Chapter 8

4877 Words
“GOD..”sambit niya pagkatapos makipag usap sa doctor ng kapatid niya. Kahit na anong ulit niyang basahin ang nagging result ng mga laboratory ni Alyssa ay isa padin ang kalalabasan. Her sister has leukemia. Ayon sa doctor nito ay stage II na ang cancer ng kapatid niya. Hindi niya nalam kuna gnao bang dapat niyang gawin ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay para siyang pinagtaksilan ng buong mundo. Hindi siya makapaniwala na sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ang kapatid pa niya ang dinapuan ng ganoong klaseng sakit. Ayon sa doctor, marahil ay alam na nang kapatid niya ang sintomas ng sakint nito ngunit winalang bahala nito iyon akya mas lalo pang kumalat ang cancer cells sa katawan nito. Parang sasabog ang dibdib niya sa tindi ng emosyong nararamdaman. Pero hindi pa din siya makaiyak marahil siguro nasa state of shock pa siya. Marami siya sanang gustonf itanong sa doctor nito. Ngunit ni isa man sa tanong na nasa isip niya ay hindi niya mabigkas. Hindi dahil sa hindi niya kaya kundi dahil natatakoy siya sa magiging sagot ng doctor. What if hindi na gumaling si Alyssa? Paano kapag wala ng lunas ang sakit nito? Wala sa sariling nalukot niya ang hawak hawak na papel. Hindi hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa kapatid niya. Gusto niyang sisihin ang sarili sapagkat kung nalaman lang niya ng maaga ang sintomas nito ay hindi na siya humatonf sa gaanong stage ng sakit nito. “Luzzel? What happened? Anong sabi ng doctor?” Agad niyang iniangat ang paningin ng marinig niya ang tinig ni Didrey. Ito na ang kasama niya sa hospital ng sinugod nila si Alyssa. Hindi siya nito iniwanan. Pagkita niya ditto ay awtomatikong nagsilabasan ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Na para bang ito lang ang hinihintay. “Goodness. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”nag aalalang tnaong ng binata at agad siyang nilapitan nito. “Didrey , si Alyssa. Ang kapatid ko.”sabi niya sa pagitan ng paghikbi. “Ano bang sabi ng doctor?” Umiling iling siya. “Kasalanan ko, Didrey. Kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito ang sakit niya, I didn’t notice. I didn’t notice the signs. O baka hindi ko lang pinapansin kasi masyado akong busy sa ibang bagay. God..”nanginginig sa sabi niya. Mahigpit siyang niyakap ng binata para aluin. Lalo siyang napaiyak ng nasa balikat na siya nito. “It s my fault. Its all my fault. Hindi ko mapaptawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko. ” “Ssshh.. darling, sssh.. everything will gonna be alright. Alyssa will be alright. Just be strong, darling.”sambit nito habang hinahalikan ang magkabilang psingi niya. She ried until she feared that she will be ill. BAGO siya tuluyang lumabas sa hospital room ay muli niyang pinagmasdan si Luzzel na nakatulog na lang sa pag iyal. Kahit sa pagtulog nito ay bakas labis na lungkot at pag aalala sa kapatid. “Make it fast, Paul.”agad na sabi niya. He didn’t intend to be away from her any longer that necessary. When she wakes up, he want to be in her side no matter what. “Alyssa has a stage II leukemia. She need to under go chemotherapy as soon as possible. I don’t actually confide this details to you, Didrey. This is confidential.” Tumango siya. “She’s Luzzel’s younger sister. If anything bad happened to her she will be devastated and I don’t want that to happen.” Tinapik tapik siya nito sa balikat. “I can feel you, dude. Don’t worry, ill do everything I can.” Tinitigan niya ang kaibigang doctor. “Is there a hope to cure her?” “Didrey, there’s always a hope.” MAHIGPIT na hinawakan niya ang kamay ni Alyssa. Nang mga oras na iton ay hindi niya lam kung ano bang dapat niyang sabihin sa kapatid. For the first time in her life, she remain speechless in front of her. She didn’t know what words to comfort her. Hindi niya alam kung anong salita ang pwedeng pangpalakas ng loob nito. After almost ten years, feeling niya nararamdaman niya ulit ang sakit ng pagkawala ng parents niya ng iwanan na sila nito. Alyssa is the only one what’s left to her. Ito lang ang tanging dahilan kung bakit siya ngsusumikap sa buhay. At ngayon, hindi niya matanggap ang sarili niya na may malaking posibilidad na mawa din ito sa kanya. “Hey..”sambit niya ng dahan dahan nitong iminumulat ang mata. Kiming nginitian siya nito. Mukhang may idea na ang kapatid niya na nasa hospital ito. “Are you feeling Okay? You want me to vall your doctor?”tnaong nya. Umiling lang ito sa ginantihan ng mahigpit ng pisil sa kamay niya. “Im sorry, Ate Luzzel.”sambit nito. Nabasa niya mula sa kispla ng mga mata nito ang kalungkutan. Hindi na niya napigilan ang sarili niya at tuloy tuloy na umagos ang masaganang luha sa pisngi niya. “Please, don’t cry. I don’t want to see you like this.”sabi nito habang pinupunasan ang luha niya. She cleared her throat. Pakiramdam niya ay may malaking bara sa lalamunan niya. “W-why didn’t you tell me? Bakit hindi mo sinabi sakin, Aly?” “Hindi ko gusting masaktan ka, Ate. Alam ko kung gaano ka nasaktan ng mawala sina mama at papa. I don’t want you to feel that kind of pain again.”malungkot na sabi nito. Doon siya tuluyang napaiyak. “youre silly, Aly. You have no idea kung gaano ako nag alala sayo. You should tell me no matter what. Kapatid mo ako. Mag aalala at mag aalala ako sayo kahit na ano mang gawin mo.” “Sorry” Mariing hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. “You cant give up like this, Okay? We will do everything para gumaling ka. Just hold on to me, Aly. Gagawi ko ang lahat para gumaling ka.” Tumango tango ito. “You’re the only person I have, Ate. Ikaw ang dahilan kung bakit lumalaban ako ngayon.” Agad na niyakap niya ang kapatid niya kasabay ng unti unting pagbalot ng takot sa puso niya. HALOS ilang araw din silang nag stay sa hospital para observahan ang kapatid niya. Actually, Alyssa hated hospital kaya lagi itong nagrereklamo sa kanya na gusto na nitong umuwi ng bahay. Kaya nga ng makakuha sila ng go signal kay Paul Cenon, ang espesyalitang doctor nito na pwede na silang umuwi ay tuwang tuwa naman ang huli. “Papayagan kitang lumabas ng hospital but you cant go outside na wlang kasama dahil kailangan pa natin imonitor ang kalagayan mo.”nakangiting sabi ni Paul sa kapatid niya. Ngiting ngiti na agad na tumangot tango naman ang isa. Halatang kilig na kilig ito hbang nakatanga lang sa gwapong doctor. Noong unang kita pa lang ni Alyssa sa magiging doctor nito ay hindi na nito malaman kung anong dapat na gawin. Hindi rin naman niya masisisi ang kapatid niya dahil totoo naman na gwapo talaga si Paul. Hidni nakapagtataka kung nainlove ditto si Hasmin ng todo. She can sense na isa din itong mabuting tao. “Doc Pogi, you said dapat may kasama ako kapag lumalabas ako, right? Can you accompany me?”kinikilig na sabi nito. Natawa lang siya. Siguro kung si Travis Laurel ang naging doctor nito ay baka hindi na makalabas ng buhay iyon. May narinig siyang nagdabog sa isang tabi. At kung hindi siya nagkakamali ay si Vaughn iyon. Simula ng malaman nito namay sakit ang kapatid niya ay hindi na nito iniwanang mag isa si Alyssa. She witnessed kung gaano talaga kaimportante sa lalaki si Alyssa. Ang mga ganoong klase ng tao ang kinakailangan nila para lalong lumakas ang loob nito. “Sorry, sweetheart. Gustuhin ko man na samahan ka ay nhindi pwede. Mukhang kanina pa ko gusting sapakin ni Vaughn. Mind you, mas matapang yan kaysa sa Kuya niya.” Doon sumingit si Didrey at tinapik tapik nito sa balikat si Paul. “I don’t know what youre talking about, Pare. Are you sure na pwede ng madischarged si Alyssa?”tanong ng balita. “Yes, but I suggest na makapag rest si Alyssa ng husto before ng session niya for chemo.” Marami pa itong binilin kung ano ang dapat nilang gawin para mas lalaong lumakas pa ang resistensya ng kapatid niya. But everytime she looks at her ay hindi niya maiwasang masaktan. Malaki narin akasi ang ibinaba ng timbang nito at doon siya labis na nag aalala. “She’s going to be alright. Just be strong for her.” Narinig niyang bulong sa kanya ni Didrey. And then she look at him. Simula ng isinugod ang kapatid niya sa hospital ay hindi na siya nito iniwanan. He always make sure na lagi itong nakaalalay sa kanya. At aaminin niyang pinapalakas nito ang loob niya sa kinahaharap n pagsubok. “I know. Thank you, Didrey.”she sofly said to him. Matamis na nginitian lang siya nito. Maya maya ay narinig niya ang malakas na tikhim ng kapatid niya. Bakas sa mga tingin nito ang panunukso at pang aasar. She rolled her eyeballs. Simula ng maospital ito ay hindi din siya nito tinitigilan sa panunukso sa kanilang dalawa ni Didrey. “tama na muna ang landian mode, Ate. May bigla lang akong naisip.”sabi nito. “What is it?”tanong ni Vaughn. “I remember na may island kayo sa cebu, right? Can we go there?” NAPABUNTong hininga siya habang tinititian ang isla na pupunthan nila. Wala run siyang nagawa at pinili na lang niyang pagbigyan ang hiling ng kapatid niya na magbakasyon sila sa isal nila Didrey James. Naisip din niyang mas makakabuti sa kalusugan nito ang sariwang hangin sa isla. Iniisip din niyang pampalubag loob din iyon kay Alyssa. Napagpasyahan kasi nilang huminto muna ito ng studies hanggat hindi pa ito gumagaling ng husto. Kaya lahat ng hilingin at sabihin nito ay ginagawa niya sa lubos ng mkakaya niya. Nilingon niya ang dalawa na masayang nagkkwentuhan sa yatch na sinasakyan nila. Then she looked at Didrey, Muli na naman niyang naalala ang isa pang kahilingan ng kapatid niya.. “Are you out of you’re mind, Alyssa?”gulat na sabbi niya sa kapatid. “Yes, I am. Kaya nga hinihiling ko sana na pagbigyan mo ako, Ate.”seryosong sabi nito. Dahil sa hindi na niya nakayanan aytumayo siya sa kinauupuan at pabalik balik na naglalakad sa hospital nito. “Ano naman ang biglang pumasok sa isip mo at gutso mong gawin ako ang bagay na iyon?”ani niya. Hiniling lang naman ng magaling niyang kapatid na makipagballikan lang naman siya kay Didrey James! How in the hell she will do that thing? Napakaraming bagay at pangyayari sa kanila ng lalaki. At maraming reasons na din kung bakit hindi niya pwedeng mapagbigyan ang hiling ng kapatid niya. “I know, Ate. Alam kong mahirap for you na gawin ang gusto ko. Pero gagawin kong dahilan ang sakit ko ngayon. This is not for myself. This is also for you.” Doon niya nilapitan ang kapatid niya at umupo sa hospital bed nito. “Aly, I hope you nunderstand. Pero napakaraming bagay at dahiln kung bakit hindi kami pwedeng magkabalikan ni Didrey. There’s so many pain in here.”sabi niya sabay turo sa puso niya. “Napakarami ng nangyari sa loob ng sampung taon na nagkahiwalay kami. Marami ng nagbago samin. I cant make it, Aly. Hindi ko mapagbibigyan ang hiling mo. Im sorry..” Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at pinagkatitigan siya. “You’re right, Ate. Hindi ko na tatanungin ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Kuya DIdrey. Pero may isa pang dahilan kung bakit kailangan mong pagbigyan ang kagustuhan ko. Because of love, Ate. Kahit napakarami ng dahilan kung bakit hindi mo siya pwedeng mahalin ulit. Mas mabigat pa din ang rason kung bakit hindi mo siya nagawang kalimutan sa loob ng maraming taon. Because you still in love with him. Kasi mahal mo pa siya. Love is the valid reason why you didn’t want to forget him. Trust me. Trust ny words..” She sighed again. Hindi man niya sinabi sa kapatid niya kung oumayag na siya sa kahilingan nito ay parang alam na nito ang sagot niya. “We’re here!”narinig niya excited na announce ni Alyssa. Hearing and seeing her excitement right now ay nkakapagbigay ng kapanatagan sa isip niya. Pagkatapak na pagkatapak niya sa putting buhangin ay agad niyang inilibot ang tingin niya sa isla. It was a huge island. Hindi siya makapaiwala na ganoon kayaman talaga ang pamilya ni Didrey. At masasabi niyang napakaganda ng isla na kinarorooanan nila ngayon. Talagang siniguro ng pamilya ng binata na ma-maintain ang kagandahan ng isla. Halos fifteen minutes din silang naglakad sa seashore papunta sa white house nila Didrey. Sa totoo lang, hidn tamang sabihin na house iyon. It was a huge white mansion na talaga naman isinisigaw ang karangyaan ng pamilya nito. “Welcome in our paradise, beautiful ladies..” Mula sa sala ay agad na binate sila ng mama ni Didrey. She met his mother noong nag lunch siloa ng sabay sabay. Halos wala pa din itong pinagbago. Maganda at napaka sophisticated nitong tignan. “Good afternoon, Mrs. Perez.”bati niya. “Thank you for letting us stay at your place.” Sa gulat niya ay bigla na lang siya niyakap ng ginang. “Cut the formalities, Luzzel. Cal me Tita Yanny.”sabi nito sabay haplos sa pisngin niya.”You look beautiful as ever. Hindi nakapagtatakang in love sayo ang anak ko.” Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng ginang. “Mom, stop it. You making her feel awkward.”saway ni Didrey sa ginang. Hindi nito pinansin ang sinabi ng anak at siya ulit ang binalingan. “Minsan nakakainis ang pagiging seryoso ng anak ko, Luzzel. But always understand him. He’s a good man. Ang mabuti pa maglunch na tayo. I know you are all tired sa byahe.”sabi ng giangn at inaya sila sa dining hall. Awtomatikong kumulo ang tyan niya ng Makita ang pagkain na nakahain sa kanila. Halos hindi na din kasi siya nakakain ng umagahan dahil sa tindi ng antisipasyong nararamdaman niya. Maaga silang nagkwentuhan. Napaka accommodatinf kasi ng mother ni Didrey. “So, Luzzel hija. Kamusta pala ang panliligaw sayo ng anak ko? Pasado ba siya sayo?” Muntik na niyang maibuga ang iniinom na orange juice sa narinig mula sa ginang. Kailang pa siya nililigawan ni Didrey? “P-po?”gulat na sbai niya. “Naku, Tita Yanny. Hindi po ba kayo nainform? Sila na kaya ni Kuya Didrey.”singit naman ng kapatid niya. “What?” “Kailan pa?” Halos sabay na tanong nila ng ginang. Ano na naman ang pinagsasabi ng kapatid niya. Kalian pa sila nagkabalikan ni Didrey? At kalian pa siya niligawan ng tukmol na iyon? Pinandilatan siya ng kapatid niya at sumenyas ito sa kanya na para bang pinapaalala nito ang gusto nitong mangyari sa knila ng binata. Siya naman ang binalingan ng ginang. “Totoo ba, Luzzel? Kayo na ba talaga ng anak ko?” Lumunok muna siya ng ilang beses. Feeling niya ng mga oras na iyon ay pinagpawisan siya ng malamig. Then she looked at Didrey James. Puno ng amusement ang kislap ng mga mata nito. Dahan- dahan siyang tukmango. “O-opo. Kami na po ulit ni Didrey. Nagkabalikan na kami.”sambit niya. Tuwang tuwang niyakap siya ng ginang. “Congratulations! So kalian ang kasal?” Nanlaki ang mata niya sa narinig. Kasal agad? Eh hindi nga alam ng lalaking ito na sila na ulit.! “Mom, don’t get so excited. Nagsisimula pa lang kami ni Luzzel.”saway ni Didrey sa mama nito. “Okay lan naman kung uunahin niyo munang gumawa ng apo.”sabi pa ng ginang sa kanila. Pinunansan niya ang pawis na unti unting nagsipag labasan sa noo niya. Ano na naman ba kasing klase ng sitwasyon ang napasukan niya? Narinig niya ang pagtawa ni Didrey sa sinabi ng mama nito. And when she looked at him ay kinindatan lang siya nito. NAKAILANG atras at abante na siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakakapagdecide kung kakatok siya sa pintuan ni Didrey James. Ilang oras ng natapos ang nakakailang, nakakapawis at nakakhiyang lunch nila. Wala naman ibang sinabi sa kanya ang binata. Yun nga ang nakakakaba! Kausap niya sa sarili niya. She needed to talk to Didrey para ipaliwanag ang nangyari sa kanya. Paano kung isipin nito na hanggang ngayon ay patay na patay pa din siya ditto? Sa isiping iyon ay kumatok na siya ng sunod sunod. Kailangan ipaliwanag niya rin sa binata ang kinasusuungang sitwasyon. Kakatok pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto at tumambad si Didrey na nakatapis lang ng twalya. “Luzzel, what a surprise!”nakangising sabi nito sa kanya. Napalunok siya. Tapos lunok ulit at isa pang lunok. Goodness! Bakit ba ang ganda ng katawan ng lalaking ito? Hindi niya napigilang pagmasdan ang matitipunong dibdib ng binata. “Luzzel.”untag sa kanya nito habang pinupunasan ng towel ang buhok. “ha?”wala sa sariling sabi niya. Paanong hindi siya mawawala sa sarili? Eh amoy na amoy niya ang bango nito an parang nanunuot sa buong pagkatao niya. Hindi nalang ito kumibo at naiiling na niluwagan ang bukas ng pinto. “Come on. Get in.” Nang makapasok sa loob ng kwarto ni Didrey ay parang noon lang rumihistro sa isaip niya ang nangyari. “Bastos kang lalaki ka! Ganyan ka ba humarap sa bisita?” “I thought you like it. Hindi kasi maalis ang tingin mo sakin.”he smirked at her. Agad agad na tumalikod siya ditto. Para hindi na niya Makita ang magandang katawan ng binata. At para naman itago na din niya ang pamumula ng mukha niya. Ilang saglit lang ay nagsalita na ulit ang binata. “You can look now. im decent.”sabi nito. Haharapa n asana siya ng may sinabi ulit ito.”Naka boxers lang ako.” Tinakpan niya ng palad ang mukha nito. “You idiot! Wala ka na bang alam kundi magn asar?”pikon na sabi niya. Napuno ng halakhak nito ang buong kwarto. Naramdaman na lang niyang hinawakan siya nito sa braso at pilit na pinaharap. “Im just teasing you, Luzzel. Disente na ako. Common open your eyes.”sambit nito. And when she open her eyes, nakangiting mukha nito ang nabungaran niya. Then her heart starting to beat fater and abnormally. Na walang ibang nagpaparanas sa kanya ng ganoong klaseng pakiramdam kundi ito lang. “Anong mapaglilingkod ko sayo, Darling?”ani nito. Pinilit niyang hamigin ang sarili. Kailangan niyang sabihin ang plano at sitwasyon niya dito. “Regarding sa nangyaro kanina. I want to explain it to you.” “I see. No need to explain. Sinasagot na kita.” Inis na hinampas niya ito sa braso. “That’s not what I meant, Didrey. Pwede bang making ka muna?” Tinawanan lang siya nito. “So, ang gusto mong mangyaro ay maging tayo na ulit? Well, Okay lang naman sakin. Nagulat nga lang ako sa sinabi mo kay Mommy na tayo na. so, can we seal it with a kiss?” Nagulat siya ng bigla nalang nitong ilapit ang mukha sa kanya. Inis na inilayo niya ang mukha nito. “Pwede ba, Didrey? Ayusin mo nga yang buhay mo. Kaya nga ako nandito para ipaliwanag ang nangyari kanina. Don’t you get it?” “So, hindi totoong tayo na?” “Hindi.” “Hindi totong sinasagot mo na ako?” “Hindi nga.” “Hindi tayo magkakanak?” “Baliw ka nab a?” Hampasin kaya niya ito ng kama? Muling pumailanlang ang masayang tawa nito. “Will you stop laughing like an idiot, Didrey? Nandito ako para humingi ng favor sato. To make it short, humiling ang kapatid ko na makipag balikan sayo. I didn’t know kkung anong pumasok sa isip niyon but Im willing to do it para mapagbigyan ang hiling niya. I don’t want to disappoint her”seryosong sabi niya. Sa narinig mula sa kanya ay sumersyoso din ang binata. “So, what do you want me to do?” Humugot muna siya ng hininga bago pinagpatuloy ang pagsasalita. “I want you to help me. Gusto ko sanang magpanggap na nagkabalikan na tayo sa harap niya. Can you do that for me?” Ilang saglit na hindi ito kumibo sa sinabi niya. Nakatingin lang ito sa mukha niya. Pero para siyang nabunutan ng tinik salalamunan ng pumayag ang binata. “Sure. Iyon lang naman pala.” Sa tuwa ay nahawakan niya ang braso ni Didrey. “Thank you. Ang akal ko mahihirapan akong mapapayag ka. Anyway, this is just an act Okay? I know you, Didrey.”banta niya dito. Nginisian lang siya nito. Ngising nagbigay ng kakaingang kaba sa kanya. “Ayoko ng ganyang klase ng ngiti, Didrey James Perez.”banta niya. Unti unti itong lumapit sa kanya na halos kalahating pulgada na lang ang layo nila sa isat isa. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. At kitang kita niya ang pagka aliw nito base sa kislap ng mata ng binata. “Darling, dahil sa kabaitan ko kaya ako pumayag sa gusto mo. Pero may kailangan tayong gawin para maseal ang kasunduan natin.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Ano naman yun?” Nagulat siya ng halos inilapit nito ang mukha sa kanya. “A kiss.”sabi nito haabng pinagmamasdan ang labi niya. Dahil gising na ang diwa niya ay agad na nakuha niya ang gusting mangyari nito. Sinalubong niya ng palad ang labi nito. “Kiss my palm!” Dahil doon ay nakakuha siya ng pagkakataon para lumayo at tumalikod ditto. Kailangan na niyang lumabas sa kwarto nito at baka hindi na niya mapigilan pa ang sarili niya at mahulog sa mga pang aasar ni Didrey. “Hey, darling. Hindi pa tayo tapos mag usap.” “Whatever!” Bago pa niya tuluyang masara ang pinto ay narinig pa niya ang halakhak ng binata. Natatawa na naiiling na lang siya. Malamgn yun pa lang ang unang kalokohan na gagawin ni Didrey. “BUCKET LIST?” ulit niya sa sinabi ng kapatid niya habang binabasa din ang mahabang listahan nito na nasa papel. Sunod sunod na tumango ito. “Yes, Ate. That’s my bucket lust habang nandito tayo sa island para naman may magawa tayo ditto at lalo natin matreasure ang pag stay natin.”ngiting ngiting sabi nito na para bang sure na sure na mapagbibigyan. “Teka, teka. Sa pitong nasa list mo, ano ang uunahin natin dito?” Saglit na nag isip si Alyssa. Maya maya ay biglang kumislap ang mga mata nito. “Can you read number three on the list, Ate?”ani nito. “Perform as a gay.”sambit niya. “Am I going to pretend as a gay?” “Nope, hindi ikaw ang gagawa niyang kundi si Vaughn.”sabi nito sabay tingin sa katabi nitong kasintahan. Nandoon kasi silang apat sa may living area at pinatawag sila doon ni Alyssa na para bang may meeting na gaganapin. “Baby, baka gutom lang yan? Gusto mo pagluto kita?”ani ni Vaughn. Halata sa mukha nito ang hindi pag sang ayon sa sinabi ni Alyssa. “Ayoko. I want you to act as a gay. At dahil may mamgaling din tayonf make up artist ditto wala na tayong problema.” Dahil sa sinabi ng kapatid niya ay lalong nataranta si Vaughn. “Baby, may magandang tourist spot ditto sa island. Gusto mong magpunta tayo?” Tinignan ito ni Alyssa. “Vaughn, don’t call me baby kung hindi mo magagawa ang nasa bucket list ko.” Napakamot nalang ang binata. Nagulat siya ng bigla na lang magsalita si Didrey na akala niya ay abala sa pagbabasa ng kung anuman sa laptop nito. “Ill do it. Okay sakin magpanggap na bakla.” Napapalakpak si Alyssa samantalang si Vaughn ay napaungol. Mukhang hind magandang idea para dito ang magpanggap na bakla. “So, its settled na.”announce nito sabay baling sa kanya. “Ate, you will do Kuya Didrey’s makeup at ako ditto sa duwag kong boyfriend.” “I cant do it.” “Vaughn!”pinanlakihan ito ng mata ni Alyssa. Maya maya ay tumayo sa sofa ang lalaki at umalis. “Saan ka pupuntang lalaki ka?” “Sa rest room! Maghihilamos para maganda ang kapit ng make up.”narinig niyang sabi nito. Natawa siya na sagot ng lalaki. Sa nakikita niya ay talagang mahal ni Vaughn ang kapatid niya. At panatag na siya doon. “Can we start now?” Awtomatikong napalingon siya ng marinig niya ang tanong ni Didrey na nasa malapit nap ala niya. Maganda ang bungad ng pagkakangiti sa kanya that can make her heart beat faster. “Y-yes.”wala sa sariling sambit niya. Umupo ito sa tabi niya at itinapat ng husto ang mukha sa kanya. Bakit ba ang gwapo talaga ng tukmol na ito?ani ng isip niya habang Malaya niyang natititigan ang mukha ng binata. Nang hindi na niya makayanan ang pagkailang ay medyo inilayo niya ang mukha nito. “Paano kita lalagyan ng cosmetics kung ang lapit lapit ng mukha mo sakin?” Ngumisi ito. “Akala ko kasi sobrang face to face ang kailangan.” Umiling siya. Mukhag pinag t-tripan na naman siya ng isang ito. “Should we do it now?” Huminga muna siya ng malalim bago simulang ang make up nito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya kinabahan habang nagma-make up. At isa pa, sobrang titig kasi sa kanya ni Didrey James ng mga oras na iyon kaya mas nakakadagdag ng consciousness niya. Napapitlag siya ng hawakan nito ang kamay niya. “You’re shaking, Luzzel.”sambit ng binata. Umiwas siya ng tingin. “Huwag ka kasing malikot para matapos ko na yung ginagawa ko.” He chuckled pero hindi na ito nagsalita. Maya maya ay natapos na din niya ang make up nito at himalang nagawa niya iyon ng maayos. “Ayan..”napangiti siya ng Makita niya ang resulta ng master piece niya. Kahit hindi na siya masyadong nag ma-make up sa salon niya ay masasabi niyang hindi pa din kumukupas ang gaing niya sa larangang iyon. “Woah! Maganda pala ako kapag naging babae.”sabi nito habang pinagmamasdana ang sarili sa salamin. Napahagikgik siya. Tama ito na maganda ito kapag naging babae. “You look like Tita Yanny.” “Really? It really runs in the blood talaga ang pagiging maganda at gwapo namin.” “Yabang.”natatawang sabi niya. Maya maya ay nawala ang tawa niya ng mapansin nakatitig na naman ito sa kanya. “Mas maganda ka pa din, Luzzel.”sambit nito sabay hawi ng ilang hibla ng buhok niya na tumabing sa mukha niya. Kumabog ng husto ang dibdib niya nang dahan dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya as if he was going to kiss her. No, actually, talagang hahalikan siya nito. Napapikit siya ng maramdaman ang labi nito sa labi niya. Marahan lang ang halik ng binata sa kanya na para bang nilalasanhan lang ang mga labi niya. Pero kahit na ganoon lang ang paraan ng paghalik nito ay ramdam na ramdam naman niya ang ibayong sensasyong na dulot niyon. Sa totoo lang, sa araw araw ay hinahanap hanao niya ang mga halik nito simula ng matikman niya ito ulit noong party ni Travis. Iminulat niya ang mata niya matapos ang halik nito. Kitang kita niya ang kislap ng mga mata ng binata. “Ddirey..”usal niya na para bang alapaap pa din siya. “They’re watching us..” “Huh?” “Sabi ko may mga audience tayo.” Saka lang niya naalala na nasa living pala sila ng mga oras na iyon kasama ang kapatid niya at si Vaughn. Nanlaki ang mata niya ng marealize ang bagay na iyon. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya. Dahan dahan siyang lumingon sa mga ito. At iyon nga, totoong may audiene nga sila. Nakatakip ang mata ni Alyssa sa kamay ni Vaughn pero ang lalaki naman agn nakatingin sa kanila. Tinabig ni Alyssa ang kamay ng lalaki. “Bakit ba kasi nanakip ka ng mata ? hindi ko tuloy nakita yung eksensa!”sisi nit okay Vaughn. “Ikukwento ko nalang sayo later baby. But they kissed.” “Really? Torrid ba? French kiss?” “Secret. Later nga.” “kaini ka! Kuya Didrey, bakit mo hinalikan ang ate ko? Bakit hindi ka muna nagpaalam sakin?”sita ng kapatid niya. “I just wat to taste kung mas masarap ang lasa ng lipstick ko sa lipstick ng ate mo.” “Then?” He stares at her and smile. “Hers was taste better than mins. I think im going to get addicted by it.”sabi nito habang tinitigan ang mga labi niya. Anak ng ampalaya! Malapit na siyang maloka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD