Sa mga nakalipas na araw ay pinagpapasalamat nya na hindi sila nagkikita ni xian, sinisiguro nya na napasa na nya kay gerald ang mga report na kailangan nito bago pa hingin sa kanya. Naging busy din ito at madalas ay umaalis ng bansa. Ang nakaka inis lang ay pinapadalhan sya nito ng mga bulaklak araw araw. Her favorite tulips. "Good morning, ma'am, ang sipag talaga ng secret admirer nyo, hindi nakakalimutang magpadala ng flowers every day." saad nito habang bitbit ang mga bulaklak. "Iwan mo nalang dyan yan." "Ay, hindi po, ipina kita ko lang talaga ito sa inyo para alam nyo na hindi parin tumitigil ang taong yun sa mga binibigay nya. Baka itapon nyo lang sa basurahan eh. Kukunin ko nalang at idi display sa labas. Sayang naman, ang ganda pa naman nito at mabango pa." "Sige, ikaw ang bah

