DAHIL sa gulat ay hindi siya agad nakapagsalita. "Safirah," tawag ni Terence sa pangalan niya kaya naman biglang nahimasmasan si Safirah at agad niya itong tinulak sa dibdib. "How dare you kissed me!" Isang sampal ang natanggap ni Terence mula sa kanya ngunit hindi ito natinag. Nagtagis ang mga bagang nito at mataman siyang tinitigan. Parang wala lamang rito ang pinakawalan niyang sampal. Hindi na niya ito hinintay pang makapagsalita dahil agad siyang umahon sa tubig at dali-daling umalis para iwan ito. Habang naglalakad siya ay gusto niyang maiyak sa galit. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at hanggang sa makarating siya ng tent ay nasa isip pa rin niya kung paanong inangkin ni Terence ang kanyang mga labi na wala man lang pahintulot. Hindi matanggap ng isip niya ang nangyari pero

