Ang paulit-ulit na pag snip ng gunting ang naririnig ko habang may mahinang nag-bo-blow dry sa kabilang dulo ng salon. Niyaya ko si Koko dito pero masyado siyang busy. Kaya naman ako na lang mag-isa. Habang nag-scroll ng cellphone ay hindi ko sadyang mapakinggan ang mga staff. "Girl! Tignan mo to, kawawa naman pala kung na-set up lang siya," saad ng isang staff habang nagugupit ng buhok. "Ano ka ba! Baka naman sadyang totoo lang ang balita na siya ang may pakana ng lahat," sagot naman ng isang staff habang nagma-manicure. Habang yung manager naman nila ay nakikinig pa rin sa balita. Tila natigilan ako nang marinig ko iyon. "Umano'y leader ng malaking organisasyon, hinihinalang ang successful businessman na si Damien Agape, arestado!" Napasinghap ako. "Ma'am okay lang po ba kayo? Nas

