Chapter 61 Bella's POV "H-Huh?" Hindi ko alam kung lumabas pa ang tinig ko o hindi na. Nanghihina ako dahil sa kahihiyan. "Lumagisi i-iyong... A-Ah..." putol-putol kong sinabi. Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Sinasabi yata niyang nakita na niya ang lahat sa akin. Parang hahagulgol na lang ako rito. Hinihintay kong pumatak ang mga luha ko pero walang pumatak ni isa. Ako na mismo ang pumayo sa sarili na huwag na huwag makakampante sa lalaking ito pero ako rin ang hindi sumunod. Pero makapal at mahaba rin ang comforter na iyon kaya imposible talagang nahulog iyon! Pinagkatiwalaan ko ang comforter na iyon! Napakamalas ko naman kung tinraydor ako nito. Hindi ko naman masisisi ang manyakol na ito! Nasa dugo na niya ang pagiging ganoon, eh. Kumbaga parang ako rin ang naglagay sa sari

