3 YEARS LATER~ Nagising siya nang marinig ang iyak ni Rikeiya. Babangon na sana siya nang pinigilan siya ni Riker at ito na ang tumayo para asikasuhin ang anak nila. "Sleep, baby. Ako na ang bahala kay Eiya." She smiled and nodded. Hindi na rin siya makakatanggi dahil pagod talaga siya dahil napakaiyakin ni Eiya at malakas talagang dumede ito. Mayamaya ay tumigil ng iyak si Eiya. Hindi na siya makabalik sa tulog dahil pagising gising siya at chine-check ang kaniyang mag-ama. Hinehele pa rin ni Riker ang anak nila kahit tapos na itong dumede sa bote. Napabuntong hininga siya at tiyaka tumayo. "Why? go back to sleep," ani nito sa kaniya. Umiling siya at kinuha si Eiya para siya ang magpatulog dito. Riker is a very good and responsible husband. Wala na siyang hihilingin pang iba dahil ma

