Maaga ako gumising dahil balak ko mangabayo ulit.Nagpaalam ako sa dalawang matanda na mangabayo ako. Pinuntahan ko ulit ang lupain ni Tatay Jun.Ang babaw talaga ng dahilan na atat na atat ito bilhin.Tago ang lugar na ito at medyo magubat at maliblib pero mapatag din ito,ang ganda pati ng mga pananim. Bumaba ako sa kabayo, tiningnan ko ang lupa.Hindi na ako magtataka bakit sobrang taba ng pananim dito dahil sobrang taba din ng lupa.Kung sakali na makuha nila ang lupa hindi naman puwedi na patayuan ito ng building or factory. Shit!Si Fajardo isa siyang drug trafficking.Alam namin na may pataniman siya ng m*******a, dahil tuso ito hindi nakakuha ng ebidinsiya napawalang bisa ang kaso niya. Sa likod ng bahay ni Don Alfredo pinagbabawal doon pumunta.Magubat ang lugar na iyon.Ngayon alam ko

