HE Chapter 3

3000 Words
Chapter 3 Bella's POV "Kung sabagay." Ngumiti siya sa akin na para bang ipinaparating niyang suportado niya ako. "Basta balitaan mo ako kung ano'ng magiging resulta. Doon natin malalaman kung paano siya makitungo sa iba." Parang umatras ang mga luha ko nang tumitig siya sa akin habang nakangisi. "Pero guwapo siya, friend!" kinikilig niyang sambit. "Baka hindi mo kayanin ang karisma niya! Alam mo, kahit may syota 'yon, masusulot ko talaga siya sa girlfriend niya! Sana naman ay magpasulot siya para hindi ako mahirapan!" Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Natatawa ako nang mahina habang pinagmamasdan ko siya. "Ikaw talaga!" "Oh, maganda na 'yong napatawa kita, 'no!" "Salamat, Cassie, sa lahat. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na iba ako sa 'yo." Hindi kami gaanong malapit ni Cassie pero siya ang pinakatotoong taong nakilala ko. "Sus! Welcome! Mabuti ka pa alam mo 'yan. Sina Mama kasi ay hindi. Anyway, I have to go. May date kasi kami ni Chris. Alam mo na, dapat pretty," ngiting-asong aniya. "Kapag nakipagkita ka kay Sir Kael, mag-ayos ka, okay? Malay mo, 'di ba?" Kinindatan niya ako. "Basta kaya 'yan!" Hinawakan niya ako sa kamay saka niya ito marahang hinaplos. "Bye!" paalam niya sa akin. At nagmamadali na siyang tumayo at tumakbo paalis. "Ingat ka!" pahabol ko namang sigaw. "Hey, paano pala 'tong mga foods? Ang dami pa naman!" "Sa 'yo na lahat 'yan!" sigaw naman niya pabalik. Napansin ko ang naiwan niyang bag sa inupuan niya kanina. "Cass, wait!" tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako narinig. Tumakbo ako palabas pero huli na ang lahat dahil nakasakay na siya ng jeep. Pagkaalis ni Cassie ay nagmamadali na rin akong pumunta sa Computer Shop. Dinala ko na lang ang bag niya. Nagtatrabaho ako rito sa shop bilang assistant ng may-ari. Marami kasi siyang costumers kapag tanghali kaya kailangan niya ako. Madali lang naman ang trabaho ko. Ang mag-print at umasikaso lang ng mga customers ang gagawin ko. Umupo na ako sa puwesto ko rito pagpasok ko. "Kumusta, ganda!" Napatayo agad ako. Dumating na kasi si Manang Sen, siya ang amo ko rito. "Ay, bakit ba ako tumayo? Hindi naman ako maganda," natatawang wika ko. "Baliw ka talaga, Bella. Kailan mo aamining maganda ka?" Umiling ako sa kaniya. Ganda talaga ang tawag niya sa akin simula noong makita niya ako. "Maganda nga, wala namang pera," natatawa kong wika. "Mayroon! Kaya ka nga nagtatrabaho, eh," balik naman niyang sabi sa 'kin. "Oo na po, Manang. Sabihin n'yo ulit 'yan kapag may pera na ako para naman mabalatuan ko kayo," biro ko sa kaniya. "Sus! 'Di ko kailangan ng bayad. Nagsasabi lang ako nang totoo. Ikaw muna ang bahala rito sa shop, ha? Pupuntahan ko lang 'yong Manong mo. Nasiraan kasi siya sa daan. Kawawa naman... Hindi pa yata nagtatanghalian." "Sige po, Manang. Makaaasa ka sa akin." Nag-thumbs up ako sa kaniya. Ginawa ko lahat ang trabaho ko rito habang wala si Manang Sen. Dalawang oras lang naman ang duty ko rito. Mabuti na lang dahil iilan na lang ang customers dito ngayon. Nakabalik na rin si Manang. Ilang minutos na lang ay makaaalis na ako. Kinuha ko ang cell phone ko nang biglang mag-ring ito. "Hello, Iza? Napatawag ka?" "Ate, nasa shop ka pa ba?" tanong naman niya mula sa kabilang linya. "Oo. Bakit? Aalis na rin ako mamaya." "Ate, favor naman. Naubusan kasi ako ng pera." Napapikit na lang ako nang mariin. Naiinis ako dahil hindi ko man lang siya mabigyan ng extra money niya sa sobrang kaunti ng sahod ko ngayon. "Oo naman. Ano 'yon?" "Ate, pa-search naman 'yong history ni Nightingale. Basta siya ang founder ng Nursing. Thank you, Ate... Pa-print na rin at pakilagay sa long band paper. Salamat! Mwua! Mwua!" "Sige. Ako na ang bahala. Sunduin mo 'yong mga kapatid mo, ha?" "Opo, Ate... Papunta na po ako roon ngayon." "Sige. Mag-ingat kayo sa pag-uwi. I-text mo ako kapag nasa bahay na kayo." "Opo," tugon niya sabay patay ng tawag. Inumpisahan ko na agad ang ipinapagawa sa akin ni Iza. Pagkakataon ko na dahil wala pang masyadong mga customers dito sa shop. "Manang, puwede bang pagamit ako ng computer mo saglit? Magbabayad po ako mamaya. Kailangan ko kasing mag-research para sa project ng kapatid ko," paalam ko. "Nako, Gamitin mo lang. Libre kang makigamit dito, basta ikaw!" Naks! May pakindat pang nalalaman si Manang! "Salamat, Manang!" Mabait talaga silang mag-asawa kaya kahit hindi kalakihan ang sahod ko rito ay hindi pa rin ako umaalis. Nakasimangot ako habang nakatitig ako rito sa computer sa harapan ko. Ang dami kasing lumitaw na mga resulta sa ipinapahanap ni Iza. Hindi ko tuloy alam kung alin sa mga ito ang naglalaman nang tama. Lahat ito ay kinuha ko na lang para ipakita kay Iza mamaya. Mas mainam kung siya ang titingin ng mga ito. Mayamaya pa ay tumunog na naman ang cell phone ko. "Hello, Cass," ani ko pagkasagot ko. "Friend! Nakita mo ba 'yong bag ko sa karinderya? Naiwan ko yata roon, eh..." Halata sa boses niya ang matinding kaba. "Iyan din sana ang sasabihin ko. Naunahan mo lang ako. Oo, naiwan mo roon. Nasa akin ito ngayon," sagot ko habang ginagalaw-galaw ang mouse kong hawak. "Phew! Kinabahan ako roon, ah! Akala ko kung saan ko na naiwan! Nakahihiya kaya ako kanina sa jeep, wala akong pambayad. Mabuti na lang dumating din agad si Chris," inis na inis niyang balita. "Hinabol kita kanina kaso nakasakay ka na ng jeep," natatawang wika ko naman. "Talaga? Nakaiinis nga, eh.. Oh, siya, ikaw muna ang bahala sa bag ko. Uutang na lang ako kay Chris ng pera pauwi. Thanks..." "Saglit lang, Cass!" pigil ko sa kaniya. "May flash drive ka ba rito sa bag mo? Nag-researched kasi ako ng assignment ni Iza. Medyo marami-rami rin ang mga ito kaya hindi ko mapapa-print agad. Hindi ko kasi alam kung ano'ng tamang sagot. Si Iza na lang ang bahala mamayang mag-print. Sayang naman kapag ipapa-print ko tapos mali pala." "Hmmm. Ah... mayroon, friend. Sakto mayroon diyan. Kay Silvia nga lang 'yan. Basta tingnan mo na lang diyan sa loob. Gamitin mo lang. Ibalik mo na lang bukas. Sige, friend, aalis na kasi kami Chris. Bye na." "Salamat, Cass!" Ibinaba ko na ang cell phone ko nang patayin na niya ang tawag. Agad kong kinalkal ang bag ni Cassie. Nakita ko naman agad ang flash drive na sinasabi niya. Inililipat ko na lahat ng mga na-search ko kanina sa flash drive. May mga essays, videos at images akong nilalagay kaya medyo matatagalan ang pagko-copy. Wala akong magawa kaya ini-open ko muna ang nag-iisang folder sa flash drive. May mga laman na pala ito. Napangiti ako dahil parang may mga movies pang laman. Hindi ko alam kung ano'ng nag-udyok sa akin na buksan ang isang file nito. Nakangiti ako habang hinihintay ko itong mag-play. Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang mag-play na ang video. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa pagkakatitig ko sa mukha ng lalaking bumungad sa akin. Tumingala ako sa kisame habang inaalala ko kung saan ko siya nakita. Pamilyar kasi ang mukha niya sa akin. Tumitig ulit ako sa mukha niya. Ngayon ay mas malapit na ang kuha sa mukha niya kaya mas lalo akong kinutuban. Nakangiti na siya ngayon habang may kinakausap. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng tinig ng babae. Nakatutok ang kamera sa mukha ng lalaki ngayon. Ang babae naman ang nakahawak ng video camera ngayon. Napakagat-labi ako dahil sa kakaibang enerhiyang tila humihigop sa akin. Ang guwapo ng lalaki at sobrang hot ng bawat paggalaw ng mga labi niya. Napalunok ako nang ngumisi siya. Pakiramdam ko tuloy ay kaharap ko siya ngayon. Umiling ako para paalalahanan ang sarili ko. Video lang ito kaya 'wag dapat akong maapektuhan. Napapakagat-labi na ngayon ang lalaki habang nagniningning ang mga magaganda niyang mata. "Diyos ko," mahinang usal ko sa sarili. Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin? Inagaw ng lalaki 'yong video camera sa babae. Ngayon ay 'yong babae naman ang nakikita ko ngayon. Napatakip ako sa bibig ko nang malaman kong hubo't hubad pala siya. Napanganga ako nang humiga siya sa kama saka niya ibinuka ang mga hita niya. Kitang-kita ko na ngayon ang p********e niya. Ang pinapanood ko ngayon ay isang scandal video! Hindi ko na alam kung ano'ng mga pinagsasabi nila dahil sa ingay sa labas. Nagsidatingan na siguro ang maraming mga estudyante sa labas. Mabuti na lang naisipan kong pumuwesto rito sa loob ng cubicle. Naging tutok ang kuha ng kamera sa kanila dahil ipinatong na ito ng lalaki sa kung saan hindi ito magagalaw. Hindi ko maiwasan ang mag-init dahil sa mga napanonood ko ngayon. Lumitaw ulit ang lalaki at kagaya ng babae, hubad na rin siya. Napanganga ako nang bumaba ang tingin ko sa bandang ipinagmamalaki niya. Ang laki! Pinagpapawisan ako nang malapot. Feeling ko kasing laki na ng munggo 'tong mga naglalabasang mga pawis ko. Kasya kaya 'yong ano niya sa ano ng girl? Umiling ako nang paulit-ulit. Oo, matanda na ako pero wala pa akong karanasan sa s*x o kahit anong kapusukan kaya wala pa akong ideya sa mga nangyayari! Nasa tamang edad naman na ako kaya wala itong kaso sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na makapanood ako ng ganito. Mayamaya pa ay pumatong na ang lalaki sa babae pagkatapos ay sabik na hinalikan ito sa mga labi. Dumaan pa ang mga halik niya sa leeg ng babae pababa sa cleavage nito. Ang mga kamay niya ay naglakbay sa mga malulusog nitong mga dibdib. Nakapikit lang ang mga mata ng babae habang sarap na sarap sa ginagawa nito sa kaniya. Dahil sa sensasyong hatid ng ginagawa nito sa kaniya ay hindi niya mapigilan ang paglabas nang mahinang ungol mula sa mga labi niya. Bumaba ang mga labi ng lalaki sa kaliwang n****e ng babae habang abala ang isang kamay nito sa paghaplos sa mga hita nito. Bumaba pa ang mga halik niya sa may tapat ng tiyan ng babae habang nakahawak siya sa balakang nito. Nagpabaling-baling ang ulo ng babae habang napakakagat sa ibabang labi niya. Naisabunot niya ang mga kamay sa ulo ng lalaki dahil sa nag-aalab niyang nararamdaman dala ng nakakikiliting paghalik at pagdama ng mga kamay ng lalaki sa kaniya. Para na siyang sinasaniban ngayon. Ganito pala ang mukha ng mga nakikipag-s*x. Para silang may sariling mundo na sila lang ang nakaaalam. Halata ang pagkasabik at pagkainip sa mukha ng lalaki dahil na rin sa marahas nitong pagsamyo sa katawan ng babae. Napapansin ko rin sa mga galaw niya na tila ba hindi na siya makapaghintay pang maramdaman ang sukdulan na ligaya. Napakagat-labi ako nang bigla niyang paghiwalayin ang mga hita ng babae pagkatapos ay walang ingat na ipinasok ang kaniyang p*********i sa nakaabang na paroroonan nito. Napatakip ako sa bibig ko saka ko pinindot ang cancel button. Para akong sinisilaban kaya itinigil ko na. Nakahinga ako nang maayos nang mamatay na ang video. Parang ako pa na nakinood lang ang mas pinagpawisan sa kanila. Ganito yata talaga kapag virgin tapos manonood ng mga naglalaro ng mga apoy sa kama. Ngayon ko lang naalala ang assignment ni Iza. Tapos na palang mag-copy. Tinanggal ko na ang flash drive saka ko ito inilagay sa loob ng bag ko. Napapaisip tuloy ako kung bakit may ganoong video sa flash drive. Sobrang sensitibo ang mga ganoong kaganapan. Paano kaya nakalabas ang video na iyon? Sumasagi pa rin sa isipan ko ang mga napanood ko kanina. Sayang, maganda at guwapo pa naman sila. Bakit kaya nila hinayaang lumabas ang video nila? Bakit kasi nila ivini-video ang sarili nila kapag nakikipag-s*x sila? Hindi ba nila alam na sobrang nakabababa 'yon sa pagtingin ng ibang tao? Kahit pa sabihin nila na personal na video lang nila 'yon at sila lang ang makapanonood ay mali pa rin! Maling-mali dahil sarili rin nila 'yong inilalagay nila sa kahihiyan at kapahamakan. Paano kung nawala nila? Paano kung na-hack 'yong accounts nila? Hindi lahat ng tao ay may busilak na puso. Pagdating sa sagradong bagay na ginagawa lang ng mag-asawa o kung sino mang magbabalak gawin 'yon, walang reme-remembrance! May remembrance ka nga, kaluluwa mo naman ang nakataya! Saka kung matino talaga ang pag-iisip ng isang tao, kinikilabutan na siya iniisip pa lang niya na milyong-milyong tao 'yong makapanonood sa hubad niyang katawan. "Oh... Tapos ka na pala." Sinalubong ako ni Manang paglabas ko ng cubicle. "Pinagpapawisan ka yata," puna niya sa akin. Namula naman ako bigla sa sinabi niya. "Dapat kasi rito ka na lang sa labas nag-computer. Alam mo na nga lang na mainit sa loob ng cubicle." Ngumiti ako sa kaniya nang alanganin. Alangan sabihin kong nanood ako ng scandal video kaya ako pinagpapawisan nang ganito? Hindi ko rin naman sinasadyang mapanood 'yon sa mismong flash drive na hiniram ko lang. Pero aaminin ko, ang guwapo ng lalaki sa scandal video! Parang siya pa lang 'yong lalaking kinahuhumalingan ko kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal. Idagdag na rin ang maganda nitong katawan bilang isa sa mga assets niya. Talagang biniyayaan siya ng Diyos nang kakaibang karisma. Kahit yata sino papayag na magpakama kapag siya ang nag-aya. Kasali ka na roon, Bella! sigaw ng utak ko sa akin. Napailing na lang ako. Syempre, maliban lang sa akin! Sus, aminin mo na! sulsol pa lalo ng isip ko. Letcheng utak ito! "Salamat po, Manang. Aalis na po ako. May trabaho pa kasi ako," paalam ko sa kaniya. "Napaka-lsipag mo talagang bata. Ito ang sahod mo ngayong araw." Inilabas niya ang isang five hundred pesos saka niya inilagay sa palad ko. "Nako, Manang! Sobrang laki naman niyan masyado. Ano lang naman po ang ginawa ko, eh..." Nahihiyang ibinalik ko ito sa kaniya. One hundred lang kasi ang sahod ko sa dalawang oras kong pagbabantay ng shop araw-araw. "Tanggapin mo na ito," nagpupumilit niyang sabi. "Salamat kasi nagbantay ka kanina. Alam mo bang maraming estudyanteng pumupunta rito dahil sa 'yo?" "Huh," naguguluhan kong sambit. Nakamaang naman akong napatingin sa mga lalaking customers namin. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Natawa ako nang mahina nang mapansin kong halos mga lalaking estudyante ang naririto "Crush ka ng mga 'yan," mahinang bulong niya sa akin. "Kapag umaalis ka na, lagi nila akong kinukulit. Madalas nilang hingin ang cell phone number mo sa akin," natatawa na kuwento niya. "Sinasabi ko na lang na anak kita at bawal kang magkaroon ng manliligaw." Napangiti na lang ako kay Manang. "Salamat dito, Manang, ha?" tukoy ko sa five hundred pesos. "Walang anuman," balik naman niyang sabi sa akin. "Paano pala 'yong number mo, ibibigay ko ba?" mahinang tanong niya habang naglalaro ang nanunukso ngiti sa kaniyang mga labi. "Manang, naman, eh... Mga bata pa po ang mga 'yan. Mag-aral ang atupagin nila, hindi ang mag-chicks." Nagtawanan na lang kami sa sinabi ko. "Sige... Mag-ingat ka sa pag-uwi," bilin niya sa akin. "Opo. Thank you po ulit..." May dalawang oras pa akong bakante bago ang susunod kong trabaho. Naisipan kong dumiretso sa Demerceds Company. Isa itong kompanya ng pagawaan ng mga magazines. Kailangan kong makausap ang bagong Boss nila na si Calvin. Nagugutom na ako pero pilit ko itong tinitiis. Pakiramdam ko ay hindi ako makakakain nang maayos kapag hindi ko siya nakausap. Sa bahay na lang ako kakain para makatipid ako. Iyong binigay na mga pagkain ni Cassie ay para na lang sa mga kapatid ko. Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ko ulit ang lalaki sa scandal video. Kanina pa siya sumasagi sa isipan ko sa totoo lang... Tumambay muna ako sa harapan ng building nila. Mahihirapan kasi akong makapasok sa loob dahil lahat ng mga empleyado nila ay bago. Nang makita kong wala na ang bodyguard ay saka lang ako tumakbo papasok ng building. Nagtungo ako agad sa dating opisina ng Boss ko. Hindi ko lang tiyak kung dito rin nag-oopisina ang bagong Boss nila. Buo na ang desisyon ko. Dapat makausap ko siya ngayong araw din na ito. Nataranta ako nang may makita akong dalawang bodyguards na papunta rito sa kinaroroonan ko. "Miss, diyan ka lang. Bakit pumasok ka rito nang walang paalam?" maowtoridad niyang tanong sa akin. Natakot ako kaya napatakbo ako nang mabilis. "Miss, 'wag kang tumakbo!" narinig ko sabi nila. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. "Sir, gusto ko lang kausapin 'yong Boss ninyo," malakas kong sigaw habang panay pa rin ang takbo ko. "Miss, tumigil ka na sa katatakbo dahil malalaman din namin kung saan ka pupunta. Napapalibutan ng mga CCTV ang buong building kaya wala kang takas sa amin," malakas niyang sigaw pabalik sa akin. Napakamot na lang ako. Hinihingal akong tumigil at natatakot na humarap sa kanila. Katulad ko ay hinihingal rin sila. "Nakatulong naman ako sa inyo, 'di ba? Maganda sa katawan ang pagtakbo," hinihingal kong wika. Napahawak ako sa noo ko nang makaramdam ako ng hilo. Napapikit ako nang mariin baka sakaling mawala rin ito agad. "Miss!" tawag nila sa akin. Pagkabukas ng mga mata ko ay bigla na lang nagdilim ang buong paligid ko. Nahihilo, nasusuka at namamanhid ang buong katawan ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko nang magkamalay ako. Sa kagustuhan kong makatiyak na nasa ligtas akong lugar ay mabilis kong inilibot ang mga mata ko sa paligid. End of Bella's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD