CHAPTER 16

3027 Words

SA PAGLIPAS ng maraming araw ay unti-unti niyang sinubukang makabangon. Mabuti na lamang ay mayroon siyang naitabing pera para makapagsimulang muli. Balak niyang magtayo ng flower shop na pwedeng mag-offer ng creative events na kung saan ay pwede siyang mag disenyo ng iba't ibang klase ng event habang naghahanap siya ng bagong mapapasukan na trabaho para mas makaipon siya ng mas malaki. Tinulungan siya ni Josie na asikasuhin ang mga dokumento na kakailanganin niya para sa pagpapatayo ng kanyang shop. Laking pasasalamat niya rin dahil hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya. Nag-invest din ito sa kanya para makadagdag sa gagastusin niya at gagawin niya itong co-owner. "Maraming salamat Josie ah. The best ka talaga," aniya at yumakap rito matapos ma-approve ang kanyang business permit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD