Act 3

2805 Words
"Anong balak mo?" sabi sa akin ni Genesis habang nasa isang ice cream house kami. Wala akong balak na kahit ano at wala ring pumapasok sa isip ko basta ang makita lang kita, ayos na sa akin. Hindi ko inaaaahang magtatanong siya sa akin ng ganon. Sa murang edad, napaka advance niyang mag isip. Kapag ba wala akong naisgot na balak ko, ano kaya ang gagawin niya? Gusto niya bang may gawin ako sa kanya? Tinitigan ko lang siya at hinintay sa susunod niyang sasabihin pero binalot na kame ng katahimikan sa ice cream parlor. Medyo naging mabait na rin ako sa kanya dahil sobrang nakaka intimidate ang personality niya. Sinasabi niya sa akin ang mga ayaw at gusto niya, yun ang nakaka intimidate, isang babae na sarili ang sentro at hindi ang karelasyon. Kapag alam ng isang babae kung saan siya sasaya, kahit anong effort ng lalaking mahak niya, kung hindi naman iyon ang gusto niya ay hindi mapapahalagahan ang pagod ng tao. Kaya inaalam ko kung saan sasaya si Genesis. "So, wala kang plano? Kasi kung wala, uuwi na ako pagkatapos nito," sunod niyang sabi saken at ngumiti na siya agad. Naiisip kong dalhin na siya sa apartment ko at manood lang kame ng movie. Tamang hang out "Gusto mo don tayo sa apartment ko? Wala kasi ako balak gumala. Madami pa ako gagawing trabaho," sagot ko sa kanya at tumango tango lang siya na tila pinag iisipan ang susunod na sasabihin. "So, sa dami ng babae, bakit ako pa?" sabi niya sa akin at inilapag ko ang kutsara ko sa mesa. "Bakit hindi ikaw?" sagot ko sa kanya at ngumiti na lang. Hindi ko alam kung magegets nya ba to pero bahala na. "Boring ako. Bahay, eskwela, kapatid at magulang ko lang ang lagi kong napapakitunguhan," sagot ni Genesis. Biglang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan pagkasabi niya ng salitang magulang. "Ang turo saken, lahat ng tao dapat pakisamahan pero hindi dapat lahat pagkatuwalaan," dugtong niya at yumuko na para kumain ng ice cream. "Importante talaga sayo ang mga magulang mo ano?" tanong ko sa kanya at uminom ng tubig. "Oo naman, magulang ko yun eh," sagot ni Genesis na may kasamang kasiyahan. "Tama, Magulang eh," sagot ko sa kanya at nawala ang masayang parte sa mukha ni Genesis. Kakaiba talaga expression ng mukha niya. Pinaghalo halong takot, inis at pagtataka ang nakikita mo. "Hindi na ako sasama sa apartment mo. Sa susunod na lang," sabi nya sa akin pagkalabas namin ng ice cream store. Tumango na lang ako at tahimik na kami naglakad papunta sa kanila. Hindi na uli ako nagparamdam sa kanya dahil sa busy ako sa opisina. Ipinakilala ko na rin si Genesis sa mga kaibigan kong nag aaral sa school nila. Yung grupo ni Ace. "Let's meet," text ko kay Genesis sa kalagitnaan ng klase. Ngayon ko na gustong dalhin siya sa isang amusement park dahil alam ko sa sarili kong akin siya. "Bakit?" reply niya sa akin. Agad ko sinabi sa kanya ang plano ko ngayon habang iniisip kung papayag ba siya. "Ok. Wait ba kita sa tapat ng school?" tanong niya saken at agad akong napangiti sa sagot niya. Yung tuwa na makikita ko siya uli pero hindi ko kelangan ipakita sa kanya. Agad akong pumunta sa tindahan na nasa likod ng school nila dahil madalas dun dumadaan sila Ace pag gusto nilang magcutting. Ilang minuto pa, nakita ko siyang bumababa sa pader kaya naman agad akong lumapit ng makita ko siyang nakaupo sa pader. "Jump," bulong ko sa kanya at walang pasubaling sumunod siya sa akin. "Akala ko pagkatapos ng school time ang pagkikita natin," sabi niya saken at kitang kita ang gulat sa kanyang mukha. "First time mo ba nagcutting class?" tanong ko sa kanya habang panay ang tingin niya sa kanyang cellphone. Kaya kinuha ko ito at inibulsa ko. Hinila ko siya papalayo sa eskwelahan nila at agad dinala sa apartment ko. "Heto..." Iniabot ko sa kanya ang mga binili kong damit at iniwanan na sa kwarto para makapag bihis. "Pare, ikaw pa lang yung lalaking alam namin na napapalapit kay Genesis. Sobrang mailap yan," sabi saken ni Ace habang inaakbayan ako. Nag high five naman saken si Alvin at nakangiti lang ang mga babaeng kasama namin. "Wag na kayo sumama samen, alis na," sabi ko sa kanila ay hinabutan lang sila ng pera. Isa isa na silang umalis at panay ang kantyaw sa akin. Lumabas na si Genesis at suot ang bestida na binili ko para sa kanya. Para talaga siyang anghel at hindi halatang dise sais anyos dahil sa hubog ng katawan niya. Binili ko pa sa mall yung mga damit na yon at hindi ko alam kung kasya sa kanya. Hindi naman siya mataba at hindi rin masyadong mapayat kaya alam kong magkakasya sa kanya yung damit. "Ngayon tayo pupunta sa amusement park at kelangan dumaan muna tayo ng mall. Ipapakita ko sayo ang meaning ng date," mahinahon kong sabi sa kanya at napayuko siya. "Hindi ako sanay sa gantong damit. Wala na bang iba?" nahihiya niyang tanong sa akin at iniangat na ang kanyang mukha. Kitang kita kong namumula pa ito pero hindi ko na lang pinansin. I like her or maybe I love her too. Pero hindi pa dapat sabihin yan ngayon. "Let's go," sabi ko sa kanya at hinawakan ko uli ang kamay niya. Gustong gusto kong hawakan ang kanyang kamay. Sobrang lambot at walang bahid ng pagtatrabaho. She's the Monticello princess. Nakasunod lang siya sa akin at napansin kong sobrang bagal niyang maglakad. "Bilisan mo," bulong ko sa kanya at agad naman siyang sumabay sa akin sa paglalakad. "Why are you doing this?" Tanong niya sa akin at napahinto ako. "Dahil gusto ko," simpleng sabi ko sa kanya at nakita ko na ang apartment ko. Hinila ko siya pagkabukas ko ng pinto. "Pumunta ka sa kaliwa at doon ka magbihis. Wag mong gagalawin ang mga gamit ko," matigas kong sabi sa kanya at tumango lang siya saka pumunta sa kwarto. ----- First time kong mag-cutting at dahil kay Aero iyon. Dapat ay tinatawag ko siyang kuya pero hindi ko kayang makita ang sarili ko na kapatid ang turing ko sa kanya dahil alam kong attracted na ako sa kanya. Gagawin ko lahat ng gusto niya kagaya ngayon. Nag-cutting ako dahil yun ang gusto niya. Dahil gusto niyang pumunta kami ng amusement park. Sumama ako kahit hindi ko alan kung anong gagawin namin doon. Wala akong alam. Hawak hawak niya ang kamay ko at nararamdaman kong hinahaplos haplos niya ito. Pagkadating ko sa apartment niya, agad niya akong hinila sa loob at pinagpalit ng damit. Pagkapasok ko sa kwarto niya. Nagulat ako. Kadalasan daw kasi ng mga lalaki ay tamad maglinis ng bahay pero iba ang apartmet niya. Wala kang makikitang bahid ng alikabok at maayos ang pagkakatiklop ng kumot at unan. Naamoy ko rin sa kwarto ang amoy ni Aero. Nagbihis na muna ako saka ako naglibot sa kwarto niya. Ang mga pictures niya simula ng bata siya. Nakita ko lahat ang pictures pero wala kahit isang litrato ng kanyang mga magulang. Marahil lumaki si Aero na walang magulang kaya ganon na lang siya kung mag isip. Nagpaikot ikot pa ko sa kwarto ni Aero pero wala na kong mahanap na litrato nito nung bata pa siya. Narinig ko silang nag uusap usap sa labas habang nag aayos ako ng damit. Hindi ako sanay mag suot ng ganito. Kapag may party lang at sobrang bihira. Tinitigan ko lang ng matagal ang larawan ng isang babae na kamukhang kamukha ni Aero. Marahil ay nanay niya ito. Tiningnan ko muli sa salamin ang itsura ko bago lumabas ng kwarto niya. Halata sa mukha niya ang gulat. Napapangitan siguro siya sa suot ko. Agad akong yumuko dahil sa hiya. Tinanong ko siya kung bakit niya ba to ginagawa pero wala ako nakuha sa sagot niya saken. Siya ang unang lalaking makakadate ko at pinayagan kong makadate ako. Agad siyang pumara ng taxi at sinabing sa isang mall kami pupunta. Kinakahaban ako dahil first day ko to at hindi ko pa gusto ang suot kong damit. "Pwede rin ba tayong dumaan sa department store?" tanong ko sa kanya na bumasag sa katahimikan namin. "Bakit? Hindi mo ba gusto ang damit mo?" tanong niya sa akin. Umiling na lang ako at hindi ko na pinansin kung ayaw o gusto niya. Pero ako ayaw ko talaga sa suot kong damit. Pagkababa namin, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa mall. "Let's eat first," bulong niya sa akin at pumunta kami sa isang steak house. Hindi ko alam kung anong kakainin ko kaya kung ano ano na lang ang naisip kong orderin. "Anong order mo?" tanong sa akin at itinuon ko ang tingin ko sa kanya. Mariin din siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa. "Salisbury steak na lang siguro? At isang four season shake," sagot ko kay Aero at sinabi niya na rin ang order niya sa waiter. "Anong ginawa mo sa kwarto ko? At bakit gusto mong dumaan sa department store?" tanong niya sa akin. Bakit niya pa ba naisip na itanong to? "Wala akong ginawa sa kwarto mo. Natuwa lang ako dahil ang linis linis ng kwarto mo hindi kagaya ng ibang lalaki," sagot ko sa kanya at lumingon na lang sa paligid. Hindi na kami nag usap hanggang sa maubos namin ang pagkain namin. "Tara na at kukulangin tayo sa oras. Bilisan mong bumili ng damit," sagot niya sa akin at nag iwan siya ng pera sa mesa sa kami umalis. Hindi na ako pumili ng madami at agad ko na lang kinuha ang isang red na bestida at isusukat iyon. "Wait. Hindi yan bagay sayo. I don't like simplicity pero kung sayo, lahat ng bagay extra ordinary. Bagay sa prinsesa ang gold," sabi sa akin ni Aero at naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Isa akong prinsesa. "Wait, wala ka pang sapatos," sabi niya sa akin at hinila na naman ako pabalik sa department store. "Ok na sa akin ang doll shoes. Hindi ko kayang magsuot ng may takong," sabi ko kay Aero dahil ang mga pinapasukat niya sa akin ay puro may takong. "Sige, choose any rubber shoes," sabi niya at pumayag na lang ako. I can't say no to him. Siya na rin mismo ang nagsukat sa akin ng sapatos. Nakakahiya sa mga saleslady pero hindi ko na lang yon pinansin. Binayaran niya na rin to at sinuot ko na palabas ng mall. Nagtaxi na lang kami at hindi ko alam kung saang amusement park ako dadalhin ni Aero. Magkahawak kamay kami sa loob ng taxi pero hindi kami nagkikibuan. Nararamdaman kong pinaglalaruan niya ang kamay ko. Sana ay ganito na lang siya palagi. Ganito ka kalma. Masarap siyang kasama pag tahimik lang siya. Bumaba kami sa isang kalsada at ang daming tao. Medyo mahaba haba ang pila kaya medyo naaarawan ako. Pumunta sa likod ko si Aero at tinatakpan ang araw. "Aero, ang bilis mo maglakad," sabi ko sa kanya habang papunta kami sa entrance. Hinawakan niya ang kamay ko. "Then, I'll walk slowly," sabi niya sa akin at sumabay sa akin kahit naarawan siya. Sinalubong na lang kami ng isang lalaki at sya daw ang assistant/tour guide namin. Kelangan daw kasi may tour guide ang mga visitors para sa guidelines pero inabutan lang sia ni Aero ng pera at pinaalis na. Napakaraming rides dito at puro sigawan ng mga tao ang naririnig ko. Mga nakakalulang rides. Nakaka engganyo sakyan lahat. Unang una kong sinubukan ay ang tea cup rides. Tapos ay sa carousel. Magkahawak kamay kami ni Aero sa lahat ng rides. Kumain muna uli kami ng tanghalian at nagpahinga ng kaunti. Binilhan ako ni Aero ng cotton candy at masaya akong kinakain iyon. "Genesis, let's go," tawag sa akin ni Aero at agad naman akong sumunod. Nakita kong may ibinigay siya sa assistant namin pero hindi ko alam kung ano yon. Kaming dalawa lang ang pumasok at naiwan sa labas ang lalaki. Narinig ko ang reklamo ng mga taong nakapila pero tuloy tuloy lang si Aero sa pagpasok habang hawak hawak ang kamay ko. May mga rose petals sa tubig at may naghihintay sa aming lalaki. May teddy bear at mga bulaklak din siyang hawak. Inabutan ni Aero ang lalaki ng pera at nagpasalamat. Inalalayan ako ng lalaki sumakay sa mini boat at sumunod ay si Aero. Pinaalis niya na ang lalaki. "My queen, tagilid ka, " bulong sa akin ni Aero at naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at ang hininga niya sa leeg ko. "Aero," bulong ko at kitang kita ko ang nakangiting mukha niya habang nakapatong na sa balikat ko ang ulo niya. Nakaramdam ako ng malamig sa aking dibdib. Isang kwintas na may pendant ng crown. "Can I kiss you, hard?" tanong niya sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin sa 'hard' pero tumango pa rin ako at dahan dahan niya akong hinalikan. Iba ito sa halik na ginawa niya sa akin noon. Hindi ko madescribe pero ang sakit na ng mga labi ko sa ginagawa niya pero gusto ko pa rin ipagpatuloy niya ang paghalik. Ganito pala ang meaning ng hard kiss nya. Tumigil siya at pinunasan ang labi ko gamit ang kanyang mga kamay. "I want you mine. I want your everything. I want to be your man," bulong niya sa akin at pinagdikit ang mga noo namin. "Yes. I am yours. All yours," sagot ko sa kanya at hinalikan uli ako. This time, kagaya na ng halik niya sa akin noon. "Sorry if I kiss you hard. Hindi ko mapigilan ang sarili ko," sabi niya sa akin. Niyakap niya ako galing sa likod. Kita ko sa tubig ang anino naming dalawa. "You see that girl? She's mine now. My princess, My queen, My star," bulong niya sa akin. Lunod na lunod na ko sa mga pinagsasabi niya. Hinarap ko siya at hinawakan ko ang mukha niya. "Stop saying sweet words. Just kiss me," bulong ko at ako na mismo ang humalik sa kanya. Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko at hinaplos ko ang dibdib niya. Hinahabol niya ang kanyang hininga ng tumigil kami. "Let's go, baby," sabi sa akin ni Aero at lumabas na kami sa amusement park na yon na magkahawak ang kamay. Hindi ko akalain na may boyfriend na ako. Natigil kami ng biglang nag ring ang cellphone ko. Iniabot niya sakin ito at lumayo ako sa kanya at sinagot ang tawag. "Genesis, nasaan ka? Anong oras ka uuwi?" tanong sa akin ni nanay. May halong kaba pa din ako dahil sa ginawa ko. "Pauwi na po ako. Dumaan lang ako sa isang mall kasi may bibilhin akong mga gamit," sabi ko sa kanya. I lied. Pero ok lang. Kung para naman sa ikakasaya ko. "Kelangan ko ng magpalit ng damit at dumaan tayo sa national bookstore dahil may bibilhin ako," sabi ko kay Aero at tumango lang siya. Sumakay na uli kamk ng taxi hanggang sa apartment niya tapos ay dumaan na lang kami ng mall at inihatid niya ako sa kanto malapit sa amin. "San ka galing, Genesis?" tanong sa akin ni nanay pagkapasok ko. Umupo na muna ako sa sofa habang nakatingin kay Rion na nakasalampak sa sahig. "Sa mall po,m pinabili po kasing gamit sa school ang teacher ko para bukas eh. Hindi na po ako nakapagpaalam dahil sa wala po akong load. Pero sinagot ko agad ang tawag niyo," Ppaliwanag ko. Tinuro sa akin ni Aero na ito ang sabihin ko sa nanay ko para hindi ako mapagalitan. Pinag usapan namin kanina habang pauwi kami kung anong gagawin ko pag uwi ko. Gusto ni Aero na ipakilala ko siya sa parents ko pero natatakot pa din ako. "Heto po oh," Iinilabas ko ang binili kong mga art papers na si Aero naman talaga ang bumili. Kung ano ano lang ang pinagkukuha namin. Dala dala niya na rin ang sapatos ko at ang dress na isinuot ko at ibibigay niya na lang sa ibang araw pag nagkita kami. "Ok. Kumain ka na ba? tanong sa akin ni nanay. "Hindi na po ako kakain kasi sa mall na kami ng dinner ng mga classmates ko," sabi ko uli sa kanya. "Si Jasmin, Anne at Rose po ang mga kasama ko kanina. Di po nasabi ni Tatay?" sagot ko sa kanya at inayos ko na ang mga gamit ko. "Okay naman na anak. Umakyat ka na at magpalit ng damit. Lalabhan ko pa yang uniform mo. At nga pala, bakit ganyan ang labi mo? Pulang pula, nagmake up ka ba? Lipstick ba yan?" tanong sa akin ni nanay. "Hindi po. Ganto naman talaga ang labi ko," sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa salamin. Pulang pula nga ang labi ko pero dinedeny ko pa rin to. I'm sorry nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD