CHAPTER 11: Elijah’s Father.

1992 Words
CHAPTER 11: Elijah’s Father. Written by CDLiNKPh NIYAYA si Colleen ni Elijah na pumunta sa bahay nila. Ayaw pa sana niya pero mapilit si Elijah at gusto raw siya nitong ipakilala sa mga magulang nito. Ayaw naman niyang mag-'eat and run' na lang basta kaya pinagbigyan na niya. Nilibre naman siya eh. Pero namangha siya nang marating nila sa wakas ang bahay ng mga ito. Hindi nga yata dapat bahay ang itawag doon kundi mansyon o palasyo! Sobra kasing laki. "Colleen, dito ka na lang muna at tatawagin ko lang sila," paalam ni Elijah sa kanya saka na tuluyang umalis. Iginala niya ang paningin sa paligid at naagaw ng pansin niya ang marahil ay family picture nila Elijah na nakadikit sa dingding. Isa si Elijah sa mga naroon. Ang mama nito marahil ang may edad na ngunit napakaganda pa ring babae sa gitna na nakaupo. At katabi naman ni Elijah sa likod ang sa tingin niya ay kapatid nitong babae na parang manika sa ganda. At nang matitigan niya ang mukha ng may edad na lalaking nakaupo sa gitna ay para bang biglang may kumudlit sa puso niya. Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng lungkot. Pagkasabik o paninibugho na hindi niya malaman kung bakit. Ano ba itong nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw? Noong nakaraang linggo ay nakaramdam siya ng lungkot dahil naglaro sa isip niya na maikakasal sa ibang babae si Carlo. Ngayon naman pakiramdam niya ay magaan ang loob niya sa lalaking nasa larawan na ni hindi pa niya nakikita. Naguguluhan na siya kahit sa sarili niya. Siguro, siya ang Daddy ni Elijah, aniya sa isip. Matipuno at gwapo ang may edad na lalaki pero hindi ito kamukha ni Elijah. Hindi nga niya alam kung bakit parang sa tingin niya ay parang mas magkamukha pa sila ng kaunti. ---- PAGPASOK ni Elijah sa opisina ni Ruben sa mansyon ay nakita na agad niya na kumpleto roon ang lahat. Naroon ang Daddy at Mommy niya, ang mga parents ni Jodith, si Jodith mismo at ang kapatid na si Wendy na masayang nakikipag-usap sa wedding planner na inupahan ng mga ito. Gaya ng inaasahan ay napako ang tingin ng lahat sa kanya. "I'm sorry kung nakaabala ako sa pag-uusap ninyo pero may dinala akong espesyal na tao para sa inyo. Sigurado ako na matutuwa kayo kapag nakita ninyo siya sa baba," nakangising sabi niya sa lahat. Masayang tumayo sa kinauupuan nito si Jodith. "What do you mean, Elijah? Huwag mong sabihin na kumuha ka ng sariling wedding planner para sa kasal natin?" nakangiting tanong ng babae na malanding naglambitin sa leeg niya kahit pa naroon ang lahat at nakatingin sa kanila. Nginisian niya ang babae. "Let's just say na isa siyang tao na inihanda ko para sa kasal na ito, my lovely Jodith." "Talaga? Pinaghahandaan mo rin ang kasal natin, Elijah? I'm so happy! Sabi ko na nga ba at nahihirapan ka lang tanggapin ang responsibilidad pero mahal mo rin ako eh! I love you, Elijah!" masayang sabi nito na walang sabi-sabi na siniil siya ng halik. Tinugunan naman niya iyon dahil iyon na rin naman ang magiging huli. Mas lalo itong masasaktan sa nakatakdang mangyari. Hindi ang isang katulad niya ang maloloko at mapipikot nito. ---- MATAPOS tingnan ni Colleen ang family picture na naroon ay ang flower base naman ang tiningnan niya. Naakit siya sa kakaibang taglay ng bulaklak na nakalagay doon kaya hindi niya napigilan ang sarili na hindi angatin iyon para amuyin. Nagulat siya nang biglang may sumigaw sa kanya kaya hindi sinasadyang nadulas sa kamay niya ang base at nabasag iyon! Kinabahan na siya lalo na nang galit na lumapit sa kanya ang isang may edad na babae! "Anong ginawa mo? Alam mo ba kung gaano kamahal ang base na iyan!?" pagsigaw nito. "Sorry po! Hindi ko po sinasadya!" takot na takot na paghingi niya ng tawad. Para na siyang maiiyak sa takot at nanginginig na ang mga kamay niya. Nakakatakot ang reaksyon ng babae. "Sorry? Mababayaran ba ng sorry mo ang base na ito? Alam mo ba na kakabili ko lang sa France ng base na ito sa halagang limang daang libong piso? Kaya mo bang bayaran ito ha!?" nanggigigil na tanong nito. Tuluyan na siyang napaiyak pagkarinig ng pera. Wala siyang ganoong kalaking halaga! Muling sumigaw ang babae at tinawag ang nakaunipormeng katulong. "Inday! Ano ba itong bagong katulong na kinuha ninyo? Tatanga-tanga!" gigil na sabi nito sa babaeng nakatayo rin doon. "P-pero Ma'am. Hindi naman siya bagong katulong dito e. Ni hindi ko nga siya kilala," nauutal na paliwanag ng katulong na maging ito ay natataranta na rin. "Kung ganoon, sino ang batang ito?" gulat na tanong sa sarili ng babae sabay tingin sa kanya. "Huwag mong sabihin na magnanakaw ka!" paratang nito. "Hindi po-" "Inday! Tawagin mo ang Guard at ipakukulong ko ang magnanakaw na ito!" utos ng babae. Doon lalong nag-unahan ang mga daga sa dibdib niya. Hindi siya magnanakaw! Napatingin siya kay Elijah na naroon na rin pala. Tinitigan niya ito para magpasaklolo rito pero kalmado lang ito at nakangisi pa na parang walang pakialam sa nangyayari. "Lufe, huwag mong takutin ang bata hindi naman niya sinasadya," pagpapahinahon ng lalaking sa tingin niya ay ama ni Elijah sa asawa nito. Iyon din ang lalaking nasa larawan kanina. "Tumahimik ka Ruben! Alam mo na isa ang base na ito sa pinakamahal at pinakapaborito ko! Hindi ko papalampasin ang ginawa ng hampaslupang ito! Guards, dalhin ninyo na sa pulisya ang babaeng ito!" Umusok na ang ilong na sabi ng babaeng tinawag na Lufe ng asawa nito sa mga gwardiya na dumating. Hahawakan na sana siya ng mga guards nang magulat sila sa tawa ni Elijah. "'Ma, pwede ba? Huwag kayong OA. Base lang 'yan. Pwede akong bumili ng kahit marami pang kapalit kung gusto ninyo. 'Wag n'yo nang tinatakot pa si Colleen," sabi ni Elijah na lumapit saka siya inakbayan. "Kilala mo ang babaeng iyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Lufe. "Hindi ko lang basta kilala Mommy dahil siya ang girlfriend ko. At babaeng papakasalan ko," bulgar ni Elijah na nagpagulat sa lahat nang nakarinig dito lalong-lalo na siya. Para bang bomba ang sumabog sa tenga nila. Pero nagmistula siyang sunud-sunuran dito dahil na rin sa hinihingi ng pagkakataon. "Anong kalokohan ito ha, Elijah? Ikakasal na kayo ni Jodith!" galit na sabi ni Lufe. "Kaya ko nga dinala si Colleen dito eh, dahil ayaw kong pakasalan ang babaeng 'yan. Alam ko na hindi kayo titigil hanggat hindi kayo makakakita ng babaeng sineseryoso ko. Kaya gusto kong makilala ninyo ang babaeng mahal na mahal ko at papakasalan ko kahit saan pang simbahan." Pagmamalaki ni Elijah na binigyan pa ng nakakalokong ngiti si Jodith. Hindi naman mapigilang umiyak ng babae. "Paano mong nasasabi iyan ha, Elijah? Pagkatapos ng lahat nang nangyari sa atin? Magkakaanak na tayo!" nahagulgol na sabi nito. "Pwede ko namang sustentuhan ang magiging anak natin pero ang pakasalan ka ay hinding-hindi ko magagawa Jodith! Makita pa nga lang kita nasusuka na ako eh! Hindi ko alam kung ilang lalaki na ang gumamit sa'yo bago ka pumunta rito." Nawalan na talaga ng galang sa babae na sabi ni Elijah. Nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na kayang makapagsalita ng ganoon ni Elijah sa isang babae! Parang hindi ito ang mabait na Elijah na kasama niya kanina! "How dare you-!" Nainsulto kaya akmang sasampalin ni Jodith si Elijah pero napigilan ng lalaki ang kamay nito. "Kung sa kanila umuubra iyang pag-iinarte mo, sa akin hindi! Siguro naman dapat ka nang magising diyan sa ilusyon mo. Kahit magkaanak pa tayo ng isang dosena hinding-hindi ako magpapakasal sa'yo. Dahil hindi ka naman panghabang-buhay eh! Pangkama ka lang!" masamang sabi ni Elijah saka nito tinulak palayo ang babae. Sumadsad sa sahig ang babae. Umangat ang ulo nito at tinitigan siya ng masama habang lumuluha. Nanlilisik ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya. "Hindi ako makapaniwalang sa babaeng katulad niya lang mo ako ipinagpalit! Hindi kita mapapatawad kahit kailan Elijah! Hindi ako basta na lang susuko! Sisiguraduhin ko na makukulong ka!" Sa pagitan ng pag iyak ay nagawang sabihin nito bago humahagulgol na umalis na palabas ng malaking bahay. "Hindi ako makapaniwala na ganyan ninyo pinalaki ang anak ninyo, Ruben! Isa akong taong may pinag-aralan kaya hindi ko sasaktan ang anak mo pero hinding-hindi ako papayag na ma-agrabyado ang anak ko! Idedemanda ko kayo! At huwag mo nang asahan na itutuloy ko pa ang investment ko sa bagong negosyo mo Ruben! Pagsisisihan ninyo ang ginawa ninyo sa amin!" Banta ng ama ni Jodith saka na nito hinila paalis ang asawa nito saka sinundan ang anak. Napatingin siya kay Elijah. Wala man lang siyang mabakas na kunsensya sa mukha nito. Kampante lang at parang walang nangyari. Napagbantaan na nga itong kakasuhan pero parang wala lang para rito. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo ha, Elijah? Hindi lang ikaw ang nakataya rito kundi pati na rin ang pangalan ng buong pamilya natin! Hindi ka na ba talaga nag-iisip?!" Si Lufe naman ang nagsermon sa anak nito. "Pwede ba 'Ma, 'wag na tayong paulit-ulit? Buo na ang desisyon ko at wala na kayong magagawa! Si Colleen na ang mahal ko kaya kung pwede lang 'wag n'yo na lang akong pakialaman! Hindi ba ito naman ang gusto ninyong mangyari noon pa? Ang magtino ako sa isang babae? Pagkatapos ngayon andami ninyong sinasabi!" Naiirita na si Elijah. "'Yan na nga ang pinagtataka naming lahat dito eh! Ngayon mo lang ginamit ang salitang mahal pagkatapos para lang sa isang babaeng katulad ng isang ito? Nasaan ang sense of taste mo Hijo? Wala ka na talaga sa sarili mo!" Saka siya pinasadahan ng tingin ni Lufe mula ulo hanggang paa. Napayuko siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa sitwasyong iyon. Tuluyan na siyang nadamay sa g**o ni Elijah. Hindi naman sila talaga nito pero ngayon pa lang parang sinusuri na siya ng pamilya nito. "'Wag ninyo siyang insultuhin Mama kung ayaw mong pati tayo magkagalit," mariing sabi ni Elijah nang makitang lalapitan na naman siya ni Donya Lufe. "Talagang magkakagalit tayo kapag hindi mo itinigil ang kalokohan mo! Hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng ito!" "Kung ganoon wala na rin akong magagawa kung 'yan ang gusto ninyo. Kung hindi nyo matatanggap si Colleen 'wag ninyo nang isipin na may anak pa kayo." Blangko na ang ekspresyon ng mukha ni Elijah saka siya hinila nito paalis. "Elijah! 'Wag mong sabihin na mas pipiliin mo pa ang babaeng iyan kaysa sa sarili mong ina?" Hindi makapaniwalang pagtawag ni Lufe rito. "Sana ho ay nagkaroon din kayo ng pagkakataon na silipin ang lagay ko rito sa Pilipinas bago ninyo inuna ang pagpapakasasa ninyo sa sugal Mama. Kung nagabayan ninyo ako ng maigi siguro hindi ako magkakaganito. Pero huli na. Binigyan ninyo na ako ng pagkakataon para umalis sa walang kwentang pamilyang ito." Panunumbat ni Elijah bago na sila tuluyang lumabas. Napatulala na lang si Lufe. Naisip na hindi talaga ito nagkaroon ng oras para sa anak. ------ PATULOY pa rin sa pag-iyak si Lufe. Hindi nito matanggap na talagang umalis si Elijah para lang sa babae nito. Naroon naman ang anak nilang si Wendy para aluin ito. Napabuntong-hininga naman mula sa 'di kalayuan si Ruben. Alam niya na babaero si Elijah pero kanina nakita niya kung gaano kaseryoso ito. Hindi kaya totoong mahal nito ang babaeng kasama nito? Napaisip siya nang muling maalala ang hitsura ng babaeng kasama ni Elijah kanina. Ang dahilan kung bakit para siyang nawalan ng dila kanina at hindi niya magawang sermunan si Elijah gaya nang nakasanayan niya ay dahil sa hindi niya magawang magalit sa babaeng kasama nito. Hindi niya alam kung bakit pero napakagaan ng loob niya kay Colleen. Naaalala niya ang namayapa niyang kasintahan noon rito. Para ring kamukha ito noon ni Lourdes at ang pinagkaiba lang ay ang pagiging dignified ng mukha ni Lourdes noong kabataan nito. Pakiramdam niya gusto niyang makita ulit ang kasintahan ni Elijah. Pero bakit? Ni hindi niya lubos na kilala ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD