Chapter 10

4807 Words
MULI niyang inayos ang comforter ng kapatid niya at sinigurong komportable ito bago siya nagpasyang lumabas ng kwarto nito. Mahigit isang buwan na din ang nakakalipas simula ng mag start ito sa chemo therapy nito. And it’s a good thing na maganda ang response ng katawan nito sa mga gamut. Ang kinababahala talaga niya noong una ay ang labis na panghihina ng kapatid niya. Ang sabi ni Paul Cenon ay natural alng ang ganoon dahil isa iyon sa mga side effects ng gamut. Siya ang unang napaluha ng unti unting nalagas ang buhok ng kapatid niya. Hindi nga niya napigilang umiyak sa harapan nito habang hawaka ang nalagas na buhok ni Alyssa. Alam niya kung gaano nito iyon inlagaan at minahal. Natatawa nga siya dahil ito pa ang nag comfort sa kanya at nagbigay ng lakas ng loob imbes na siya. It’s just that her heart breaks into pieces sa mga nangyayari sa kapatid niya. Pero sinusumpa niyang hinding hindi niya ito susukuan. “How is he? Nakatulog nab a siya?” Doon lang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng marinig niya ang boses ni Brent. Naghihintay pala ito sa labas ng kwarto ng kapatid niya. Isang buwan na rin pala ang nakakalipas simula ng mangyari ang komprontahan nila ni Didrey James sa isla nito. Noong araw din kasi na iyon ay nagpasya siyang umalis na sila sa isla at umuwi ng Manila. Hindi naman nagtanong ang mommy ni Didrey ngunit sa palagay niya ay alam na nito ang nangyaring kaguluhan. She sighed. Umalis sila na hindi man lang sila nag kausap ng binata sa maayos na way. Pinagmasdan niya si Brent at nginitian ng kimi. Simula rin kasi ng nangyari ay wala na siyang narinig na anuman mula sa lalaki. Masuyong hinawakan nito ang kamay niya. “Luzzel, can we talk?” Napatitig siya ditto at nakita niya ang kseryosohan sa mukha ni Brent kaya napatango nalang siya. Balak kasi nilang magdinner sa labas pero sa kalagayan niya ngayon ay wala siya sa mood na makipag date dito. “Sa verandah tayo mag-usap.” Ilang minute lang ay nasa verandah na sila ngunit hindi pa din ito nagsasalita. Nahalata din niya na importante ang sasabihin into sa kanya kaya matyaga siyang naghintay. She heard him sigh bago ito nagsalita. “I’m going to Sates, Luzzel.” Ilang saglit muna ang pinalipas niya bago siya sumagot. “When?”she asked. “As soon as possible. Doon ko kasi balak itayo ang isa sa mga firm ko. And I will be staying there.” Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Hindi rin naman niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman o sabihin sa nalaman. Muli niyang narinig ang malalim na buntong hininga nito. “Let’s break up.” Doon siya napatingin sa lalaki. “Matagal ko ng alam na hindi naman talaga ako ang mahal mo.” Napipilan siya sa sinabi nito. “I’m just hoping na in time, you will learn to love me. Na kapag pinakita kong mas deserving ako for you ay baka mahalin mo na din ako.” “B-brent..”sambit niya. Umiling iling ito at pinagmas dan siyang mabuti. “I can feel your love for me Luzzel. Pero pagmamahal bilang isang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sakiin. Ako lang itong nag expect nab aka kaya mo pa iyong higitan. I don’t know kung ano ang pumipigil sayo for you to love me. Pero nang Makita ko ang mga reaksyon mo kapag tinitignan mo si Didrey James., doon ko lang lubusang napagtanto ang dahilan kung bakit mo ko magawang mahalin. Because you love him. You’re in love with him.” Sa narinig mula dito ay parang nagkaroon ng bikig ang lalamunan niya. “Ibang iba ang paraan ng pagkakatingin mo kay Didrey. Yung tingin na para bang siya an gang tao sa mundo.” Lumapit ito sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “I don’t know kung ano ang naging history nito ni Perez pero sa nakikita ko sa inyong dalawa, mahal niyo ang isat isa. Why don’t you work out with him? Ayusin nito kung anuman ang nanging problema nito. There’s no impossible basta nandyan ang love, Luzzel. Nagagawa nitong kalimutan ang lahat ng sakit na napagdadaan niyo. At isap oa, he’s totally madly in love with you kaya panatag akong mapupunta ang babaeng pinapangarap ko sa taong mahal na mahal din siya.” Pagkasabi niyon at mariin siya nitong hinagkan sa noo. “Please, Luzzel. Huwag mo sanang hayaan na ako ang maging hadlang sa kaligayahan mo.” Wala na si Brent ngunit nanatili pa din siya sa kinatatyuan. Hindi niya akalain na ang taong gusto niyang protektahan ay masasaktan na din pala niya in the process. Agad niyang pinahid ang luhang pumatak sa pisngi niya. Kung sana ay ganoon lang kadaling ayusin ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Didrey. Kung sana gaanoon lang kadali ang lahat. Sana.. NANG pumasok siya sa loob ng Flight Deck ay kasalukuyang nagkakagulo ang Hermoso Boys. Hindi na siya nag-usisa sa pinagtatalunan ng mga ito at agad na huming siya ng alak sa bartender na agad naman siyang pinagsilbihan. Sanay na siya sa pagdidiskusyunan ng mga ito. Malamang ay tungkol iyon sa mga negosyo. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Kenesis ngunit hindi man lang niya ito nilingon. Lama kasi niyang marami na naman itong itatanong sa kanya tungkol sa status nila ni Luzzel. Mahigit isang buwan na din silang hindi nagkakausap ng dalaga. Sinisiguro naman niyang may update siya sa lagay ni Alyssa. Napalapit na din kasi siya sa dalafa at ayaw niyang may masamang mangyari dito. At isa pa, mahal na mahal ito ng kapatid niya at ito ang unang unang masasaktan kapag may nangyaring hindi maganda kay Alyssa. Hanggang ngayon ay tandang tanda pa niya kung gaano ito nasaktan at natakot ng malaman nito ang kalagayan ng kasintahan. Mabuti na lamang at nalaman niyang mganda ang pagtugon ng katawan nito sa mga gamut. Kaya malakas ang pananalig niyang malalagpasan ni Alyssa ang sakit nito. Muli niyang inisang tagay ang alak na kakaserve lang sa kanya. Araw- araw ay imposibleng hindi niya maisip si Luzzel o imposibleng hindi man lang ito dumaan sa isip niya. Sa totoo lang ay hindi na siya nakakapag concentrate sa trabaho niya at marami din ang nakakahalata masyado ng mainitin ang ulo niya. Kaya nga maaga pa lang ay umalis na siya sa office niya at agad na dumiretso sa Flight Deck para uminom. Maya maya ay naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Yasser sa ballikat niya. Noon lang niya napansin na nakaupo nap ala ito sa tabi niya. Hindi niya ito pinansin at muli niyang tinungga ang alak niya. “What’s wrong, Didrey James? Napapansin kong lagi ka nalang umiinom.” Doon lang niya napagpasyahan na lingunin si Yasser na seryoso ang pagkakatingin sa kanya. Kabisado na siya nito at alam na nito kung may problema siya. “Is it Luzzel?”Yasser asked. “Yeah..”walang ganang sabi niya saka muling nagtagay ng alak. Everytime na gustuhin niyang puntahan at makiusap sa dalaga ay lagi siyang pinipigilan ng mga salitang binitiwan nito noon sa island. Luzzel doesn’t want to hurt that man? Kaya mas pinili nito ang lalaking iyon over him? Damn it! Mula niyang naramdaman ang galit kaya mahigpit niyang hinawakan ang hawak hawak niyang baso. “Why don’t you talk to her?” Nalukot ang mukha niya sa sinabi ni Yasser. “Bakit pa? eh mas pinili nga niya yung lalaking iyon. Pinili niya si Asuncion kaysa sakin!” Nagulat siya ng bigla nalang siyang kwelyuhan ni Yasser. Bakas sa mukha nito ang labis na inis at pagkapikon sa kanya. “Pare naman. Ang lakas lakas ng loob mo pagdating sa business mo pero bakit pagdating sa babaeng mahal mo hindi mo kayang ipaglaban?” napapailing na sabi pa nito. “Didrey, I hate to do this pero mukhang kailangan mo ng tulong ko.” Bago pa siya makapag react sa sinabi ni Yasser ay naramdamam na niya ang pag igkas ng kamao nito sa panga niya. Dahil sa pagkabigla ay napasubsob siya paalis sa kinauupuan. Sapo ang asaktang panga ay tumayo siya at galit na binalingan ulit si Yasser. “Why in the hell you do that, Yasser?”malakas na sabi niya. Napansin niyang halos lahat ng Hermoso Boys na nasa Flight Deck ay nakahawak sa kanilang dalawa ni Yasser. Halatang ready na ang mga itong pigilan ang magaganap na ayaw sa pagitan nilang dalawa. “Alam mo bang matagal ko ng gusting gawin yan sayo? s**t, it feels good na masapak ka pala. Gusto mo isa pa?”nakangising sabi pa nito. Akmang susugurin na niya ito ng maramdaman niya ang pagpigil sa kanya ni Dexter. “Ano bang problema mo at nanununtok ka?”asik niya. Muli siyang binalingan ng masamang tingin ng kaibigan. “Until now clueless ka pa din kung bakit mas pinili ni Luzzel si Asuncion? Pare naman, matalino ka naman at tuso pagdating sa negosyo pero ang tanga mo pagdating sa babaeng mahal mo. Baka nakakalimutan mong ang akala ni Luzzel ay niloko mo lang siya ten years ago ng Makita ka niyang may ka-kissing scene na iba? Nagpunta ka bas a kanya para magpaliwanag na pustahan lang ang kay Myrna? Hindi diba? Wala kang ginawa para makipag-ayos sa kanya. Hiniayaan mo siyang isipin na niloko mo siya. Tapos pupunta ka dito na parang bigong bigo ka?” He hissed. “Alam mong pareho nating alam na pinigilan ako ng mga magulang niya na kausapin siya kaya nawalan na ako ng pagkakataon para makapag usapan kami. At alam mo ang kwento ng pamilya ko noong college tayo.” “Eh bakit hindi mo iyon sabihin sa kanya? Bakit sakin ka nagpapaliwanag?” Sa sobrang frustrations niya ay nailamukos niya ang mukha. “I thought okay na kami bak to island. Akala ko hindi ko na kailangan ipaliwanag sa kanya ang nangyari ten years ago.” Narinig niya ang malakas na pagpalatak ni Yasser. “Ang tanga mo naman,Pare. Kahit kalian may pagkamanhid ka. Lagi ka na kasing nakabuntot kay Dexter. Nahawa ka na tuloy sa kanya.”ani ni Yasser na napapailing pa. “Baka gusto mong mapalayas sa bar ko, Yasser Mueller?”mapanganib na sbai ni Dexter. Nagkunwari si Yasser na walang narinig at muli siyang binalingan. “Isang tanong, isang sagot. Do you still want her? Gusto mo bang bumalik sayo si Luzzel?” Ito naman ang tinignan niya ng masama. “Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong na obvious naman ang sagot? Sino ba ang mas tanga sating dalawa?” Imbes na maasar ay tumawa lang ito ng malakas. Maya maya ay nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. “Dahil kaibigan kita at masakit na sa mata ang pag-da-drama mo lagi, tutulungan kita. I have a plan.” “No thanks. baka may makulong na naman sa sinasabi mong plano.”he said sarcastically. Nilapitan siya nito at tinapik tapik. “Don’t worry. This time ay mag wo-work out ang plano ko. I promised you, it will work. You and Luzzel will live happily ever after. Parang mga telenovela sa ending.” Bago pa siya makapag react ay sumingit bigla si Dexter. “Kasali ba kami sa plano mo nay an, Yasser? Kapag palpak ang plano mo sa akin na si Luzzel ah.” Ito naman ang tinignan niya ng masama. “Wala k abang magandang sasabihin, Dexter?” “Don’t mind him. Itataya ko ang kalahati ng kayaman ko kapag pumalpak ang plano ko. Trust me.” “Talaga? I-donate mo nalang sa mga charities and institution na hawa ko ang kalahati ng kayamanan mo, Yasser.”singit naman ni Paul. Napaupo na lang siyang muli sa bar side at tinungga ang alak niya. Sa ngayon, aasa siya sa sinasabing plano ni Yasser. But he will never give up on Luzzel. Never in his life he will give her up. NAGMAMADALING lumabas siya ng salon niya. Kailangan niyang makauwi ng maaga para i-check ang lagay ng kapatid niya. Papasakay na sana siya ng maalala niyang bigla ang chocolate cake ana pinapabili ni Alyssa sa kanya kaya imbes na dumiretso sa kotse niya ay tumawid siya sa kabilang kalye. Three blocks away lang ang bakeshop na paboritong cake ng kapatid niya. Napabuntong hininga siya ng mapansin niya ang bilog na buwan. Ang liwa liwanag niyon na paran bang nagbibigay ng pag asa sa mga taong nabigo sa pag ibig. Like her. Then sumagi na naman sa isipan niya ang binata na kahit kalian naman ay hindi niya nakalimutan. Kahit na anumang tumbling ang gawin niya o kahit na anumang pagtatago o pagkukunwari at pagpapanggap na hindi na niya ito mahal ay sarili naman niya ang nagbubuko sa kanya. Ang kailanga niya lang sigurong gawin ay tanggapan iyon sa sarili. Siguro kapag naagawa niya iyon ay baka maka move on na siya totally sa binata. Muli siyang napahinga ng malalim. Miss na miss na niya ang ungas na iyon. Siguro may mga instances na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay may pagkakataon na Malabo kayong magsama o magkatuluyan. Siguro ayaw talaga ng tadhana na magsama sila ni Didrey. Pinahid niya ang luhang pumatak na pala sa pisngi niya at saka itinuloy ang paglalakad. Kailagan niyang magpatuloy sa buhay para sa kapatid niya. Para kay Alyssa. Dahil alam niyang kapag nanghina siya ay awala na itong ibang kakapitan maliban sa kanya. Kailangan niyang maging malaks para dito. Malapit na siya sa bakeshop ng may isang putting van ang huminto sa tapat niya. Tutuloy n asana siya sa bakeshop ng may bumabang tatlong kalalakihan mula sa sasakyan. Doon na siya sinalakay ng kaba. At lalo pang tumindi ang pagkabaog ng dibdib niya ng papunta sa diresyon niya ang mga lalaki. Napansin niyang nakabonnet ang mga ito ng itim. Dahil sa kabang nararamdaman ng mga oras na iyon ay hindi na niya nagawang sumigaw at dahil narin pagkalapit na pagkalapit ng mga ito sa kanya ay gad na tinak pang isang lalaki ang bibig niya at mahingpit siyang hinahawakan sa magkabilang braso. Namutla siya ng may maramdaman na may nakatutok sa tagiliran niya. “Huwag ka nang magtangkang lumaban o sumigaw. Or else I’m gonna shoot you.”sabi nito na may paos na tinig. Gusto sana niyang sumagot na paano pa siyan makakasigaw eh takip takip na nito ang bibig niya. Dahil rin sa takot ay hindi na siya nagpumiglas hanggang sa maisakay na siya ng mga ito sa loob ng van. Dinig na dinig niya ang pagkabog ng dibdib niya. At ramdam niya ang takot na unti unting nilalamon ang buong pagkatao niya. Paano kung rapist pala ang mga lalaking ito? Paano kapag pagkatapos siyang pagsawaan ay biglan na lang siyang patayin? I-chop chop lady? Nagsimula siyang magpumiglas ng tinakpan din ng mga ito ang mata niya. “Huwag kang malikot, ganda. Nakidnapped ka na naman eh.”sabi naman ng isang lalaki. “Ano kaya kung ipatubos natin it okay Didrey ng ten million?”narinig niyang sabi ng isang kidnapper. “Tangeks! Bakit ten million lang? dapat isama niya yung Lexus niya.”sagot naman ng isa. “Ano ba naman kayo. Dapat buong kayamanan na lang niya. Para naman maghirap na siya.” Doon siya ulit binudol ng matinding kaba. She needed to think kung paano makakaalis sa mga masasamang lalaki na ito. Pero kahi na anong gawin niya ay wala siyang naisip na paraan para makatakas sa mga ito. Wala pang fifteen minutes ay huminto ang sasakyan nila. Doon siya nagpalinga linga sa pagbabakasali na may maaninag ngunit bigo siya. Hinila siya ng dalawang lalaki pababa ng sasakyan at doon ulit siya nagsimulang magpumiglas. “Huwag kang magulo, ganda. Gusto mo bang tuluyan na naming patahimikin si Didrey James?” Si Didrey James? Anong ibig sabihin ng mga ito? Hawak din nito si Didrey tulad niya? Dahil nakatakip ang bibig ay hindi niya magawang mag tanong o sumigaw man lang. at isa pa saying ang lakas niya kung gagawi niya iton. Dapat ipunin niya ang lakas niya para makatakas. “Lover boy, nandito na ang iyong Prinsesa.” Kumunot ang noo niya. Sino ang tinutukoy ng mga ito? “Bitiwan niyo si Luzzel! Hindi ko kayo mapapatawad kapag nasaktan siya.”galit na sabi ni Didrey. Tama ang hinala niya. Hawa din ng mga kidnnappers niya ang binata! Naramdaman niya ang pagkalas ng pagkakahawak ng mga ito sa kanya. “Lagot ka kay Didrey. Mahigpit pa naman ang hawak mo kay Luzzel.” “Hindi kaya! Ikaw kaya ang nagsabi na kukunin mo ang Lexus ni Didrey.” Doon nakakunot ang noo niya. Kidnappers ba talaga ang mga ito? Maya maya ay pinaupo siya sa isang silya habang nakatali padin ang kamay. “Let her go! Ako nalang ang saktan niyo.”muli sabi ni Didrey. Sa palagay niya ay pareho silang nakatali ni Didrey kaya hindi din ito nagagawang lumaban. “So, will you die just for her?”tanong ng kidnapper nila. Ilang saglit muna ang pinalipas nito bago sumagot. “Yes, I will die fo her. Ako nalang ang patayin niyo. Just let Luzzel go.”seryosong sabi ni Didrey. Noon lang niya napansina na pigil pigil pala niya ang paghinga niya. Hindi siya makapaniwalang kayang ibuwis ni Didrey James ang buhay nito para lang sa kanya. “Why will you die just for her? Eh mukhang hindi ka naman mahal ng babaeng ito.” Napaungol siya ng malakas tanda na gusto niyang magprotesta. “I don’t care if she doesn’t love me back marami na akong kasalan sa kanya. I’ve hurt her. Nasaktan ko siya at hindi iyon madali patawarin. Gusto ko this time, may magawa naman akong tama para sa babaeng mahal ko. Kill me. But let her go.” Kahit hirap kumilos ay pinilit niyang harapin si DIdrey at sinundan kung nasaan ang tinig nito. Ramdam niya ang pamamalisbid ng luha niya habang umiiling iling. Hindi siya papaya ng dahil lang sa kanya ay mawala ang lalaking pinakamamahal niya. “Oh? Eh di tapos na ang usapan? Papatayin ka na naming?” Napapadyak siya kasabay ng sunod sunod na pag iling. Maya maya ay narinig niya ang pagkasa ng baril. Napaungol siya ng malakas. “Dude, mukhang may sasabihin yata si Ganda.”sabi ng isang lalaki. Maya maya ay tinanggal nito ang takip ng bibig niya. Pagkaalis niyon ay wala na siyang inaksayang oras at agad na sumigaw. “Huwag! Huwag niyong saktan si Didrey! Ako nalang ang patayin niyo.” “Luzzel!”sayaw sa kanya ng binata. “Hindi ako papaya ng dahil sakin may mangyayaring masama sayo. Didrey, hindi ko kaya. Hidni ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko.” Kahit nakatakip ang mata ay pinilit niyang balingan ang mga kidnappers nila. “Pakawalan niyo si Didrey. Ako na lang ang patayin niyo.”buong tapang na sabi niya. “Hindi mo naman mahal ang kaibigan-”narinig niya ang pag igik nito. “Este, hindi mo naman mahal si Didrey eh. Bakit kami susunod sayo?” “Mahal ko siya!” “Weh? Mahal mo siya? Di nga?” “Oo, wala na kong ibang lalaking mamahalin kung hindi siya lang. set him free.” “Ulitin mo muna yung sinabi mo.” Napakunot siya ng noo. Ano bang klaseng mga kidnappers ito? Hindi ba dapat per ang habol nito sa kanila? “Dude, hindi na sumagot si Ganda. Tuluyan mo na yang si Perez.” Doon siya muling nataranta. “No! No! huwag niyo siyang sasaktan! Mahal ko si Didrey, mahal na mahal ko siya!” Kasunod niyon ang mahabang katahimikan. Hindi niya alam kung ano na ang nagyayari bastat panatag siya na wala siyang naririnig na putok ng baril. At isa lang ang ibig sabihin niyon, wala pang nangyayaring masama kay Didrey. “Oh siya, dahil maawain kaming lahat, Malaya na kayong dalawa. Pero kapag hindi pa kayo nagpakasala baka tuluyan ko na kayong pareho.” Lalo siyang naguluhan. Ano ba talagang nanagyayari? Bakit ganito ang mga kidnappers na ito? Mga baliw yata ang ito! “T-teka. Ganoon lang iyon? Wala kayong hihinging ransom?”lakas loob na tanong niya. “Malaki naman ang talent fee naming kay Didrey-”muling napaigik ang lalaki, “Aray ko naman, Kenesis! Kanina ka pa nambabatok!” Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Kenesis? Sandali, parang kilala nga niya ang boses ng mga ito. Siguro hindi niya lang nakilala agad ang boses ng mga ito dahil napangunahan siya ng takot. “Teka, teka nga. Kilala ko kayo. Yasser? Kenesis? Anong kalokohan ito?” “Ano ka ba naman, Yasser! Nabuko tuloy tayo.”rekalmo ni Kenesis. “Batok ka kasi ng batok! You ruined my perfect plan!” “Plan?”sigaw niya. “Plano niyo lahat ng ito?” “Ah eh, Luzzel/ pwede bang magpaliwanag?”ani ni Yasser. Doon umakyat ang dugo niya sa ulo. “Pakawalan niyo ko ngayon din!”gigil na sabi niya. Agad naman iyong sinunod ni Yasser at tinanggal agad ang piring at tali niya sa kamay. Bakit ba nasuong siya sa ganitong sitwasyon? Kung mamalasin ka naman talaga. Bakit siya pa nagpagtripan nitong mga Hermoso Boys na ito? Goodness! Ang akala pa naman niya ay katapusan na niya! “Nababaliw nab a kayong lahat?”sigaw niya pagkita sa sa mga ito. “Oopps! Exit muna kami Luzzel ah? Total inamin mo na din naman na mahal mo si Didrey eh. So paano? Dapat paglabas niyo dito happy ending na.”ani ni Yasser. “Bye, ganda. Kapag hindi kayo nagkaayos nandito lang ako.”sabi naman ni Kenesis sabay kindat sa kanya. Pabirong binatukan ito ni Yasser. “Ano ka ba naman, Kenesis. Wala ka na naming nagawang tama.” Wala na siyang nagawa ng magsialisan ang mga ito s akwarto na kinaroronan niya. Siya naman ay hindi malaman kung tatayo o uupo. Goodness again! Ang dami niyang sinabi kanina dahil lang sa kalokohan ng mga Hermoso Boys na iyon. “Luzzel..”tawag sa kanya ni Didrey. Nang mga oras na iyon ay hindi siya makatingin sa binata. “Luzzel, can you please settle down so we can talk?” Para siyang batang nasaway na sumunod naman siya ditto. Nilapitan siya nito at kumuhod para magpantay ang mga mukha nila. Dinig na dinig niya ang malaks na t***k ng puso niya ng mga oras na iyon/ “Look at me, Luzzel. Look at me in the eyes, darling.”sambit ni Ddirey. Dahan dahan niyang iniaangat ang mukha niya at tinignan ang binata sa mga mata nito. Kitang kita niya ang labis na pagmamahal nito na nakabakas sa mga mata nito. “I’m sorry, Luzzel. I cant go back to the time na tayo pa para itama ang lahat. I cant go bacj ten years ago para ipaliwang sayo ang lahat ng nangyari. But for the start, I wanted to say that I never stop loving you. Even in a single minute.” “Didrey..”she murmured. Marahang hinaplos nito ang pisngin niya. “Ten years ago, noong time na inabutan mo kmi ni Myrna. It was just ang bet sa pagitan ng barkada ko. I know it was wrong na gawin ko ang bagay na iyon. At labis na pagsisisi ko. But I’m still young but then. Mapusok at hindi alam kung ano ang tama. Puro barkada lang ang lagging inaatupag. But that day na nahuli mo kami ni Myrna doon ko naramdaman ang labis na takot na mawala ka sa buhay ko.” “But you never came back, Didrey. Wala akong natanggap na paliwanag mo. I’ve waited for you. Naghintay ako, Didrey. Pero hindi ka dumating.” “Im sorry. Pero maniwala ka, pinuntahan agad kita para ipaliwanag ang lahat sayo. But your parents wont let me see you. Hindi nila hinayaan na magkausap tayo. Masyado ka pa daw bata para pumasok sa isang relasyon. A week after ng incident, namatay ang Lolo ko at nabank crupt ang family business namin hanggang sa magdecide kami na mag migrate sa States. Alam kong napakarmai kong nagawang bagay sayo na kabis kang nasaktan. Kaya nang Makita ulit kita, hindi na ako nag aksaya ng oras para makuha ko ulit ang puso mo. With the help of Hermoso Boys at Alyssa.” Doon kumunot ang noo niya. “Alyssa? Anong kinalaman ng kapatid ko dito?” Ngumiti ito sa kanya. “Umpisa pa lang ay alam ko na ang hiniling sayo ni Alyssa na makipagbalikan ka sakin. Actually, it was all my plan. Pati narin ang pag punta niyo sa island. Yun lang kasi ang alam kong way para malayo ka kay Asuncion.” Napansin niyang kumunot ang noo nito pagkaalala kay Brent. “Ano bang meron sa Asuncion na iyon at siya ang pinili mo kaysa sakin?” Magsasalita n asana siya ng unahan siya ng binata. “Ah, basta. Hindi ako papaya na dumikit dikit pa sayo ang Brent na iyon. At isa pa, matagl ko ng alam na ako naman talaga ang mahal mo. Saka kakasabi mo lang kanina na handa kang mamatay sakin eh. Recorded lahat ng sinabi mo baka sakaling bawiin mo pa.” Natatawang tinampal niya ng mahina ang pisngi ni Didrey. Ngunit maya maya ay sumeryoso na siya. “Mabait si Brent. Wala siyang ginawang masama kundi isipin ang ikabubuti ko. I tried to love hin but I cant. I cant because your already holding my heart. Sa sabrang higpit ng pagkakahawak mo hindi kita nakalimutan kahit sampung taon na ang nakakalipas. I,m sorry. Ayaw ko lang iparanas sa kanya ang naramdaman kong skait ng lokohin at iwan mo ako.” Sa sinabi niya ay agad agad na niyakap nsiya ni Didrey. “I’m sorry, Darling. I’m so sorry. Pero gagawin ko ang lahat para lang makalimutan mo ang skait na dinanas mo dahil sakin. I will make it up to you. I promised you that. Kahit habang buhay pa akong humingi ng tawad sayo basta huwag ka lang mawawala sakin, Luzzel. I cant klive without you. Isang buwan pa lang kitang hindi nakakasama at nakakusap feeling ko para na kong nababaliw.” Sa sinabi nito ay mahigpit niyang ginantihan ang yakap nito sa kanya. Mahigpit na mahigpit na pra bang sa pamamagitan ng yakap na iyon “Nagususungit ako sayo dahil pilit kong tinatago ang nararamdaman ko. I love you, Didrey. Tulad nga ng sabi mo, I never stop loving you either. Naririto lang lagi ang pagmamahal ko para sayo.” Kumalas ito sa pagkakayap at nagniningning ang mga matang tinitigan siya. “I’ms so happy, Darling. Masaya ako at Okay na tayo.” Napairap siya. “Pero bakit may kidnapped scene pa? halos mabaliw kaya ako nung akala ko babarilin ka na nila.” Natawa ito ng malakas. “It was not my idea, Darling. Sisihin mo si Yasser dyan. Pero effective naman diba?”nakakalokong sabi nito. Doon siya naman ang natawa. Ngunit maya maya ay nagseryoso na ulit siya. “We can start all over again, right? Magsisimula ulit tayo at gagawa ng mga memories natin na masasaya from now on. Let us take this second chance na binigay sa atin ni Lord. Lets grab this opportunity para maging Masaya tayo sa piling ng isat isa.” “Yes, darling. Let’s make this second chance a happy and contented life.” Kuminang ang mata niya. “So, can we seal it with a kiss?” Ngumisi naman ito. “Namiss mo ba ang halik ko?” Napalabi siya. “Di ah.”tanggi niya. “talaga? Hindi mo namiss?” Sumulyap siya sa labi ng binata. Nang hindi na niya mapigilan ang sarili niya ay siya na ang tumawid sa pagitan ng labi nila. God! Bakit ba miss na miss niya ang halik ng ugok na ito? Gusto niyang magreklamo ng agad nitong bumitaw mula sa pagkakahalik niya. “Darling, let’s continue this kapag wala na tayong audience.” “huh?”taking sabi niya. Saka lang niya napansin sina Yasser at Kenesis na nasa pintuan lang pala at sigurado siyang napanood at napakinggan nito agn drama nila “Ang ganda naman ng ending ng novel na ito, Dude.”nakangising sabi ni Kenesis. “Hindi nga masyado eh. Nakulangan ako sa kissing scene.”reklamo ni Yasser. “Puro kasi green nasa utak mo.” Hindi nito pinansin si Kenesis at binalingan ulit siya. “Pwedeng isa pang take?”ngising ngising sabi nito. “Yasser!”tili niya ditto na halakhak lang ang sagot sa kanya. ,maya maya pa ay naramdama niya ang masuyong paghalik ni Didrey sa noo niya. Napangiti siya. Para sa kanila ng binata ay hindi ending na matatawag ito. Isang simula ng magandang pagsasama nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD