Napasinghap siya nang makita ang mga baby pictures ni Riker isa isang malaking photo album. Kung una pa lang ay nakita niya ito ay magdududa na talaga siya kung nakilala niya ba ito noon. Tama ang sinabi ng ina ng binata na carbon copy nito si Tasya na babaeng version lang. Siguro kung hindi siya nagising sa tabi ni Paul ay hindi pipilitin ng isipan niya na ito ang ama. "I told you, kaya kami naniwala kaagad kahit hindi niyo ipakita ang DNA result," ani ng ama ni Riker. "Sobrang magkamukha sila noong baby pa talaga si Tasya," ani niya nang makita ang 2 years old picture ni Riker. Natawa siya nang makitang may litrato pa ito na hubo't hubad. Sobrang guwapo talaga ni Riker at hindi iyon mapagkakaila. "Stop looking at my pictures, baby," bulong ni Riker sa kaniya at sinarado ang albu

