DOMINIQUE'S POV Habang busy ako na nakatanaw sa mga puno sa harap ng kwarto na tinutuluyan ko ay isang katok ang nagpalingon sa akin. Nakita ko naman si Calvin na nakangiti habang may dalang tray ng pagkain. "Good morning, here is your food," saad niya at dahan-dahang inilapag iyon sa mini table na nasa tabi ng kama. Isang matamis na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya at lumapit ako. "Thank you," sagot ko naman. "Don't worry, The attorney is currently handling everything. After all of this, makakalakad ka na sa labas ng malaya," paliwanag niya. "Maraming salamat, utang ko sayo ang buhay ko. Kung hindi ka dumating nung gabing iyon, for sure isa na akong malamig na bangkay," nakangiting saad ko sa kaniya. Gaya ng nakasanayan ay ngumiti lang siya na parang walang nangyari. Ni hindi

