Chrylei Criox’s Pov Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay isang hindi pamilyar na kisame. Nasaan ako? Iginala ko ang aking paningin sa paligid at napabangon nang makita sina Cali, Aimur, Faero, Yaren at Zeal na natutulog sa carpet na nasa tabi ng kamang aking hinihigaan. “Gising ka na pala.” Bumaling ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Lara. Doon ko naalala ang nangyari kahapon at hindi ko maiwasang hindi mahiya sa aking ikinilos. “You don’t have to be shy, Chrylei.” sambit nito at lumapit sa akin. “I perfectly understand why you did that?” “Naiintindihan mo?” kunot noo kong tanong sa kanya. Aba, hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. “I am not an ordinary Thrylos, Chrylei.” aniya. “I am part of Sacred Cros

