Inihanda niya ang dadalhin na regalo mamaya para sa birthday party ng ina ni Riker. Kinakabahan siya kaya pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to. Bumili pa siya ng damit nila ni Tasya na terno at nakigaya rin ang binata. Hindi niya alam kung anong ireregalo sa ginang kaya isang set na lang ng necklace at earrings ang binili niya. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ipapakilala na siya mamaya ni Riker bilang ina ng anak nila. Alam niyang magiging mahaba ang paliwanag nila sa magulang nito. Sigurado siyang mabibigla ang lahat, pati na rin ang magulang niya pag nalaman ang totoo. Siguro si yaya Verlin lang ang hindi nagulat noong sinabi niya na ang ama ni Tasya ay hindi si Paul na ex niya kun'di si Riker. "Hindi ko ba alam kung bakit hindi ako nagulat kahit ang nasa isip ko naman a

