Zeal Brann’s Pov (Knight of Fire) Naghahanda na ang lahat sa pagalis namin dito sa Sulli Mountain dahil mahaba-haba din ang lalakbayin namin papunta sa dagat ng Lemry. We only have one week for this trip at nasisiguro kong agad magpapadala ng tauhan ang mga Elder kapag hindi kami nakabalik agad sa Antlers nang eksakto sa araw at oras. Kaya kahit alam kong gusto pang manatili dito ni Chrylei at Yaren ay hindi ko mapagbibigyan ang kagustuhan nila. Isa pa ay posibleng manganib ang lugar na ito kapag nagtagal pa kami lalo na’t may panganib na nakasunod sa buhay ni Chrylei. Hindi ko maaatim na malaman sa publiko na may mga Thrylos pang nabubuhay sa panahong ito. Thrylos na kabilang pa sa Kiseki Nine. Malaking gusto ang posibleng mangyari at siguradong hindi iyon basta ma

