******
I woke up feeling energetic and delighted that I can't help but to dance in everything I do. It's Monday and that means may pasok na ulit.
Nakipagkulitan muna ako kila mama habang kami'y nag aagahan bago pumasok.
“Anak, ito na ang baon mo. Mag iingat ka at mag aral ng mabuti.”
Iniabot sakin ni mama ang lunchbox na nakalagay sa isang paper bag at water tumbler. Kailangan ko ‘to lalo pa at mabilis akong mauhaw.
Hinalikan ko muna ang ina bago nagpaalam na tutulak na sa paaralan. Nilalakad ko nalang ang papunta roon dahil hindi naman malayo mula sa bahay. Nagmadali akong ilagay ang bag at lunchbox sa aking upuan nang sumakto sa pagdating ko ang pagtunog ng bell.
Pagdating ko sa quadrangle ay pumila ako sa linya ng mga grade 7. Pagtapos nang pagdarasal ay agad naman itong sinundan ng pagkanta ng pambansang awit at panatang makabayan.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi at agad pumwesto sa harapan ng linya ng grade 7 dahil maguumpisa na ang pinaka paborito kong parte ng flag ceremony, ang dance exercise tuwing umaga. Nipili akong maglead sa mga kapwa ko grade 7 kaya naman labis labis ang pagkatuwa ko roon dahil isa sa hilig ko ang pagsasayaw.
Tinignan ko ang mga kasama ko na maglelead sa harap at binigyan sila ng isang matamis na ngiti na kanila namang sinuklian. Isang beses ko pang iginala muli ang tingin sa mga estudyante bago nagsimula ang musika.
Kung meron mang isang bagay na masasabi kong magaling ako, ‘yon ay ang pagsasayaw.
Kapag nariyan na ang musika ay katawan ko na mismo ang kusang gumagalaw para umindak. Hindi ko maikakailang isa ito sa mga bagay na nagpapasaya sakin.
Kung ang iba’y nasa musika ang buhay, masasabi kong pagsasayaw ang sa akin.
Ramdam ko na ang tumatagaktak kong pawis nang patapos na ang unang kanta. Beautiful life. Kabisado ko na ang steps non dahil madalas ko namang sinasayaw ito sa bahay. Lahat yata ng pinapatugtog tuwing dance exercise ay kabisado ko na kung kaya't madali lang sakin ang sumayaw rito sa harap.
Dancing has a lot of healthy benefits. Aside from it can reduce stress and depression which is good for students like us, it also improves our flexibility, strength, balance and endurance. It also increases our energy and serotonin.
Kahit nung nasa elementary pa ako ay lagi rin naman akong kasama sa sumasayaw tuwing may programa ang paaralan at kinakailangan ng pampasiglang bilang. Lagi rin akong nasa harap ipinupwesto dahil mabilis akong makamemorize ng steps at malinis kung gumalaw, ayon sa mga instructor.
Sumunod na tumugtog ang Haypa na nakapagpahype sa marami. May pailan ilan akong nakita na hindi sumasayaw na marahil ay nahihiya. Hindi naman kailangan na magaling kang sumayaw pag ganitong dance exercise, ang layunin naman nito ay makapag ehersisyo ang mga estudyante at ihanda ang katawan sa buong araw na pag aaral. Madali lang din naman ang steps nito at kayang kaya sundan.
Tinapos ang panghuling sayaw sa boom boom ng momoland. Matapos yon ay kanya kanya nang balik sa classroom ang mga estudyante habang ako naman ay nagpalit sa baon kong blouse dahil talagang basang basa ang aking katawan at damit.
Pagkabalik ko ng room ay naroon na ang aming homeroom teacher at may idinidiscuss. Bumati ako sa guro at dumiretso sa upuan ko pero bago pa ako makaupo ay narinig ko ang pangalan kong isinagaw ng kaklase.
“Ma’am Doreen, si Etienne nalang po!”
Huh?
Napalingon ako kay Maya na siyang sumigaw non. Ngiting ngiti siya sakin at tila hindi na mapakali dahil kinakalampag niya pa ang desk niya. Sinasang ayunan siya ng iba pa kung kaya't nagtaka na ako kung anong meron.
Binalik ko ang tingin sa harap at nakangiti na rin si ma'am Doreen. Nasa likod niya ang pisara na kung saan may nakasulat na “Intramurals 2015”.
Marunong akong mag volleyball kaya't tiyak naman na sasali ako roon.
“Payag ka ba Etienne?”
Si ma'am na nakangiti sakin. Hilaw akong napangiti rin sa kanya.
“Saan po ba ma'am?”
“Kung pumapayag ka na ikaw ang maging muse ng section natin sa intrams, nak?”
“Sige na, yen, pumayag ka na. Panigurado panalo na tayo nyan.” ang kaklase kong si Paulo.
“Magaling pa sumayaw kaya di na mahihirapan sa talent portion. Ikaw ang pag asa ng section natin, yen.”
Napakagat ako sa labi at nag isip. Meron yung extra grades for sure.
“Exempted daw tayong lahat sa exam kay ma'am kapag naipanalo natin, sige na, yen! Alam naming kayang kaya mo yon.”
Mas lalo yata akong napressure don. Kaya ko bang ipanalo yon?
Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
“Sige po, ma'am. Pero di po ako sigurado kung kaya kong ipanalo.”
Agad naghiyawan ang mga kaklase ko nang marinig iyon. Napatawa si ma'am kaya’t natawa nalang din ako.
“Kayo talaga, pinagkaisahan niyo pa si Etienne. Pero no pressure ito yen ha. Masaya ako kung mananalo tayo pero kung matalo man ay proud pa rin ako sa inyo. Ngayong meron ng muse dumako naman tayo sa escort niyo. Meron ba sa inyo ang gusto magvolunteer, boys?”
Umupo na ako upang hayaan sila sa pagpili ng escort, kahit sino naman ipartner sakin ay ayos lang.
“Ma’am, ako na lang! Bagay naman kami ni yen, e. Sige na ma'am.” pagpresinta ni Joel.
Nagtawanan ang lahat sa kaniyang sinabi kabilang na ako. Loko talaga.
Pinaghahampas siya ng katabing si Athena habang binatukan naman ng kanyang tropa sa likod.
“Oh my, God. Ma'am, wag po kayo pumayag. Matatalo pa tayo niyan!”
“Joel nananaginip ka nanaman ng gising. Anong bagay kayo ni yen? Si yen maganda, ikaw mabait ka lang. Wag ka na magsalita, please lang.”
Moreno si Joel at makapal ang labi. Madalas siyang matukso dahil don. May bilogan at malaking mata pero makapal ang kilay. Pantay pantay din ang kanyang mga ngipin at may katangkaran. Di naman siya pangit. Sa totoo lang ay may itsura din naman siya, labi niya lang ang problema.
“Oh e bakit, marunong din naman ako sumayaw, may talent ako!” Dagdag niya pa.
“Ma'am, si Charlie nalang! Oh di kaya si Tristan!”
“Okay, class, listen. Let's conduct a voting nalang for our escort. Whoever gets the majority of the votes will be our escort. Since gusto magvolunteer ni Joel, kasama siya sa pagpipilian together with Charlie and Tristan. Wala na ba kayong ibang isasuggest? Okay na kayo sa kanila?”
“Okay na po yan, ma'am.”
“Guys, si Tristan boto natin!” Pangungumbinse pa ni Alyssa.
“Piliin niyo kung sino ang sa tingin niyo ay bagay ipartner kay Etienne. Yen, anak, halika rito sa harap. Kayong tatlong lalaki rin.”
Sinunod ko si ma'am at pumunta sa harap. Sumunod din naman ang tatlo. Kahit sino sa kanila ay ayos lang sakin.
“Simulan na natin ang voting. Charlie, Tristan, dito muna kayo sa gilid. Si Joel muna.”
Naghiyawan ang mga boys sa likuran ng ipinagdikit kami ni Joel. Umabot lamang ako sa kanyang balikat.
“Okay, so class who wants to vote for Joel?”
Walang nagsitaasan ng kamay sa mga babae pero ang mga lalaki sa likod ay tumatalon talon pang nagtataas ng kamay habang humihiyaw, binilang iyon ni ma'am.
“Boys, please, tone down your voice. Joel got 12 votes, you may step aside for now Joel. Charlie, please stand beside Yen.”
Nang magkatabi kami ni Charlie ay ngumiti siya sakin kaya't sinuklian ko iyon. Kung kanina ay mga lalaki ang humihiyaw, ngayon ay pinalitan iyon ng mga babae.
“Aw, upo ka na Joel, may nanalo na.” Si Athena kahit wala pa naman ang resulta.
“Yung mga nakavote na ay hindi na pwede bumoto ulit, alright? Raise your hand if you want Charlie to be the escort.” Halo ang nagtaasan ng kamay, may mga babae at meron din namang lalaki.
Binilang ulit yon ni ma'am at sinabi kung ilan.
“Charlie, you got 16 votes. Joel, anak, pwede ka na umupo. Ikaw naman ang tumabi kay yen, Tristan.”
“Okay lang yan, wel. Baka hindi talaga kayo ni yen ang para sa isa't isa.” Tumatawang sabi ni Casper, kaibigan ni Joel.
Bumalik sa upuan niya si Joel na sinundan ko ng tingin. Sa palagay ko ay di naman talaga siya seryoso, katuwaan lamang iyon para sa kanya. Nginitian ko siya ng magtama ang tingin namin na kanya namang sinuklian din, doon ay nakumpirma kong ayos lang sa kanya ang naging resulta.
Sa huli ay si Tristan ang nanalo dahil nakuha niya ang pinakamaraming boto, 23. Matapos yon ay pinaupo na rin kami at idiniscuss ni ma'am ang mga kakailanganin naming gawin kasama roon ang mga sports na gusto naming salihan at meron din singing at dance competition. Sabi ni ma'am Doreen ay ipapatawag niya na lamang kami ulit ni Tristan para pag usapan ang gagawin naming preparations.
Nang matapos ang klase sa buong maghapon ay naiwan pa ako sa classroom para maglinis ng room dahil cleaners ako ngayong araw at hindi ako nakapaglinis kaninang umaga. Pagod akong lumabas ng gate para sana umuwi na ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kung sino ang nakatayo at nag aabang roon. Agad nagtama ang tingin namin na siyang ikinangiti niya.
Bakit siya narito?
Suot niya rin ang uniform ng school namin. Ibig sabihin dito rin pala siya nag aaral?
That boy in the church. We met again.
I can't help but feel nervous and excited at the same time knowing that we're schoolmates.
“God let us met again, maybe, we're really meant for each other, huh?”
Umayos siya ng upo at inabot sakin ang kanyang kanang kamay tanda nang pagpapakilala.
“I'm Cauis, by the way. What's your name?” Tinanggap ko ang kanyang kamay at ngumiti na rin.
“Etienne. I'm Mary Etienne Gallo.”
“Nice to meet you, Etienne. Magpapakilala sana ako sayo that time kaso di na kita inabutan.”
Nangingiti niyang ani.
.
“Kinailangan ko na kasing bumalik sa puwesto at tinutulongan ko si mama magtinda nung araw na ‘yon.”
Pagpapaliwanag ko na kaniyang tinanguan.
“Kaya pala. Pauwi ka na ba? Kung pwede ay sabay na tayo, pauwi na rin ako”
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya at hinigpitan ang kapit sa strap ng aking bag.
“Uhm, sige. Tara?”
Nagumpisa na kaming baybayin ang daan pauwi at doon ay sunod sunod ang kanyang naging tanong na sinagot ko rin naman.
“What do they call you? Is it Mary? Or Etienne?”
“Etienne. Madalas yen lang dahil nahahabaan daw sila sa Etienne.”
Marami rami rin kaming napagkuwentuhan bago makarating sa bahay. Masarap siyang kausap dahil hindi siya nawawalan ng sasabihin o makukwento. Nakwento niya rin na meron siyang alagang aso at pusa.
Tumigil na ako sa paglalakad at humarap sa kaniya upang magpaalam. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin kung kaya naman hindi ko mapigilan ang pamulahan ng pisngi.
“Dito na ang bahay namin, Cauis. Salamat sa pagsabay sakin umuwi. See you sa school. Ingat ka pauwi.”
Ngumiti siya kaya't ngumiti na rin ako.
“Walang anuman, yen. Sana bukas sabay ulit tayo pauwi. See you, tomorrow?”
Tumango ako sa kaniya at tumalikod na para buksan ang gate. Nang makapasok ay lumingon pa ulit ako sa kaniya para kumaway at ngumiti na ginantihan niya rin naman.