Chrylei Criox's Pov Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang maganap ang pagtanggap sa akin ng buong Holy Class. Wala namang pagbabago sa bawat araw. May mga nagtatangka pa ding mambully tuwing ako ay mag-iisa pero hindi sila nagtatagumpay dahil sa singsing na bigay ni Zenia. Maayos ang pag-aaral ko at nakakasabay na ako sa bawat asignatura sa klase. Nakakasanayan ko na din ang pagta-trabaho sa Sai Cafe at nagsisimula na akong mapalapit sa mga katrabaho ko doon. At idagdag pa ang karagdagang pag-aaral ko tungkol sa kasaysayan ng Attila sa tulong ni Red na madalas kong makasama sa garden ng HKU. Nakakamangha syang magturo dahil detalyado ang bawat paksang ikinu-kwento nya sa akin na para bang naroon sya nang mangyari iyon. Pero imposible naman iyon dahil sinabi nyang hindi nalalayo a

