Chapter 2

1938 Words
Chrylei Criox's Pov   Maaga palang ay kinailangan ko nang bumangon dahil maaga palang din ay pinuntahan na ako nila Faero at Zeal para maipasyal ako sa Antlers.   Hindi na ako sumalungat pa dahil kailangan ko ding alamin ang pasikot-sikot sa buong syudad upang hindi ako maligw dito kung sakaling hindi ko sila kasama. Ayoko namang maging pabigat sa kahit sino sa kanila lalo na sa Hari at Reyna kaya kailangan kong alagaan ang sarili ko.   "Chrylei, doon tayo." Agad akong hinila ni Faero papunta sa isang shop.   Nakasunod sa amin si Zeal at hindi man lang nila iniinda ang mga tingin ng mga nakakasalubong sa amin. Para ngang sanay na sila ni Faero habang ako ay hindi malaman kung saan titingin dahil naiilang ako.   Hindi ako sanay sa ganitong atensyon.   "Ayan, susukatan ka nila para sa magiging uniform mo." sabi ni Faero pagpasok namin sa shop tsaka ako iniupo. "Ako nang bahala sa iba mo pang gamit para after mo dito, kakain na tayo huh."   "Teka—" Hindi ko na sya nagawa pang habulin dahil mabilis na silang nakaalis ni Zeal at wala na akong nagawa kundi ang maupo dito at hintayin ang magsusukat sa akin.   Hindi ako mapakali kaya inilibot ko ang tingin sa paligid. Puro mga manikin na may magagandang damit ang narito. At hindi ko maiwasang mamangha sa bawat disenyo ng mga damit at tela na narito. Sa bagay, ito naman ang unang pagkakaton na nakakita ako ng ganitong klaseng mga damit. Mga pang mayaman lang kasi ito.   "May nagustuhan ka ba, hija?"   Bumaling ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na tingin ko ay matanda lamang sa akin ng tatlo hanggang limang taon. May nakasabit na medida sa kanyang leeg kaya sigurado akong sya ang magsusukat sa akin. "Ahm, ako po si Chrylei."   "Oh. Ang kaibigan ni Fae." Nakangiti syang lumapit sa akin tsaka inilahad ang kamay. "I'm Suzane, ang personal dress maker ng 1st royal ramily." Ang sinasabi nyang 1st royal family ay ang pamilya Initia na kinabibilangan ng hari, reyna at ni Faero.   May labing tatlong royal family kasi ang naninirahan sa palasyo at ang mga sumunod sa Initia ay nagsisilbi nilang tagapayo.   "Anyway, may nagustuhan ka bang damit sa shop ko?" tanong nya.   "Magaganda po lahat ng damit na meron kayo dito." At may isa sa mga ito ang nakaagaw ng aking pansin. Iyong pinaghalong puti at itim na bestidang nakapwesto sa pinakadulo nitong tindahan.   "Alam mo, dahil nakikita kong magiging mabuti kang kaibigan kay Fae, pwede kang mamili ng dalawa sa mga iyan at ibibigay ko sa iyo." aniya na ikinalaki ng mata ko.   "Nako, hindi na po. Nakakahiya po."   Bahagya syang natawa sa reaksyon ko. "Tama nga ang kutob ko. Isa kang mabuting tao at hindi mapagsamantala ng kabutihan ng iba."   "Paano nyo po nasabi?"   "Hindi lang naman ikaw ang pinag-alukan ko ng libreng damit. Marami din akong naging customer na namangha sa mga gawa ko at nang ialok ko ng libre ang dalawa sa mga ito ay walang pagdadalawang isip nila itong tinanggap." kwento nya.   "Hindi na po iyon nakapagtataka. Sinuman pong makakita ng inyong gawa ay nasisiguro kong pangangaraping magkaroon nito."   "Maliban sayo. Tinanggihan mo ang offer ko eh." natatawa nyang sabi.   "Nakakahiya naman po kasi at kahit ibigay nyo iyan sa akin ay hindi ko din po iyan magagamit."   Tumangu-tango sya. "Pero kahit tinanggihan mo ay maaari ka pa ding pumili ng dalawang magugustuhan mo at sa pagkakataong ito, hindi ka na pwedeng tumanggi or else, magagalit ako."   Hindi ako nakasagot dahil base sa itsura nya ay seryoso sya sa bantang iyon. Pareho sila ni Faero. Mahirap tanggihan sa mga bagay na gusto nilang gawin o ibigay.   Sinimulan na nya akong sukatan para sa aking magiging uniform sa eskwelahan at habang ginagawa nya iyon ay kinukwentuhan nya ako tungkol sa kanila ni Faero.   Nalaman kong pinsan sya ni Zeal at sya ang itinuturing na nakatatandang kapatid ni Faero. Kaya naman pala malaki ang pagkakapareho nila dahil madalas silang magkakasama noong mga bata pa sila. Siguro, sya din ang nagturo sa prinsesa kung paano maging isang mabuting tao.   Ay mali, sadya na siguro iyon sa kanyang pagkatao dahil pareho ding mabuting tao ang mga magulang nya.   Natagalan pa sina Zeal at Faero sa kanilang pinuntahan kaya nanatili muna ako dito sa tindahan ni Ate Suzane at nagkwentuhan pa kami hanggang dumating na ito na may bitbit na maraming box.   "Oh, nandyan na pala kayo." sabi ni Ate Suzane tsaka sinalubong ang dalawa. "Saan ba kayo nagsuot at nagtagal kayo?"   "Nagpang-abot sila ni Nevis." sambit ni Zeal tsaka naupo sa tabi ko. "At alam mo naman ang nangyayari kapag nagkikita silang dalawa."   "Hay nako. Kung hindi ko lang kasama itong si Zeal, baka pinalipad ko na sa malayo ang hunghang na yun." Bakas ang inis sa mukha ni Faero kaya tingin ko ay kaaway nya ang sinasabi nilang Nevis.   "Hindi na ako magtataka kapag kayong dalawa ang nakatuluyan nyang ni Nevis." mapang-asar na sambit ni Ate Suzane. "Remember, the more you hate, the more you love."   "Like eew!" Umakto pa itong nandidiri. "Kahit sya nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi ko papatulan ang dilim na yun."   "Hihintayin kong kainin mo yang sinasabi mo." natatawang sabi ni Zeal tsaka bumaling kay Ate Suzane. "Ate, dito na kami magla-lunch. Baka magpang-abot na naman sila kapag lumabas pa kami."   "Sige. Just wait here. Magluluto lang ako." Pumasok ito sa isang pintuan at naiwan kaming tatlo.   "Nasukatan ka na ni Ate Suzane?" tanong ni Zeal na aking tinanguan. "Nabili na namin ni Fae ang lahat ng kakailangain mo sa bahay at school kaya wala ka nang aalalahanin pa. Para naman sa trabaho, dadalhin ka namin sa shop mamayang hapon."   "Maraming salamat." Hindi ko alam kung paano nga ba ako makakabawi sa kanila. Sobra-sobra kasi ang pag-aasikasong ginagawa nila sa akin gayong isa lamang akong hamak na knight na walang kapangyarihang hindi tulad nila na nanggaling na nga sa matataas na pamilya ay malalakas pa din ang mga kapangyarihan nila.   __________   Matapos naming makapananghalian ay nagyaya pang mamasyal si Faero. Dinala nya ako sa lahat ng magagandang lugar dito sa Antlers.   At sa pamamasyal ay nakilala ko ang dalawang kaibigan ni Faero na sina Aimur Vanne, ang Knight of Water at Cali Natur, ang Knight of Nature.   Mabait silang dalawa at makulit. Pero hindi yata ako gusto ni Aimur dahil madalas nya akong palihim na iniirapan. Hindi ko nalang pinansin.   Nang magdapit hapon ay dinala nila ako sa isang coffee shop, Sai Cafe ang ngalan nito at sinabi n Zeal na dito ako magta-trabaho.   Dito ko nakilala si Savaii Mane, ang Knight of Moon. Sya ang may-ari ng pagta-trabahuhan ko at mabait din sya. Saglit nya akong kinausap para ipaalam ang oras ng pagpasok ko dito tsaka sinabi na sa araw ng lunes na ako magsisimula pagkatapos ng aking klase.   Kasalukuyan kaming naglalakad ni Zeal pauwi sa apartment. Ipinadala na doon ang pinamili nila Faero para sa akin kaya wala na kaming bitbi.   "Nag-enjoy ka ba ngayon?" tanong ni Zeal.   Tumango ako. "Nagugustuhan ko ang Antlers at nasasanay na ako dito. Tingin ko ay makakaya ko nang mamuhay ng matagal dito."   "Mabuti kung ganoon." aniya. "Gusto din kasi ng hari na manatili ka na dito sa Antlers hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral nang sa gayon ay hindi sya nag-alala sa lagay mo."   Ngumiti ako at tiningnan sya. "Pakisabi sa hari at reyna, lubos akong nagpapasalamat sa lahat. Sobra-sobra ang pag-aasikaso at ibinibigay nyo sa akin kaya hindi ko alam kung paano makakabawi sa inyo."   "Hindi mo kailangang bumawi. Ginagawa namin ito dahil gusto namin kaya huwag mo nang isipin iyon. Ang gawin mo lang ngayon ay alagaan ang sarili mo at gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sayo."   Tumango ako. "Pero kung may maitutulong ako, sabihin nyo lang huh."   "Ikaw agad ang sasabihan ko kapag nangailangan kami ng tulong."   *********   Deccan Luft's Pov (Knight of Air)   "What?"   "Positive iyon, Deccan."   "May kasama sina Zeal at Faero na hindi pamilyar sa inyo?" Kumunot ang  noo ko matapos sabihin ng isa sa kaibigan ko ang nakita sa bayan.   Tumango sya. "Nagtanong na ako kay Ate Suzane at sinabing kaibigan nila iyon. Her name is Chrylei Criox."   Napatayo ako nang marinig ang pangalang iyon. "Chrylei? Sigurado kang iyon ang pangalan nya?"   Muli syang tumango. "Si Ate Suzane mismo ang nagsabi. At nabanggit din nya na papasok ito sa university this school year kaya makikita din natin sya. Ah, naalala ko, magta-trabaho din sya sa Coffee shop nyo."   Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito nang dahil sa nalaman ko. Hindi ko naman kasi akalain na makalipas ng ilang taon ay muli akong magkakaroon ng balita tungkol sa babaeng iyon.   "Nabanggit din ba ni Suzane kung saan ito nakatira?"   "Hindi ko na naitanong." aniya. "Gusto mo bang alamin ko?"   Umiling ako at muling naupo. "Hindi na. Magkikita din naman kami sa university or sa cafe. Dun ko nalang sya kakausapin."   Naupo sya sa tabi ko. "Kilala mo din ba ang babaeng yun, Deccan?"   "Yeah. I met her 5 years ago, sa probinsya ng Alura. Pero dahil sandali langkaming nagkasama, hindi ko alam kung matatandaan pa nya ako."   Oo, kilala ko si Chrylei Criox at naging magkaibigan kami pero dahil nasa lugar nila ako para sa misyon ay hindi nagtagal ang pagkakaibigang iyon. Buong akala ko, hindi ko sya makikita dahil alam kong imposible syang mapadpad dito sa kabisera pero tingnan nga naman natin ang paglalaro tadhana.   Sana lang, maalala pa nya ako.   **********     Chrylei Criox's Pov   Dahil araw-araw akong dinadalaw nito, alam kong panaginip na naman ang nangyayari. Tama, nandito na naman ako sa panaginip ko kung saan nakahiga ako sa sahig habang napalilibutan ng apoy ang buong paligid.   Pero kakaiba ang isang ito dahil malinaw sa aking kamalayan na nasa panaginip lamang ako. Idagdag pa na nagagawa kong igalaw ang buong katawan ko kaya agad akong bumangon at inilibot ang tingin sa paligid.   Tulad ng madalas kong makita, maliban sa apoy sa paligid ay ang binata na nakaupo di kalayuan. Ang binatang bagama'y nakatalikod ay alam kong umiiyak dahil sa sunod-sunod na pagtaas-baba ng kanyangbalikat.   Tumayo ako dahilan upang sya ay matigilan at tsaka sya dahan-dahang bumaling sa akin. Ngunit tulad ng nauna ay malabo pa din ang kanyang mukha kaya hindi ko sigurado kung sya ba ay aking kilala.   Plano ko sana syang lapitan ngunit may kung anong nagpatigil sa buong sistema ng aking katawan nang bumukas ang kanyang bibig.   May sinabi sya. Pero hindi ko nadinig o sadyang wala syang boses? Paulit-ulit lang na bumubuka ang kanyang bibig ngunit wala akong maintindihan. Hindi ko na din magawang magpatuloy sa paglapit sa kanya dahil para na namang nabalot ng mahika ang buong katawan ko.   Sino ba sya? Bakit gabi-gabi nya akong dindalaw sa panagnip na ito? Ano bang gusto nyang sabihin? Anong kailangan nya?   "The future of this world lies in your hands. Don't let your heart swallow by darkness, Criox."   _________   Ilang minuto na ang lumipas nang ako ay magising at hanggang ngayon ay tulala pa din ako sa kawalan. Pilit kong iniintindi ang nais iparating ng panaginip na iyon ngunit walang kahit anoang pumapasok sa isip ko.   Ano bang ibig sabihin ng katagang narinig ko bago tuluyang magising?   Paanong nasa kamay ko ang kinabukasan ng mundong ito gayong isa lamang akong knight na walang kapangyarihan at waanv maitutulong.   At anong ibig sabihin na huwag kong hahayaang lamunin ng kasamaan ang puso ko? May kasamaan bang nangingibabaw sa aming mundo?   Bumuntong hininga ako pagkuwa'y bumangon na.   Walang magagawa ang labis kong pag-iisip sa isang bagay na galing lamang sa aking panaginip. Maaaring gawa lang iyon ng aking imahinasyon sa pagnanais na magkaroon ng silbi sa mundo ito.   Tama. Imahinasyon ko nga lang iyon dahil imposibleng kailanganin ako ng mundong ito sa hinaharap.   "Kailangan mong pakatandaan, Chrylei, ikaw ay walang kapangyarihan kung kaya't wala kang maitutulong sa mundong ito kundi maging isang mabuting mamamayan." sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Baka sakaling sa pamamagitan nito ay tigilan na ako ng panaginip na iyon. "Gawin mo nalang ang iyong makakaya upang matupad ang kagustuhan ni Ama at ng hari."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD