Hindi na ako nandiri sa nakikita ko ngayon, lagi naman akong nakakakita neto anong bago? "Ma'am may Apat na estudyante pa kayong nawawala" sabi ni Charl. "Hah? Anong nangyari? Bakit sila nawawala?" Tanong ni Ma'am Diaz. "Ma'am pakiusapan niyo naman si Headmaster na paki bukas na ang school, paano kaming nandito sa loob? Mamamatay nalang kami?" Sabi ni Lira. "Ma'am kung tutunganga lang tayo dito at mag hihintay na mamatay sa loob ng impyernong ito, Mas gugustuhin ko ng tumalon ng Building" Sabi ng isang estudyante sa Section F at nag walk out. "Ma'am Pakibalik na ang mga cellphone namin, Gusto ko ng tawagan ang parents ko" Sabi ni Aires. Lahat kasi ng Cellphone ay kinukuha pag pumapasok kami sa School. "Hindi pwede, Pinag uutos ng Headmaster" sabi ni Ma'am Diaz. "Ma'am nasaan si Head

