Chrylei Criox’s Pov Hindi pa man ganoon katagal mula nang maging magkaibigan kami ni Faero pero alam kong totoo ang mga naging pagtrato niya sa akin. Alam kong pinahahalagahan niya ako at walang pagpapanggap siyang ginawa sa aking harap. Kaya hindi na ako nagtaka nang piliin niyang mapag-isa muna matapos ang mga ipinagtapat ko sa kanya. Maging sina Aimur at Cali ay hindi din kinaya ang aking sinabi kaya maging sila ay pinili na lamang munang umuwi upang makapag-isip at tanggapin ang mga posibleng mangyayari sa akin. Kaya naman mag-isa lamang akong nakatambay dito sa garden at nakatitig sa estatwang walang mukha. Ang estatwa ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit nahikayat akong alamin ang nakaraan ng Attila. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng interes na gawi

