Chapter 12

3068 Words
LUMIPAS ang mabilis na isang linggo na nasa El Camino si Corazon. Ang bakasyon na inakala niyang kabagot-bagot ay isa palang kasiya-siyang karanasan para sa kanya. Maliban sa magagandang lugar ay marami siyang natutunan tungkol sa mga gawain sa rancho, paggawa ng alak mula sa ubas, pagluto ng kakanin at ang pinakapaborito niyang gawin na pangangabayo. Nananabik siyang ikuwento ang mga iyon kay Cariño ng personal. “Corazon, mauuna na kami sa ‘yo. Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa amin?” anang ina niya. Kasalukuyang nagdiriwang ng pasasalamat ang Rancho de Altafuente para sa masagana at magandang produksyon nito sa nagdaang taon. Isinabay na rin iyon sa anibersaryo ng pagkakatatag ng rancho. “Mauna na po kayo, Inang. Maaga pa naman po at gusto ko pang makipag-saya sa mga taga-rancho.” At ayokong sumakay sa karwahe na kasama si Mira. Saka uso pa ba ang karwahe ngayon? Iba talaga ang tama ng kaibigan mo, Inang. Ngali-ngaling idugtong ni Corazon sa sasabihin ang iniisip ng utak ngunit nagpakapigil-pigil siya. “Siya, sige. Mauuna na kami ni Mira,” paalam nito at sumakay na sa karwahe. Kumaway siya sa mga ito at nang tuluyang mawala ang mga ito sa paningin niya ay napailing na lamang siya. “Nagpaiwan ka yata, Corazon?” anang baritonong boses sa likod niya. Nalingunan niya si Marxis at ngumiti rito. “Ayaw kong sumakay ng karwahe. Ni hindi ko alam na may gumagamit pa pala ng ganoong uri ng sasakyan.” “Si Tia Mira lamang ang kilala ko,” komento nito na tila pinipigil din ang tawa. “Hindi ba’t may mga sasakyan naman sa villa? Ba’t hindi iyon ang gamitin niya?” Nagkibit-balikat lamang ito sa kanya ngunit hindi na napigil ang pagbunghalit ng tawa. Nakitawa na rin siya sapagkat nakakahawa ang ingay nitong nililikha. Sobrang sakit ng sikmura niya nang tumigil sila sa pagtawa. Niyakag siya nitong umupo sa damuhan pagkakuwan at inabutan siya ng cerveza. Tinanggap naman niya ang maiinom at pinangalahati iyon. “Hinay-hinay lang, mahaba pa ang gabi.” “Hindi na rin ako magtatagal at baka mag-alala si Inang.” “Totoo pala ang nasagap kong balita kung gayon,” sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Gloria iyon na may tangang isang bote ng alak. Mukhang lango na ang babae dahil naniningkad na sa pagkapula ang mukha nito at malabis ang pamumungay ng mga mata. Tumayo si Marxis at inalalayan ang babae nang bigla itong sumuray. “Lasing ka na, Gloria. Ang mabuti pa’y umuwi ka na nang makapagpahinga ka.” “Bitiwan mo ako!” sigaw ng babae sa pagkabigla nilang pareho ni Marxis. Pinilit ni Gloria na tumindig nang maigi. “Hindi pa ako lasing!” anito at tumungga sa boteng dala. “Tama na ‘yan,” asik nito at inagaw ang bote. Ngumisi na parang aso ang babae at tumingin sa kanya. “Huwag mong sabihing wala pa ring alam ang mahal nating Señorita Corazon sa magaganap na---” Hinaklit ni Marxis ang braso ng babae. “Umuwi ka na, Gloria!” mataas ang tinig na ulit nito. Nagsipagtinginan na sa direksyon nila ang ilang ranchero na nagkakasiyahan. Ramdam ni Corazon ang namumuong tensyon sa paligid at hindi niya alam kung paano iyon papahupain. “Bakit, Marxis? Natatakot ka bang malaman niya?” Ang ngisi ay napalitan ng ismid sa mukha ni Gloria. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dito maliban sa nakainom ito ng alak. May nagawa ba siyang mali rito sa villa? Hindi naman niya ito nautusan ng mabigat o nakagalitan pero tila may hinanakit ito laban sa kanya. At ano ang sinasabi nitong hindi pa niya alam? Na maaaring ikatakot ng lalaki? May relasyon ba ito at ang kasambahay? Kung mayroon man ay labas na siya roon at wala siyang nakikitang masama o mali roon basta parehong nagmamahalan ang dalawa. “Tara na, Gloria. Ihahatid na kita pauwi sa inyo.” Tiningnan siya ni Marxis na humihingi ng paunawa. Tinanguan naman niya ito at hinayaan itong ihatid si Gloria pauwi. Iginiya nito ang babae palayo hanggang sa tuluyang mawala rin ang mga ito sa paningin niya. Nawalan na siya ng ganang ipagpatuloy ang pakikipagsaya kaya nagpahatid na siya kay Carlitos pabalik sa villa. Mabilis naman silang nakauwi sakay ng isang pick-up truck. Naabutan niyang bukas pa ang maraming ilaw ng villa. Patuloy na sana siya sa pagpasok sa loob nang makaulinigan niya ang ina at si Mira na mukhang nagtatalo. Magkaharap ang dalawa at parehong nakatayo. “¿Cuándo planeas contarle a Corazon sobre la boda?” “Sasabihin ko rin sa kanya. Ako na ang bahala sa bagay na iyon.” “Asegúrate de que ella diga que sí.” “Sisiguraduhin kong makakasal sila ni Marxis, Mira. Hindi mo kailangang lagyan ng pagbabanta ang tinig mo.” Kasal?! Si Marxis?! At siya?! Hindi maaari iyon! “Después de tres meses, tendremos la ceremonia de la boda.” May pinalidad ang pagkakasabi na iyon ni Mira na para bang sinisuwelyuhan na ang tadhana ng buhay niya. Naalala niya ang gustong sabihin ni Gloria. Ang reaksyon ni Marxis… Alam nitong ipapakasal sila… Kaya ba kinukuha nito ang loob niya? Hindi siya makakapayag sa plano ng mga ito. Nais niyang komprontahin ang mga ito ngunit ayaw kumilos ng mga paa niya. Unti-unti siyang nawalan ng lakas at namalayan na lamang niyang nakaluhod na siya sa marmol na sahig. Cariño… sambit niya. Isang malaking pagpapanggap lamang pala ang ginawa ng kanyang ina. Hindi totoo rito ang pagtanggap sa nobyo niya at wala talaga itong balak na matuloy ang pamamanhikan ng mga ito sa kanila. Napakalaki niyang tanga na napapaniwala siya nito. Ni hindi man lang niya naiisip na pinapaikot lamang siya at kusang nagpatihulog sa patibong nito. Hindi alam ni Corazon kung gaano siya katagal na nakaluhod lamang na parang estatwa. Namanhid ang buong sistema niya at walang ibang maramdaman. Kahit ang pag-iyak ay hindi niya makayang gawin. ILANG araw na ang lumilipas simula nang malaman niya ang planong pagpapakasal niya kay Marxis. Maraming ulit siyang binisita ng lalaki sa villa subalit hindi niya ito pinakiharapan. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng isang kaibigan. Sa unang pagkakataon din ay kinausap siya ng ina tungkol sa pagpapakasal sa lalaki. Labis-labis ang hinanakit niya sa ginawa nito. Hindi niya iyon matatanggap lalo na ang dahilan nito ng pagkulong sa kanya sa isang kasal na hindi niya gusto. Malaki ang pagkakautang ng pamilya ng ina niya sa mga Altafuente at hindi pa naging sapat na kabayaran ang lahat-lahat ng mga ari-arian ng mga ito. Nagpautang rin ang mga ito ng pampaaral sa kanyang ina ngunit dahil sa nagdalang-tao ito sa kanya ay hindi na nito natapos ang pag-aaral. Ngunit nagpatuloy ang suporta ng matandang Altafuente sa kanila. Pera ng mga ito ang ginastos niya simula ng isilang siya at kasama iyon sa utang na kailangan nilang bayaran. Dahil mabuti namang magkaibigan ang mga Altafuente at del Jares ay napagkasunduan ng mga itong ipakasal ang mga magiging anak para kalimutan ang utang. Dahil kapwa mga babae ang kambal na Mirabel at Mirasol at ang inang si Consuelo ay sa kanila ni Marxis magpapatuloy ang kasunduang iyon. “Sana ay maintindihan mo, Corazon.” “Hindi ko kailanman maiintindihan, Inang,” mariin at galit niyang pahayag. “Isa kang malaking sinungaling. Pinaasa mo kami ni Cariño at ang mga magulang niya. Simula’t-sapol ay tutol ka sa relasyon namin dahil balak mo akong ipambayad utang.” “Isipin mo na lamang ang magiging buhay mo sa mga susunod na taon at ng magiging mga anak mo. Hindi na kayo maghihirap. Wala kayong utang na babayaran. Mababawi natin ang mga pinaghirapan ng iyong abuelo at abuela.” “Hindi minamana ng apo ang utang ng mga matatanda, Inang. Wala akong obligasyon na sundin ang gusto ninyo.” Malalim na bumuntong-hininga ito at tumabi sa kanya sa ibabaw ng kama. “Mahirap unawain, alam ko. Pero hindi lang ito usapin ng pagkakautang, Corazon. Ito ang pagkakataon nating magsimula. Ang maitayong muli ang pangalan ng ating pamilya sa El Camino.” Hindi niya napigilan ang pag-ismid. “Mananatili kayong del Jares, Inang. Pero ako, sisiguraduhin kong mapapalitan ang apelyido ko. Hindi bilang isang Altafuente kundi isang Monte Carlo,” matatag na sabi niya. Tinalikuran niya ito, nahiga sa kama at nagbalot ng kumot sa buong katawan. “Umalis na kayo at gusto kong magpahinga.” Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan. Walang ibang iniwan na salita ang ina bago ito umalis. Kung nasaktan man niya ito ay hindi niya intensyon iyon kung hindi lamang nito pinanghihimasukan ang personal niyang buhay. Lumipas muli ang mga sandaling nasa loob lang ng silid niya si Corazon. Naiwang nakitawang-wang sa mesa ang pagkaing dinala sa kanya para sa hapunan matapos kunin ang pananghalian na halos hindi niya rin ginalaw. Bumangon siya sa kama at hindi pinagkaabalahan ang pagkain kahit pasado alas-dose na ng hating-gabi at walang laman ang sikmura niya. Dumiretso siya sa veranda at sinalubong ng malamig na hangin. Hindi niya ininda iyon. Kumapit siya sa balustre at tinanaw ang ibaba. Madilim ang buong paligid kahit ang kalangitan. Walang buwan o mga bituin na tumatanglaw sa kadilimang iyon. Sumagap siya ng maraming hangin at ibinuga iyon. Masyadong magulo ang isip niya at sa pakiwari niya ay ang pagtalon mula sa ikalawang palapag ng villa ang pinakamadaling gawin. Nababaliw na siya marahil o dulot siguro ng gutom. Tinampal niya ang sarili upang malinawan ang sistema. Natigil siya sa ginagawa nang makarinig ng sitsit. Isang bulto ang umahon mula sa dilim at marahang naglakad palapit sa ilalim ng veranda na kinapupwestuhan niya. “Corazon!” mahinang pagtawag nito. Sapat na ang munting tinig na iyon upang mawangisan niya ang taong naroroon sa dilim. “Cariño… mahal ko…” sambit niya. “Kahapon pa kita inaantabayanan na makita. Ayaw nila ako papasukin sa villa kaya hinintay kong dumilim at inakyat ang bakod. Mabuti at natiyempuhan kita ngayon,” mahinay na wika nito. “Tama lang ang dating mo, Cariño. Saluhin mo ako at tatalon ako mula rito sa veranda,” aniya sa kontroladong tinig. “Ha? Bakit hindi ka dumaan sa pinto? Baka masaktan ka.” “Hindi pwede katulad nang hindi nila pagpapasok sa ‘yo sa tarangkahan ng villa. Huwag kang mag-alala, hindi naman kataasan ito.” Inakyat niya ang balustre at sumampa sa kabilang panig niyon. Huminga siya ng malalim. Nakita niyang nakapuwesto na rin si Cariño para saluhin siya. Hindi na siya nagdalawang-isip at tumalon. Nasalo naman siya ng maigi ng nobyo. Marahan siya nitong ibinaba. “Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa ‘yo?” “Maayos naman ang lagay ko, Cariño. Ikaw, ayos ka lang ba?” “Sapat nang kapiling kita para maging mabuti ang lahat,” anito at ubod ng higpit siyang niyakap. Mayamaya’y kumuwala siya rito. “Hindi tayo maaaring magtagal dito. Wala bang nakakita sa ‘yo sa pagpasok mo?” “Hinintay kong makaidlip ang guwardiya. Malakas na ang paghilik niya nang akyatin ko ang bakod ng villa.” “Halika na,” niyakag niya ito at marahan silang nagtungo sa kamalig. Pumasok sila sa loob. Kumuha siya ng isang buslo at nilamnan iyon ng keso, tinapay, gatas ng baka, ilang pirasong tapa, itlog na maalat, kamatis, iba’t-ibang prutas at isang bote ng alak. Nang mapuno iyon ay lumabas na rin sila. “Saan tayo pupunta? At para saan ‘yang mga dala mo? Magpi-picnic ba tayo ng dis-oras ng gabi?” “Mahabang kuwento. Ang mahalaga ngayon ay makaalis tayo sa villa.” Nagpatuloy siya sa paglakad-takbo. Sumunod naman sa kanya ang nobyo at hindi na nagtanong pa. Naabutan nila sa tarangkahan ang naghihilik pa rin na si Fernando. Mamaya pa ang relyebo nito sa kasamang si Luis. Ipinasa niya ang dalang lalagyan kay Cariño at marahang lumapit sa guwardiya. Maingat niyang kinuha ang susi na nakasabit sa dingding ng pahingahan ng mga ito. Nang makuha iyon ay mabilis nilang tinungo ang tarangkahan at binuksan ang pantaong daanan. “Dito tayo,” giya niya sa nobyo. Dumaan sila sa kuwadrang ipinagawa ni Marxis para sa kabayo niyang si Amihan. Sa labas sa gilid ng villa iyon itinayo dahil nagreklamo si Mira na mangangamoy dumi ng hayop ang villa. Binuksan niya ang kulungan ng kabayo at inilabas ang alaga. Nirendahan niya iyon at hinila sa kalsada. Narinig niya ang pagsinghap ni Cariño nang walang hirap siyang makasampa sa kabayo. Inabot niya ang buslo at ito naman ang sumakay sa kabayo. “Kailan ka pa natutong mangabayo, mahal ko?” “Bago lang pero ‘wag kang mag-alala at mahusay na ako,” paniniyak niya rito at pinatakbo na si Amihan. Sa pasaliwang daan bago mag-Pueblo Ranchero niya pinadaan ang kabayo. Tinahak nila ang masukal na kagubatan. Sabi ni Marxis sa kanya ay may daan doon para makarating sa kalsada papunta sa kabilang bayan. Hindi niya kabisado ang patutunguhan pero malakas ang loob niyang makakaalis sila ng El Camino. Biglang huminto at nag-ingay si Amihan nang gumitaw ang kidlat sa langit at kumulog ng malakas. Pilit niyang pinakalma ang kabayo at pinatakbo itong muli. Hindi sila maaaring mahinto nito. Nang maging sunod-sunod ang kulog at kidlat ay tila mas lalong natakot ang kabayo at ayaw nang lumakad pa. Napilitan silang bumaba ng kabayo. Ilang saglit pa’y nagsimula nang umambon. Malalaki ang patak niyon. At hindi nagtagal ay bumuhos ang malakas na ulan. Pinagtulungan nilang hilahin si Amihan upang sumilong sa isang malapit na kubo. Itinali niya ito sa poste ng kubo kung saan hindi ito mababasa ng ulan. Pinuwersang buksan naman ni Cariño ang pinto ng kubo para makapasok sila sa loob. Nangapa sila sa dilim. Natabig ang ilang gamit sa kubo. Kapwa na silang basang-basa nito. May kung anong hinahanap si Cariño sa mga gamit doon. Ilang saglit pa ay nagkaliwanag sa loob mula sa munting apoy sa posporong hawak nito. Sa tulong ng kakarampot na tanglaw ay nakita nila ang lamparang nakasabit sa dingding ng kubo. Kinuha nito iyon at sinindihan. Malamlam ang liwanag pero sapat upang mailawan ang maliit na kubo. May papag sa isang sulok niyon na may nakatuping kumot at dalawang pinagpatong na unan, isang mesa at dalawang bangko sa kabilang sulok, ilang mga gamit pambahay at isang tokador na nang buksan nito ay walang laman. Kinuha nito ang kumot mula sa ibabaw ng papag at pinagpag iyon. Naghanap ulit ito ng kung ano sa mga gamit doon at nang makakita ng kutsilyo ay tinastas sa gitna ang kumot. Iniabot nito sa kanya ang kahati niyon. “Ito muna ang ipantapi mo para maisampay natin at mapatuyo ang basang damit mo. Mahirap nang magkapulmonya,” anito at tumalikod. Inabot niya iyon. Nakita niyang hinubad nito ang sariling damit. Sa gitna ng malamlam na liwanag ng lampara ay nasilayan niya ang malapad nitong likod at ang malalim na guhit sa bandang spinal cord nito. Itinapi nito sa babang kalahati ng katawan ang kaputol ng kumot at hinubad rin ang pantalon nito. Napatalikod siya. Itinapi niya rin ang kumot sa katawan at hinubad ang basang bestida kasama ang mga panloob niyang basa na rin. Nang lingunin niya si Cariño ay naisampay na nito sa bubong ng kubo ang mga saplot nito. Inilahad nito ang kamay upang abutin ang pinaghubaran niya. Ilang minutong napako ang tingin niya sa matipunong dibdib nito at sa umbok sa pagitan ng hita nito. Nag-init ang pisngi niya at nahihiyang inabot niya ang mga pinaghubaran dito. Isinampay rin iyon ng lalaki para makatulo. Ilang minutong nakatayo lamang sila sa harap ng isa’t-isa. Walang kumikilos. Marahil ay dahil sa pagkailang sa mga bihis nila ngayon. Wala silang mga saplot maliban sa manipis na kumot na nakatapi sa kanila. Nayakap niya ang sarili sa nang maisip nab aka bumabakat ang korona ng dibdib niya. Muli namang kumilos ang nobyo at hinalungkat ang laman ng buslong dala nila. Nabasa rin ang mga iyon ngunit mabuti na lamang at naisupot niya ng plastic kaya hindi naulanan ang loob. Tinulungan na rin niya itong maghanda ng pagkain. Ngayon niya nadama ang kalam ng tiyan. Pinagsaluhan nila ang mga dalang pagkain at ikinuwento niya rito kung bakit kailangan nilang makaalis ng El Camino. “Hindi ako makakapayag sa nais ng iyong Inang, Corazon. Kaya kong tanggapin na hindi niya ako gusto para sa ‘yo pero hindi ang sapilitan kang ipakasal sa iba dahil sa pagkakautang. Kung kailangan kitang itanan at ilayo sa kaniya ay gagawin ko.” “Hindi rin ako makakapayag na maikasal sa iba, Cariño. Ikaw lang ang gusto ko… mahal kita… at ikaw ang gusto kong maging asawa.” “Mahal na mahal din kita, Corazon. Hindi man natin makuha ang basbas ng iyong ina ay sisiguraduhin kong maikakasal tayo ng legal.” Marubdob ang kanilang mga damdamin. Nag-umpisang uminit sa loob ng kubo sa kabila ng malakas na hapas ng hangin at buhos ng ulan sa labas. Alam nilang hindi udyok ng alak na nainom ang alab na nagsisimulang kumalat sa mga katawan nila. Alam nilang mula iyon sa pangungulila sa bawat isa sa nagdaang mga linggo at sa mayabong na pagmamahal sa mga puso nila. Nang dumampi ang mga labi nila sa isa’t-isa ay mabilis ang naging pagkilos ng kanilang mga kamay upang lakbayin ang sariling katawan ng kasintahan. Mapusok ang mga galaw nila, mas lalong pinag-iinit ang mga nagliliyab nilang damdamin. Pagkaraan pa’y tuluyan silang naging hubo’t-hubad. Ang pinutol na kumot ay isinapin nila sa higaan. Mabining nahiga ang mga katawan nilang magkapatong na nagpaingit sa papag. Sumayaw ang mga katawan nila sa ibabaw niyon. Ang ingay ng mga singhap at ungol ang musika nila. Patuloy sa paglalim ang mga halik. Ang mga palad nila ay pinagpapala ang balat ng bawat isa. Nang maging sapat ang tindi ng init ay kusa niyang naibuka ang mga hita upang tanggapin ang nobyo. Napadaing siya nang maramdaman ito sa b****a niya. Tila napuna naman nito ang pagbabago ng ritmo niya kaya naging tantiyado ang kilos nito sa ibabaw niya. Marahan at masuyo. Walang pagmamadali na inangkin nito ang p********e niya. Maluwag sa dibdib niyang nagpaangkin sa p*********i nito. “Corazon… Corazon…” “Cariño… Cariño…” Paulit-uit nilang tinawag ang pangalan ng isa’t-isa. Naging isa ang daloy ng hininga nila. Ang pintig ng kanilang puso ay magkasabay ang ritmo. Ang mga katawan nila ay nagsalo sa ligayang dulot ng kaluwalhatian. Wala nang mahihiling pa ang mga kaluluwa nilang unang beses nakatikim ng mas malalim na pisikal na pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD