“GUSTO kong makita si Romeo,” ani Corazon na mabilis na bumangon sa hinihigaang hospital bed pagkatapos magkamalay.
“He’s stable now, Corazon. Kinumpirma ng mga doktor na hindi siya tinamaan sa puso o sa ulo. Kailangan pang patuloy na obserbahan ang kondisyon niya pero wala na siya sa panganib. Sa ngayon ay wala tayong dapat ipag-alala sa kalagayan ni Romeo. Please calm down and relax, you have to continue resting,” ani Sabel na mabilis na umagapay sa kanya.
Nanlalatang muli siyang bumalik sa higaan. Naisubsob niya ang mukha sa mga palad at hindi napigilang humagulgol doon. She remembered additional memories. Hindi man kumpleto iyon pero sapat upang makumpirma niyang tunay ang mga naunang ala-ala niya.
She lost Cariño before and she couldn’t take losing him again. Hindi pa man lubusang malinaw sa isip niya kung paanong nabuhay ito at naging si Romeo ay labis-labis ang pasasalamat niya sa Panginoon. Must be miracle or what not, she’s very grateful they met again in this lifetime.
“I remembered, Sabel. May mga bagay na muli akong naalala dahil sa nangyari kay Romeo,” siwalat niya at ikinuwento sa babae ang mga bumalik na ala-ala.
Napasinghap si Sabel nang matapos niyang ilahad ang nangyari sa nakaraan. Tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip at hindi nakapagbigay ng komento. Mayamaya’y niyakap siya nito.
“I don’t know what to say, Corazon. Sa insidenteng nangyari ngayon, hindi ako sigurado kung tamang ipaalam natin sa kanya ang mga dagdag na ala-ala mo. Let us make him recover, first. Then maybe you can gradually tell him about it… lalo pa’t there’s a child involved…”
“Naiintindihan ko, huwag kang mag-aalala at hindi ko naman bibiglain ang lahat. And I know that my words wouldn’t suffice, I need evidences. I need to find those places, those people. I need to find my child… our child.” Muli siyang napaiyak sa iba’t-ibang emosyong sumasalakab sa kanyang diwa.
Tumawag ng doktor si Sabel upang mabigyan siya ng pampakalma. Nakatulog naman siyang muli at nang magising ay pinilit kumain at binisita si Romeo sa ward nito. Kakalabas lang ng lalaki sa ICU ngunit patuloy na minomonitor pa ang kalagayan nito.
Hindi sila nakapasok ni Sabel upang matingnan si Romeo dahil pinagbawalan sila ni Rosenda. Kahit nakiusap na sila rito ay hindi pumayag ang ina ng lalaki. Upang hindi na makalikha ng komusyon ay bumalik na lamang sila ng silid niya.
Kinabukasan bago siya i-release ay muli niyang tinangkang bisitahin ang lalaki. Bahagyang nagkakamalay na raw ito ayon ka Sabel subalit hindi pa lubusang bumabalik ang malay-tao nito at nasa coma state pa rin. Hinintay muna nilang makaalis si Rosenda at Sandra bago sila nagtungo sa silid na kinalalagakan nito. Naabutan nila roon ang ama nitong si Emilio. Hinayaan naman silang manatili roon ng butihing matanda. Nagpaalam din ito saglit upang kausapin ang mga doktor ng anak.
Tinabihan niya si Romeo sa higaan nito at ginagap ang palad nito. Dinala niya sa labi ang malamig na palad nito at dinampian ng halik. Lubos ang pagsisikap niyang huwang humagulgol sa nahihimbing na kamalayan nito. She knew that he was also on a very tough time and he needed strength from the people who loves him. Handa niyang i-extend ang lakas para dito, para maka-recover na ito agad.
“I love you so much, mi cariño,” she whispered. She continued talking to him even if there’s no guarantee that he could hear her.
Nagtagal pa sila roon ng ilang oras bago napilitang umuwi na rin sa mansion. Inubos niya ang buong maghapon sa pagpapahinga. Kailangang pagkagising ni Romeo ay makita nitong naging matatag siya at pwede siya nitong maging lakas habang nagpapagaling ito.
Sa sumunod na araw ay muli siyang bumalik sa ospital upang bisitahin ang lalaki ngunit hindi siya pinapasok sa loob ng silid nito. Marami rin siyang nakitang bantay sa pasilyo papuntang kuwarto nito. Mga pulis at ilang sibilyang nagmamatiyag sa mga pumaparoon at parito. Nang tawagan niya si Sabel kung ano ang nangyayari ay ibinalita nitong base sa imbestigasyon ay may banta sa buhay ni Romeo at maaaring pagtangkaan muli ang buhay nito. Ililipat daw sa ibang pasilidad ang lalaki at maging ito raw ay hindi alam kung saan dadalhin ang kaibigan para na rin sa kaligtasan nito.
Puno ng kaba at pag-aalala na umalis doon si Corazon. She felt so weak all of a sudden. So little in Romeo’s big world. Ibang-iba na ang mundong ginagalawan nila kompara sa mundong kinagisnan nila sa mga ala-ala niya. A lot of things changed. They said change was the only constant thing in this world but for her, the love she has for him would always be constant, too no matter how the world changes and time passes by.
Pinalakas niya ang loob at ipinangako sa sariling hindi niya hahayaang may makapaghiwalay sa kanila ng lalaking minamahal.
IT took a week before Romeo was given a go signal by his doctors to come home. He passed all the diagnostics and he honestly felt brand new. Though, he still needed to continue his medication and therapy, and monitoring at home to ensure that there would be no problem in the future. Bahagya na lamang sumasakit ang tama ng baril sa dibdib niya, thanks to pain reliever. Ang sugat sa ulo niya ay tuyon na rin at tinanggalan ng benda. And other than those, ay wala na siyang ibang masakit na nararamdaman.
Excited siyang makauwi at makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam rin niya ay mas lalo siyang magkakasakit at hindi gagaling kung mananatili siya sa ospital. Higit sa lahat ay miss na miss niya bigla si Corazon. When he woke up ay ito agad ang hinahanap niya. Maybe due to the fact that she was the last person he saw before passing out. Walang alinlangan siyang dinaluhan nito imbes na isipin ang sarili at maghanap ng ligtas na pagtataguan. Binilinan niya ang sariling pagsabihan ito pag-uwi niya… and hug her… and kiss her and maybe… have s*x with her? He laughed about the idea of having s*x with his current condition. Hindi niya lang mapigilan ang sarili sa kaiisip dito at kung saan-saan umaabot ang utak niya.
“Come, darlin’, I’ll walk you through,” si Sandra na pinapaupo siya sa wheelchair.
He laughed at her. “I can walk, Sandra. Hindi ako imbalido.” Pinigilan niyang hindi mainis dito sapagkat sa nakalipas na mga araw ay lagi siyang binibisita nito para asistihan sa mga kailangan niya. Subalit tila nasobrahan naman ito sa ginagawa.
“Siyang totoo nga naman, hija. Malakas pa sa toro ‘tong binata ko at kaya na niya ang sarili niya,” anang Papa niya na tumawa rin.
Sa mga nakaraang araw ay panay rin ang iyak nito kagaya ng Mama niya kaya lagi niyang ina-assure ang mga ito na okay na siya. Kahit papaano ay bumalik na ang mga sigla ng mga ito. Mas lalo naman siyang naging pursigidong magpagaling sa pinakamabilis na paraan dahil ayaw niyang nakikita ang mga itong nag-aalala at nalulungkot ng dahil sa kanya.
“Tumigil nga kayong mag-ama. Huwang mong kunsintihin ang anak mo at baka mabinat iyan. So, please, son just go with Sandra. Baka bigla kang ma-out of balance kung pupwersahin mo ang sarili mong maglakad,” suheto ng Mama niya.
Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. “I’m fine, Ma. No need to worry.” Niyakag niya itong maglakad na at siya pang umalalay dito. They laughed.
Sumunod naman sa kanila ang Papa niya at si Sandra na iniwan na ang wheelchair. Lumulan sila sa van at bumiyahe na pauwi sa mansion. May mga convoy na nauna at nahuli sa kanila. The threat was still looming around and they didn’t know when it will attempt to endanger him or his love ones. Kung sino man ang may pakana niyon ay hindi pa nila natutukoy. Iniimbestigahan pa rin ito ng mga pulis at ng mga private investigator nila. Ang motibong lumulutang ay karibal nila sa negosyo o kalaban ng pamilya nila. Maging sino man iyon ay sisiguraduhin niyang magbabayad sa batas.
“Do you want some water, darlin’?” si Sandra at inabot ang isang bottled water.
Tinanggihan niya iyon dahil hindi naman siya nauuhaw.
“How about cupcakes?”
“I’m full. Kakakain lang natin bago tayo umalis sa ospital.”
“Yeah, I know but you need a lot of energy para lumakas ka na ulit.”
“I’m not weak, Sandra. I’m just hurt and recuperating.”
Pa-cute na gumawa ito ng tunog at sumandal sa balikat niya. “Sorry for being so worrisome, I just want to make you feel better.”
“I feel better now, Sandra. I’ll just get a nap,” sabi na lamang niya para makaiwas sa mga sasabihin at gagawin pa nito.
He faked a nap until they got home. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at hindi na hinintay ang mga kasama. Nasorpresa siya nang pagbukas ng pinto ay may welcome party na sumalubong sa kanya. Naroon ang mga kasambahay nila at may bitbit na mga banner. May suot na party hat at torotot at may pa-confetti rin.
“Welcome home, Sir Romeo!” magkakapanabay na sabi ng mga ito.
He felt warmed seeing them so happy having him back. Tinakbo siya ni Alexa at yumakap sa kanya. Hinalikan niya ito sa noo at kinumusta ito. The young girl just smiled at him and that’s enough for him to understand that she’s okay.
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit sa mga kasama. Sinalubong siya ni Sabel ay yumakap din sa kanya.
“Quota ka na sa mga life-threatening situation, Romeo. I hope this would be the last and I’ll keep praying for that.”
“Awww, that’s so sweet of you, Sabel. Thank you, I really appreciate that. But please, don’t cry on me. I’m alive and good as new.”
Humiwalay ito sa kanya at hinayaan siyang makalapit sa babaeng nasa likuran nito. Standing in front of him now was Corazon, the beautiful woman of his dreams. He didn’t stop the urge to cage him within his arms and shoulders. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. It seemed like universe was beaming and everything felt so blissful and ethereal.
“I miss you. I miss you so much, Corazon,” he cooed to her ear.
“Me, too. I miss you so much, Romeo,” she cooed back.
“Wow, what a pleasant surprise!” bulahaw ng tinig ni Sandra. Umalingawngaw iyon sa kabahayan.
Naghiwalay sila ni Corazon nang lumapit sa kanila ang babae. Kumapit ito sa braso niya, exuding her possessiveness. Bahagya siya nitong hinila palayo at sinuotan siya ng party hat.
“Sir, niluto ko po lahat ng paborito ninyo,” singit ni Manang Leticia, ang mayordoma nila sa mansion.
“Maraming salamat po, Manang Letty. Miss ko na nga rin po ang mga luto ninyo.”
“Ipapahanda ko na po agad ang dining area, Sir,” anito at binilinan ang mga kasambahay na sumunod rito.
Nang makapasok sa kabahayan ang mga magulang niya ay niyakag niya ang mga itong sumunod sa dining area. There they continued celebrating his homecoming. They also wished for his fast recovery and pray for their safety. And hope that the culprit of his shooting would be captured the soonest.
Sa gitna ng kasiyahan, hindi man sila muling nagkalapit ni Corazon ay nagpalitan naman sila ng mga ngiti at nagkakaunawaang mga tingin at tango. Ah, he needed to plan a private meeting with her.
PANGALAWANG araw na buhat nang makauwi si Romeo sa mansion ay hindi pa rin sila nagkakasarilinan ni Corazon. She felt so agitated to be with him pero ang daming balakid na magtagpo sila. Laging nakabantay ang Mama nito at maya’t-maya rin ang bisita ni Sandra na halos doon na rin tumira sa mansion.
Ayaw man niyang tila siya magnanakaw na tumitiyempo ng magandang pagkakataon sa pagsapit ng gabi ay iyon ang ginawa niya. Nang masiguro niyang nagpapahinga na ang mga tao sa mansion ay pumuslit siya papasok sa silid ni Romeo. Nagulat pa siya nang pagpasok niya ay gising pa ito. Bumati at kumaway ito sa kanya.
“You’re here,” sambit nito at niyakap siya nang mahigpit.
“Yes, I’m here. I’m sorry, I wasn’t able to visit you in the hospital and take care of you ‘cause I didn’t know where they took you.”
Pinakawalan siya nito at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. “I understand,” sabi nito at ngumiti. Hinalikan siya nitong muli, mas matagal kaysa sa nauna.
“Maayos na ba talaga ang lagay mo? Okay lang bang pinuntahan kita ng ganitong oras?”
“I’m actually waiting for you and expecting you to wear the same negligee before,” sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
Tinampal niya ito sa balikat. Nag-init at namula ang pisngi niya. Muli naman siya nitong hinalikan. Masuyo at mapaghanap sa pagkakataong iyon.
She gave in. She let him devour her. Her skin, her flesh. It was so intimate it ignited a fire to a thousand sparkles.
But he suddenly stopped. He looked at her, his eyes on flaming passion. It was dreamy she would like to dive into it.
Hinaplos nito ang mukha niya. “I’d love to make love with you, again but I would like to straighten things up, first. I think, it’s not fair to you and to Sandra if we continue like this. So, I have to officially break up with her and start over with you.”
She was stunned. Happiness poured insider her in waves. But at the same time, she felt sad for Sandra. Of her taking away Romeo from her. It didn’t seem right but she loves him and she couldn’t bear knowing that she’s sharing him with another woman. His decision was all for the best, she told herself.
“I’m so glad that you’re choosing me over her. But are you sure with me? You still couldn’t remember me so you still don’t know me at all.”
“I’m willing to take all the risk. I’m following my heart this time. If my brain couldn’t remember the past then I’ll fill it with new memories with you.”
Lubos ang pagluwang ng dibdib niya sa mga sinabi nito. Tila may malaking bagahe doong nawala at nagbigay ng mas malaking puwang para sa pag-asa. Napakasaya niya sa sandaling iyon.
“May kailangan akong sabihin sa ‘yo, Romeo,” aniya at siya namang humaplos sa pisngi nito. “Naaalala ko na ulit ang ilan pang bagay sa nakaraan ko. Hindi ko pa naaalala lahat pero sapat para makapagsimula tayong makahanap ng mga sagot,” patuloy niya at unti-unting ikinuwento rito ang mga panibagong ala-alang bumalik sa kanya.
Sari-saring emosyon ang dumaan sa guwapong mukha ni Romeo. He asked a lot of questions. Some she could explain but most she couldn’t answer yet.
“Handa ka pa rin bang sumugal sa relasyong ito, Romeo?” tanong niya matapos maglahad.
“I died based on your memories but clearly, it wasn’t me and you got married not knowing that I’m still alive. I get that. If I die, I would like you to move on. Seek justice, yes. But not revenge. Ayokong ilagay mo sa alanganin ang sarili mo dahil sa akin. And our child… oh God! I hope he or she is okay.” Sunod-sunod ang malalim na paghinga nito. Then he continued, “These are a lot to process but like I said, I’m willing to take all the risk. I promise that. Tutulungan kitang hanapin ang El Camino at Sta. Monica. Hahanapin natin ang anak natin. Ipapa-check ko ang record mo sa NSO since you got married and I’ll check my death certificate if someone filed it. Doon tayo magsisimula at maghahanap ng mga sagot.”
“Thank you for believing me, Romeo. It means so much to me. And I’m sorry for my bad decisions, it makes me feel utterly useless. Nagpakasal ako sa ibang lalaki at ni hindi ko matandaan ang ipinangalan ko sa anak natin. Ni hindi ko alam kung lalaki ba siya o babae. Naging mabuting ina ba ako sa kanya o baka pinabayaan ko siyang mag-isa.”
“No, don’t say that. We will make it up to our child. Pupunuan natin ang mga nawalang panahon na hindi natin siya nakasama kapag nakita na natin siya. Ipaparamdam natin ang pagmamahal natin sa kanya at hinding-hindi natin siya pababayaan.”
Muli silang nagyakap nito, binigyang pag-asa at lakas ng loob ang bawat isa. Ipinangako ni Corazon sa sarili na kapag nagkita silang muli ng anak niya ay hinding-hindi na sila magkakahiwalay pa at sisiguraduhin niyang makakabawi siya sa mga naging pagkukulang niya rito.
Soon, they would become a happy family.