Nabulabog ako ng may nag sisigaw sa labas ng bahay.Tsskk..agang aga may nag iskandalo agad.Narinig ko na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pumasok si Nanay Lory. "Ann ,si Melanie nasa labas,galit galit at ang sabi inagaw mo daw si Senyorito Lance"saad ni Nanay na parang nababahala ito. "Ah sige,lalabas na ho ako"..mahinang sabi ko dito. Nag toothbrush muna ako at naghilamos ,nagpalit ng damit at bumaba na. Pagbungad ko pa lang sasampalin sana ako ni Melanie pero kung anong bilis ng kamay niya ganun din kabilis din na hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Walang hiya ka!inagaw mo ang boyfriend ko!"sigaw nito na namumula ang buong mukha. Tinaasan ko lang ito ng kilay,ayoko ko patulan siya kaya tahimik lang ako. "Pagsisihan na banggain ako Ann,hindi mo kilala ang Daddy ko!"dagdag

