Sumapit ang gabi natapos ko na ang Homework ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ylari, Ang Dorm mate ko at Girlfriend ni Yavi.
"Mamamasyal" sagot ko.
"Gabi na, saka delikado lalo na't sunod sunod ang p*****n dito wag ka ng lumabas" nag aalala niyang sabi.
"Kaya ko ang sarili ko, don't worry" sabi ko at kinindatan pa siya.
"Bahala ka nga, Konsensya ko pa pag namatay ka" sabi niya at kumamot sa ulo.
"Bakit? Papatayin mo ko?" Natatawa kong tanong
"Konsensya ko pa kasi pinalabas kita kahit alam kong delikado" She explained
I get her point pero kailangan kong may masaksihan ngayon, hindi ko alam pero may kutob akong may mangyayare nga.
"Kalma lang, Wala mang yayaring masama saakin" sagot ko at lumabas na.
Nag tungo ako sa likod ng dormitory namin kung saan lagi akong nag pupunta para lang tumambay
Para akong unggoy na umakyat sa puno. Ilang minuto akong nakatambay sa taas ng Puno at nag papahangin
Narinig kong may yapak kaya dumungaw ako sa baba at nakita kong may lalaking nakahood may kasamang medyo maliit sa kaniya.
Nakatitig lang ako sa kanila, naunang umakyat ang Lalaking maliit at dumaan sa binta ng isang kwarto. Mabilis ang galaw ng lalaki ngunit hindi maingay at para itong isang ninja. Mabilis silang nakapasok sa Kwarto at agad nilang sinarado ang pinto, Nakaramdam ako ng kaba. Pababa na sana ako ng may marinig akong nag salita.
"Anong gagawin natin dito?" Bumaba ang tingin ko sa nag salita.
"Ibibigay ko lang kay Chescka to" sagot ni Charl. Si Charl at Yavi iyon hindi ako nag kakamali.
"Bakit dito pa tayo sa likod dadaan? Baka pag bintangan nila tayo-" hindi pinatapos ni Charl ang sasabihin ni Yavi.
"Mas mahahalata tayo pag sa harap tayo dadaan bawal ang mga lalake dito, Ibibigay ko lang tong cupcakes kay Chescka" sabi ni Charl.
Chescka? Iyon bang crush niya?
Tignan mo itong dalawa kong kaibigan may tinatago palang sikreto na ganito
Dinungaw ko pa lalo sila at medyo inusog ang paa kaso nadulas ako
"Ahhh" tinakpan ko ang bibig ko ng mahulog nga akong mula sa sangang pinag uupuan ko
Sobrang sakit ng likod at pwet ko, tila namamanhid at nakuryente
Nilingon ko naman ang dalawang gulat na gulat ang mukha na makita ako
"Anong ginagawa niyo-" hindi ko pa natatapos ang tanong sa kanila ng may sumigaw na babae.
Nag katinginan kaming tatlo, agad akong tumayo at nag pagpag ng pwetan at kamay.
"Sa Room 418 Yun" sabi ko at nag tinginan sila.
"Ano pang ginagawa niyo? Puntahana na natin" natataranta kong pang sabi at nauna ng tumakbo papuntang Room 418. Duon ko nakita yung dalawang nakahood na umakyat.
Halos madual ako sa nakikita ko, Isang Hubad na babae ang wala ng malay. Duguan ang kaniyang ulo, Nakabuka ang kaniyang bibig nakapikit naman ang kaniyang mata.
"Pano mo nalaman na dito nga? Hula mo lang ba?"tanong ni Yavi, umiling ako.
"Kanina pa ako sa puno nakita kong may dalawang kahina-hinalang lalaki, Yung isa matangkad yung isa maliit. umakyat sila dito at bababa na sana ako kaso.." Ngumuso ako.
Ayokong ituloy dahil baka sabihin nila chismosa ako nakikinig sa usapan nila ni Charl.
"Kaso?" Tanong nila.
"Kaso hindi ako makababa sa puno" I lied.
"Kaya naisipan mong tumalon nalang?" Natatawang tanong ni Yavi, Inirapan ko naman siya.
Ang sakit pa din ng likod at pwet ko.
"What happened here?" Tanong ni Aires na kararating lang kasama si Trevor. Nanliit ang mata ko dahil kasing tangkad ni Trevor yung isang lalaking umakyat rito.
Imposible naman siya iyon! Mali lang ang iniisip ko.
"Trevor" tawag ko sa kaniya, nilingon naman niya ako.
"Saan ka nag punta kanina?" tanong ko. Tinignan ko ang sapatos niyang may putik sa gilid, Medyo maputik sa likod ng Dorm hindi kaya? Argh! Dapat hindi ko siya pinag iisipan ng masama dahil kilala ko na siya noon pa at alam kong di niya yun magagawa
"Sa Open field" sagot niya.
"Anong ginagawa mo duon ng gantong oras?" Tanong ko, kumunot naman ang noo ni Yavi at Charl. Ngumiwi naman si Aires, seryoso lang si Trevor na nakatingin saakin.
"Ano ba kasing Pakialam mo? Sinamahan niya ako sa open field para hanapin yung necklace ko nalaglag duon nung nag lalaro kami ng volleyball" Inis na singit ni Lira na nag kakagusto kay Trevor. Nasa gilid na siya ni Trevor na nakataas pa ang kilay saakin.
Hindi ko dapat pag hinalaan si Trevor pero kasi iyong tangkad at putik sa sapatos niya
"Kausap na daw ang mga police ang mga Deans at mga faculty teachers" sabi ni Aires.
"Grabe, Gusto ko na talagang mag transfer sa ibang school" sabi ng isang estudyante.
"Kung hindi lang sikat ang school na ito hindi ako dito mag aaral" sabi nung isa pa.
"Magaling ang mga teacher dito pero kung sunod sunod ang p*****n dito lilipat nalang ako" Sabi ng isa namang estudyanteng nasa likod ko.
"Bumalik na kayo sa mga kwarto ninyo. May pasok pa bukas" sabi ni Ma'am Cuevas.
"Ma'am satingin niyo ba makakatulog pa kami pag katapos ng mga p*****n dito?" Sabi ng kaibigan ni Lira na si Loina
"Narinig mo ba ang sinabi ko Loina? Bumalik na kayo sa kwarto niyo" galit na sabi ni Ma'am
Wala naman silang magawa kaya nag punta na sila sa kaniya kaniya nilang kwarto.
"Bye Trevor" malanding sabi ni Lira at hinalikan sa pisngi si Trevor bago umalis duon.
Kumukulo ang dugo ko sa babaeng yun! Kainis
"Kayo, Bumalik na din kayo" Nakatingin na sabi ni Ma'am saamin
"E ma'am makakatulong si Kriogi sa pag iimbestiga" sabi ni Charl nakatingin naman sila saakin.
Lah? Pinag sasabi nito?
"Bakit ako?" Iritado kong tanong.
"Diba nakita mo na may pumasok na dalawang lalaking kahina hinala dito?" Tanong ni Yavi at kinuconvince si Ma'am Cueva na makakatulong nga ako
Nakita ko nga kaya Tumango ako sa tanong ni Yavi. Maging sila ay nakita ko nga e.
"Oo pero hindi ko nakita ang mukha nila" Agap ko
"Miss Tan gusto kang makausap ni Detective Lawren" sabi ni Detective John kaibigan ni Detective Lawren.
Ano ba yan! Nag papahinga lang naman ako sa taas ng puno e.
"Hindi ko nga po nakita yung mukha" protesta ko, bakit gusto pa nila akong kausapin? Ang sakit na nga ng likod ko e nalaglag ako sa puno.
"Gusto ko na pong matulog, Masakit po ang katawan ko" sabi ko at sumimangot.
"Hihingin lang namin saglit ang mga detalyeng nakita mo" sabi ni Detective Lawren at kinukumbinsi ako
Gusto ko man pero gusto ko nalang mag pahinga at sa tingin ko hindi din makakatulong iyong nakita ko dahil masyadong vague
"Tito, Kriogi needs a rest" madiing sabi ni Trevor.
"Ma'am Cuevas, Pwede po bang hindi muna ako pumasok ng First at Second Period bukas? Ang sakit po kasi ng katawan ko" sabi ko at nag stretching pa ng braso ko, Mukhang napilayan pa ata ako e, Tumango naman si Ma'am Cuevas kaya masaya akong nakatulog sa gabing iyon.