Mariing napapikit ako nang naramdaman ang pagbaba ng mga halik ni Bryce sa gilid ng leeg ko. At habang ginagawa n’ya ‘yon ay naglilikot ang mga kamay n’ya sa buong katawan ko kaya hindi ko maiwasang mapakagat labi lalo na nang maisip na nakasuot nga pala ako ng dress at kapag nalukot ‘yon ay kakailanganin ko pang umuwi sa bahay namin para magpalit ng suot bago pumunta sa restaurant! Dahil sa naisip ay agad na tinulak ko si Bryce kaya napatitig s’ya sa akin at kumunot ang noo. “Malulukot ‘tong dress ko,” sambit ko kaya agad na umalis s’ya sa pagkakadagan sa akin at tinulungan pa akong tumayo. “Do you want me to help you undress?” tanong n’ya pa habang pinapanood akong ibinababa ang strap ng red dress na suot ko. Umirap ako sa kanya at ilang sandali lang ay tumayo na rin s’ya para maghuba

