"Welcome back ma'am Kim." masayang bati sa kanya ni Mia habang naglalakad sya papunta sa opisina nya. "Sa wakas nakabalik ka na." saad ni Lou na sumalubong sa kanya. Mukhang kanina pa sya inaantay ng dalawa. "Mukhang na miss nyo ko ah, eh one week lang ako nawala." "Sa loob ng isang linggo na yun, ang daming nangyari dito sa opisina dahil sa bago nating super gwapo at hot na boss." patuloy ni Lou. "Pero sobrang nakakatakot naman maam." segunda ni Mia. "Bakit ano bang ginawa nya?" "Ang daming napagalitan, muntik pa ngang matanggal sa trabaho yung iba, nahuli kasi nyang hindi nagtatrabraho ng maayos, bigla bigla kasi syang nag iikot dito sa buong building." "Kasalanan naman pala nila eh." "Pero ma'am, sobrang sungit at snob talaga ni boss, ni hindi pa nga namin nakitang ngumiti eh, b

