Kakarating nya lang sa airport. Nang makuha ang mga gamit nya ay agad nyang inopen ang phone nya at sunod sunod na notification galing kay Bela ang nakikita nya, bago pa nya mabasa ang mga messages nito ay nakita nyang tumatawag na ito.
"Beshy nandito na ko sa airport. Nasan ka na?" saad nya dito ng sagutin ang tawag.
"Beshy wala na ko dyan. May nangyari kasi kaya bigla akong umalis."
"Ano??? Beshy naman, sana hinantay mo muna ako bago ka umalis."
"Im sorry beshy, biglaan kasi na nakita ako ng inutusan ni dad para pauwiin na ako kaya sumama nalang ako sa kakilala ko."
"Sinong kakilala naman yan? Dont tell me na lalaki yan?"
"Ah......eh........lalaki nga."
"Boyfriend mo ba yan?"
"Hindi, nakilala ko lang sya dyan. Papunta sya ng Singapore kaya sumama na muna ako tsaka inalok nya din ako ng trabaho bilang PA nya."
"Sigurado ka bang mabuting tao yang sinamahan mo, baka mamaya ipahamak ka nyan."
"Mukha namang mabuting tao to si Lance, tsaka gwapo at macho pa."
"Naku ikaw talaga beshy, di porket gwapo eh mabuting tao na.
"Huwag kang mag alala beshy, ok lang talaga ako, inaalagaan nya nga ako eh."
"Ano pa nga bang magagawa ko eh nandyan ka na at nandito naman ako. Sana sinabi mo agad para di na ko tumuloy dito."
"Sorry talaga beshy. Bawi nalang ako pag nagkita ulit tayo."
"Ang importante ok ka lang dyan. Siguraduhin mo lang na safe yang sinamahan mo ah."
"Oo, akong bahala dito beshy, kayang kaya ko tong patumbahin pag may ginawang masama sakin to, ano pa yung nag aral tayo ng karate at iba pang mga pang self defense diba. Mag enjoy ka dyan ah."
"Sige, mag feeling turista muna ako dito habang nag iisip kong san naman ako pupunta o dito na muna ako titira."
"May isang buwang advance pa ko dyan sa bahay, gamitin mo na, nasabihan ko na naman yung land lady ko na darating ang kapatid ko. Pinakita ko din ang picture mo sa kanya kaya kilala ka na nya."
"Salamat. Sige na magpahinga ka na din dyan, kahit anong mangyari tawagan o i message mo lang ako ah."
"Thanks beshy, ingat ka dyan. Love you."
"Ikaw din. Love you too beshy."
Nang makarating sa nirirentahang apartment ni Bela ay nagpahinga sya agad. Napagod sya sa byahe. Bukas na nya iisipin kong san pupunta at mamamasyal.
Kinabukasan ay maaga syang gumising para puntahan ang mga Prague Castles at ang Old Town Hall with Astronomical Clock.
Shes so amazed of how beautiful Prague is. She cant help but to keep clicking her camera.
Malamig ang weather nila ngayon kahit na maaraw.
Masaya syang nakatayo sa tapat kung saan tanaw nya ang malaking orasan at nag selfie.
Patawid na sya upang pumunta sa loob ng mapansin nyang nawawala ang scarf nya.
"Wait miss, i think this belongs to you." Anang isang baritonong boses sa likod nya.
Hindi sya sigurado kung sya ang tinatawag nito pero nilingon nya ito at napansin nya ang hawak nito. Its her scarf.
"Yes thats mine." Lalapit na sana sya dito ng may biglang lalaking bumangga sa kanya. "Aray!" Daing nya dahil medyo malakas ang pagkasagi nito sa braso nya dahil sa mabilis nitong pagtakbo. Mabuti nalang at mabilis syang naalalayan ng lalaking may hawak ng scarf nya kung hindi ay baka tumilapon at sumubsob pa sya sa simento.
"Hey! look where your going." Sigaw nito sa bumangga sa kanya na hindi man lang sya hinintuan. "Are you alright miss?"
"Yes, Thank you." Saad nya sa binata. "Ang sakit nun ah." Pabulong nyang daing sa sarili habang hinihimas ang balikat dahil medyo masakit ito.
"Pilipino ka pala."
"Oo. Ikaw din?"
"Oo. My mom is a half Filipina."
"Hindi kasi halata sa mukha mo."
"Nagmana kasi ako sa dad ko."
"Taga rito ka ba?"
"Hindi, just here for a business. how bout you?"
"Ah, pinuntahan ko dito yung bestfriend ko but sad to say wala na pala sya dito."
"Ohhhhh, sorry about that."
"Its ok. Im enjoying here naman. Nice place."
"Ano ano nang napuntahan mo dito?"
"Some castles and that old town clock."
"This is my first time to travel here too. Pero marami na akong napuntahan."
"Any suggestion where to go next?"
"Try have dinner near Charles Bridge."
"Ok, thanks. Ill remember that."
"I’m Xian by the way, nice to meet you." Saad nito at nilahad ang kamay sa kanya.
"I’m Kim. nice to meet you too." Sagot nya at tinanggap ang pakikipag kamay nito.
She felt a strong force of electricity from their hands once collide. Napatingin sya sa binata na natigilan din. Mukhang naramdaman din nito ang nangyari sa kanya.
Wala ata itong balak bitawan ang kamay nya kaya sya na mismo ang unang humila pero lalo nitong hinigpitan ang hawak.
"My hand please."
"Oh sorry." Saad nito saka lang pinakawalan ang kamay nya.
"I have to go. Thank you again." Saad nya at nagsimula ng maglakad.
"Hope to see you again Kim."
Rinig nyang sigaw nito na di nalang nya pinansin. Her heart is beating rapidly. Whats happening to her. Para namang ngayon lang sya nakakita ng gwapo. Yes! His such a handsome man. He had a deep voice, beautiful brown eyes, pointed nose, defined cheekbones, a concrete jaw and a hard toned body.
Napatingin sya sa kamay na hinawakan ng binata. Ramdam nyang nag iinit ang mga pisngi nya habang naglalakad. Napapatingin sa kanya ang mga kasalubong nya dahil napapangiti sya at napapailing.
"Gosh! Bat ba kinikilig ako, feeling teenager lang na nalapitan si crush? Ehhhhhhhhhh....."
He cant help but smile while staring at the beautiful woman walking away from him.
Kanina pa nya ito nakita. Simula sa may Prague Castle ay sinundan na nya ito hanggang sa makarating sila dito sa Old Town Hall with Astronomical Clock. Her smile mesmerize him. Para itong bata na tuwang tuwa sa mga nakikita sa paligid.
Napakaganda nito kahit na walang make up at medyo magulo pa ang buhok. Shes someone he wants to know better. He feels something inside of him that he cant explain. Kahit sa simpleng usapan nila ay naging masaya na sya kahit pa nga medyo may pagkamataray ang dating nito.
"I cant wait to see you again." Bulong nya sa sarili bago nawala sa paningin ang dalaga.
Nagsimula nadin syang maglakad pabalik ng hotel nya ng mag ring ang phone nya.
"Yes clint?" saad nya sa kanyang secretary. Iniwan nya ito sa tinutuluyang hotel dahil nag jogging sya.
"Sir, just want to remind you that after an hour is your meeting to mr. Peterson."
"Ok, im going back there. just wait for me at the cafeteria." saad nya at pinatay na ang tawag.