Chapter 59 Bella's POV "Swimming tayo mamaya?" ani Kael nang balingan niya ako rito sa tabi niya. Narito kami sa balcony sa itaas, nakatanaw pareho sa magandang pang-umagang anyo ng karagatan sa malayo. Nakaupo ito sa upuang ibinigay ko sa kaniya kanina, ako naman ay nakatayo at nakapakulumbaba rito sa handrails and fixings. "Oh, bakit ganiyan ka makatingin?" tawa nito nang tingin lang ang naibigay ko sa kaniya. Parang nagkakaroon na ako ng trauma tuwing maririnig ko ang salitang "swimming" Inaya rin niya akong mag-swimming bago kami nilupig ng mga bubuyog kahapon. Kahit wala namang mga puno dito sa malapit sa beach ay pakiramdam ko'y nariyan lang sa paligid ang mga iyon. Nag-aalala talaga ako para kay Sir Kael. Hubadero kasi siya... "Dalhin mo ang mga kapatid mo kung gusto mo... Ang

