PUMAILANLANG sa loob ng pick-up truck ni Nikolo ang malamyos na tinig ng isang babae. Nang marinig kasi ng pamangkin niyang si Trishia ang kantang tinutugtog sa radyo ay agad nitong pinalakasan ang volume ng stereo niya.
"Tito Niko, it's Asha's new song!" excited na wika ng sampung taong gulang niyang pamangkin na kasalukuyang nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan niya.
Nangingiting napailing na lang siya. Simula kasi yata nang makahiligan ni Trishia ang pakikinig sa musika ay naging masugid na tagasubaybay na ito ng singer na si Asha Abueva. Halos lahat yata ng CD nito ay pinapabili sa kanya ni Trishia. Hindi naman niya masisisi ang pamangkin, maganda naman kasi talaga ang boses ng sikat na singer. Kahit hindi siya mahilig sa mga artista at manganganta, magagawa siguro niyang kantahin ang karamihan sa mga kanta ng dalaga. Paano ba naman, wala yatang lilipas na araw na hindi pinapatugtog ng pamangkin niya sa bahay nila ang mga kanta nito.
Masaya naman siya na pagbigyan ang hilig ni Trishia. Gagawin niya ang lahat para lang mapasaya ang pamangkin. Sinulyapan niya ito at napangiti nang makita na bigay na bigay ito sa pagsabay sa kanta ng paborito nitong singer. Sino nga bang mag-aakala that this was the same girl who wouldn't even talk to him four years ago? Biglaan kasing namatay no'n sa car accident ang mga magulang nito. Bilang nag-iisang kapatid ng tatay nito, nagdesisyon siya na kupkupin ang bata. Nasa ibang bansa kasi ang karamihan sa mga kamag-anak ng nanay nito. Para sa kanya ay mas makakabuti kung dito lalaki sa Pilipinas ang bata, at alam niya na 'yon din ang gusto ng Kuya niya. So he became her legal guardian.
Hindi naman naging mahirap para sa kanya na gawin ang desisyon na 'yon. It was the least thing he could do for his brother na siyang tumayong ama at ina niya nang mamatay ang mga magulang nila. Namatay ang kanilang ina sa panganganak sa kanya, samantalang ang ama naman nila ay namatay noong siyam na taong gulang siya dahil sa isang biglaang atake sa puso. Labing-siyam na taong gulang pa lang noon ang kapatid niya, but he took full responsibility of him.
Nasa huling taon na ito ng kolehiyo noon, habang tinatapos nito ang pag-aaral ay pinapatakbo naman nito ang flower farm ng pamilya nila. At the same time ay inaalagaan din siya nito. He gave him all the love and care he needed. Kaya naman walang katumbas na kalungkutan ang naramdaman niya nang mamatay ito. Pero hindi naman siya pwedeng habambuhay na malungkot, especially since he had Trishia to think about. Kailangan niyang maging matatag para sa kanilang dalawa. Ito na lang ang pamilya niya, kaya naman mahal na mahal niya ito. He would do anything to make her happy.
Sa nakalipas na apat na taon ay siya na ang namamahala sa Montreal Flower Farm. Isa itong farm na nagpapatubo ng iba't-ibang variety ng bulaklak. From wild daisies to orchids, they have every flower that can possibly grow in a tropical country like the Philippines. Meron din silang mga exotic varieties na hindi matatagpuan dito sa bansa. Ang farm ay legacy ng lolo niya na binili ito back in the early 80's. Simula noon ay naging supplier na sila ng mga flower shop in Manila, in Quezon, and any place near the Quezon province. Hanggang ngayon ay napakadami pa rin nilang flower shop na sinu-supply-an ng magagandang bulaklak.
Sa katunayan nga, kagagaling lang nilang mag-tiyo sa Lucena para mag-deliver ng bulaklak. Meron naman talaga siyang mga tauhan na nag-de-deliver ng mga bulaklak, pero nagdesisyon siya na siya na muna ang mag-de-deliver ng batch na ito ng mga bulaklak. Hindi naman kasi gano'n kalayo ang Lucena mula sa maliit na bayan ng San Lorenzo, kung saan sila nakatira at kung saan nando'n ang farm. Isa pa, gusto rin niyang ipasyal si Trishia, Sabado naman kasi at wala itong pasok.
"Tito, look," putol ni Trishia sa iniisip niya. "May babaeng nakatayo malapit do'n sa bangin." Sinundan niya ang direskyong tinuro nito and sure enough, there was a girl standing perilously close to the cliff. "Do you think she's going to jump?"
Agad naman niyang inihinto ang sasakyan. Kung balak magpakamatay ng babae, then he should do something if there was even a slight chance to stop her. Kung may magagawa siya ay kailangan niya itong tulungan. "Stay here," wika niya sa pamankin at lumabas na siya ng pick-up.
Pero bago pa siya makalapit dito ay kusa na siyang napahinto sa paglalakad. Mula kasi sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang luhang bumabagtas sa mga pisngi nito. Even through her tear-streaked face, he could still see how beautiful she was. Her long dark hair was curled beautifully around her heart-shaped face. Hindi ito gano'n katangkad, sa tantiya niya ay nasa limang talampakan at dalawang pulgada lamang ito. She was wearing a black gothic-styled dress. Nagmukha tuloy itong isang manyika na parang naligaw lang doon.
Nang makita niya na humakbang pa ito palapit sa bangin ay doon na siya kumilos. Dali-dali siyang lumapit dito at hinawakan ang braso nito, pulling her and turning her around to face him.
Nand makaharap na ito sa kanya, he was just completely blown away. Kung maganda na ito kanina nung nasa malayo pa lang siya, hindi 'yon maikukumpara ngayong nakita na niya ito nang malapitan. Now, he was facing the full force of her beauty. Sa kung anong dahilan, pakiramdam niya ay nakita na niya kung saan ang babaeng ito. Her eyes were the brightest shade of brown he had ever seen that it almost looked golden. It even looked brighter because of her tears. At sa kasalukuyan ay puno ng labis na kalungkutan ang magagandang mga matang 'yon.
Hindi na siya nag-atubili at kung anu-ano na lang ang sinabi niya para lang mabago ang isip nito patungkol sa pagpapakamatay. Wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang tanga. Surely, no one would want such a beautiful person to die.
Bigla naman itong tumawa, a rich musicale laugh that vibrated through his whole being. Ngayon lang yata siya nakarinig ng gano'ng kagandang tawa. "I'm not trying to kill myself."
Agad niyang inalis ang kamay niyang nakahawak pa rin pala sa pisngi nito. Ramdam na ramdam niya ang pagkapahiya niya ng mga sandaling 'yon. "I- I'm--"
Inabot naman nito ang kamay niya at muli yung idinampi sa pisngi nito. "Do you believe in love at first sight?"
Hindi niya maipaliwanag pero bigla na lang nag-rigodon ang puso niya dahil sa tanong nito. The question was so out of the blue and yet he couldn't help but think na may iba pa itong pakahulugan sa tanong nito. Like she fell in love with him at first sight. Ngali-ngali naman niyang batukan ang sarili sa naisip. Yeah right, I'm pretty sure I'm not that lucky.
And that's when his niece decided to shriek like some hellcat. Dagli siyang napabaling sa direksyon ng pamangkin, iniisip na may nangyari nang masama dito. Lumingon siya at nakita si Trishia na tumatakbo patungo sa direksyon nila. At sa pagkabigla niya ay sinugod nito ng yakap ang babaeng umiiyak.
"Sabi ko na nga ba eh, it's really you!" puno ng siglang wika nito sa babae, sabay baling sa kanya. "Look Tito Niko, it's Asha!"
At ngayon alam na niya kung bakit pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. The girl was none other than Asha Abueva!
HINDI malaman ni Atasha kung anong klaseng masamang espiritu ang sumanib sa kanya at nagawa niyang sabihin ang mga bagay na 'yon sa lalaking kaharap. Do you believe in love at first sight? Seriously Atasha? Nababaliw ka na ba?, lihim na lang niyang pagkastigo sa sarili. No wonder the guy looked spooked, natakot marahil ito sa kanya. Baka nga iniisip na nito ngayon na wala siya sa tamang katinuan.
Who could blame him? One moment she was crying like a lost kid then the next she was laughing and out of nowhere bigla na lang niya itong tinanong kung naniniwala ito sa love at first sight. Kahit siya ay iisipin niya na nababaliw na siya. Dahil ng mga sandaling 'yon, she really thought that he's the saviour sent to her by heaven.
Balak na sana niyang sabihin dito na nagbibiro lang siya nang bigla na lang pumaimbabaw sa paligid ang isang matinis na tili. Nakita niya ang pagtakbo sa kanya ng isang batang babae. Bago pa siya makapag-react ay bigla na lang siya nitong sinugod ng yakap. Nagsimula nang magsalita ang batang babae at base na rin sa ekspresyon ng mukha nito, malaki ang posibilidad na fan niya ito.
"I'm really a big fan of yours, Asha," pagkumpirma ng bata sa hinala niya. "Hindi ako makapaniwala na nandito ka talaga. I can't wait na ikwento 'to sa mga kaibigan ko."
Marahang inilayo naman sa kanya ng lalaki ang bata at nagwika, "Pasensiya ka na sa pamangkin ko, she's just really excited."
Nag-angat siya ng mukha at noon lang niya muling tiningnan ang lalaki. He looked very boyish. Hindi ito yung masasabi mong napakagwapo sa unang tingin. Maaari ngang sabihin na mapupunta lang ito sa kategorya ng 'may itsura'. But he has this certain openness in him. Na para bang napakadali lang na sabihin dito ang lahat ng problema mo and that he will listen to you and somehow make it easier. Hindi nga ba't kanina lang ay nagawa na nitong pagaanin ang loob niya. There must be really something special about him.
Hinawakan ng bata ang kamay niya na nakapagpabalik dito ng atensiyon niya. "Alam mo ba I have all your albums, lahat ng kanta mo gustung-gusto ko. You're my favorite singer kasi hindi lang maganda ang boses mo, you're also very pretty," sunud-sunod na wika nito. Then bigla itong huminto na para bang meron itong naalala. "Ako nga pala si Trishia."
Tuluyan na siyang napangiti, nakakaaliw naman kasi talaga ang bata. Tumalungko siya para magpantay ang mata nila ni Trishia. "It's very nice to meet you, Trishia."
Lumawak naman ang pagkakangiti nito. "You should come with us!" biglang wika nito. "Malapit na yung farm namin dito. Para mapapirmahan ko sa 'yo yung lahat ng CDs mo then I can show you my room--"
"Trishia, I'm sure Miss Abueva is very busy para sumama sa atin," putol ng lalaki sa kung ano pa mang sasabihin ni Trishia.
"But Tito Niko--"
Napatingin siya ulit sa lalaki. So Niko pala ang pangalan niya.
"Trishia, 'wag kang makulit."
Bigla namang yumapos sa kanya ang bata. "No!" Tumingala ito sa kanya, parang anumang oras ay iiyak na ito. "Please, Asha, come with us."
"Trishia, you're being really difficult right now." Akma na sanang hihigitin ni Niko ai Trishia palayo sa kanya pero mas lalo lang hinigpitan ng bata ang pagkakayakap sa kanya.
Tiningnan niya ang bata, mariing nakapikit ang mukha nito habang nakayakap sa kanya. Wari bang pinagdadasal nito sa sumama siya sa mga ito. How could she refuse this child? Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo nito and ruffled her hair. "Okay, I'll come with you."
Agad naman itong nagmulat ng mga mata at halos kumislap na ang mga 'yon dahil sa labis na kasiyahan. "Yey!" nagtatatalong wika nito bago siya muling niyakap. "Thank you, Asha!"
"Are you sure about this?" tanong ni Niko.
"Tito, Asha already said yes." Bumaling ito sa kanya. "Asha, I'll ride with you para maituro ko sa 'yo yung daan papunta sa farm namin. Or we can just follow Tito Niko, right Tito?"
Bago pa sila makasagot dalawa ay agad nang tumakbo si Trishia papunta sa kotse niya at sumakay sa may passenger's seat. Makailang sandali ay narinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga ni Niko.
"I'm really sorry about this. Napakakulit lang talaga ng batang 'yon. And just like she said, she's your biggest fan."
Napangiti naman siya. "It's okay, I don't mind."
Isa pa, wala na din naman siyang iba pang gagawin. Wala na siya sa mood para ituloy pa ang shooting ng music video niya. Sa katunayan nga, nagpapasalamat siya that she got to meet these two. Palihim niyang sinulyapan ang binatang katabi. Especially him. Hindi rin niya maipaliwanag. Ni wala nga siyang alam tungkol sa binata, and yet she was already fond of him. Siguro kasi sa gitna ng kalungkutan na nadarama niya, he gave her a little bit of happiness.
"Ah, ako nga pala si Nikolo Montreal, pamangkin ko yung makulit na batang nasa loob ng kotse mo ngayon. Ang again, pasensiya na sa matinding pang-aabalang 'to, Miss Abueva."
"Atasha," pagtatama niya sa sinabi nito. "Please call me Atasha." Halata namang nagtaka ito sa pangalang binanggit niya. Hindi naman niya kasi ginagamit ang tunay niyang pangalan, to everyone she was Asha. "It's my real name." And I want to hear you say it.