rito sa office. Hindi naman kasi pipitchuging mga magulang ang mayroon ako; artista sina Mama at Papa. Even my brother and sister, papasok na sa showbiz.
I already embarassed them twice and I don't want that to happen again.
I think I need to get away from this office. I need to update my resume.