Chrylei Criox's Pov “Faero.” mahina kong sambit habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko ngayon na may hawak na pana at palasong nakatutok sa akin na gawa sa apoy. “Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” Kumunot ang aking noo. “Anong ibig mong sabihin? Ako ito, si Chrylei.” “Chyrlei is inside this cave sleeping with her blanket.” Bahagya pa siyang bumaling doon sa pwestong hinigaan ko kanina pero wala namang tao doon. “See?” “Faero! Ano bang sinasabi mo?” Matalim siyang tumingin sa akin. “And how did you know my name?” “Tulad ng sinasabi ko, ako nga si Chrylei!” sigaw ko. Anong nangyayari? Bakit hindi niya ako nakikilala? At bakit sinasabi niyang nasa loob ako ng kweba kahit narito naman ako sa kanyang harapan? Napasigaw ako at iniharang ang aking mga braso sa mukha ko nang paulanan n

