Malungkot ang dalawang matanda dahil aalis na ako.Uuwi na ako ng Manila.Sabay na kami nila Bea at Jenny. "Alam ba ni Senyorito Lance na aalis ka?"tanong ni Nanay Lory. "Hindi niya po alam,galit po siya dahil sa nangyari Nay"-saad ko dito na Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil sa pagbabaliwala sa akin ni Lance. "Hindi ka niya masisisi anak ,dapat lang bayaran ng kanyang ama ang kasalanan nito sa batas"-saad ni Nanay na malungkot din ito sa nangyari sa amin ni Lance. Nagpaalam na ako sa dalawang matanda at nangako ako sa kanila na bibisitahin ko sila. Pasakay na ako sa kotse ko ng makita ko ang kotse ni Lance. Bumaba ito at tiningnan niya ako nito na may lungkot ang mga mata. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa.Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Dali

