Usual isang nakakaumay na araw nanaman sa training school, parang hindi buo ang araw ng mga kapwa niya ibang trainee na asarin siya na para bang gusto talaga ng mga itong pasukuin siya. Natutuwa ang mga itong may na lalait at pinag tatawanan, parang ginawa ng hobby ng mga itong lait siya at ibody shaming. Pakiramdam tuloy niya ang baboy niya, na kung tutuusin naman hindi naman siya literal na mataba. Malaki oo pero hindi siya tabchoy pero kung idescribe siya ng mga ito baboy or kaya naman may tatlong anak na ang katawan niya. Mukha na daw siyang mommy dahil sa malaking dibdib niya. Mainit ang araw sa training school at konti na lang magiging kasing init na ng ulo ni Amira. Sa lounge ng aviation training center, nagsisiksikan ang mga FA trainees na kagagaling lang sa lecture. May dalang ma

