"Kinakabahan ako? Sure ka ba na hindi babalian ng buto ng Tito Luzi si Luke?" tanong ni Amira kay Kenneth habang parehas silang nasa hallway at nag aabang lang dahil pinalabas sila ng ama ng after nitong makausap si Miggy, lumipat naman sa kuwarto ni Luke na saktong kagigising lang. "Hindi naman siguro." "Siguro? Ibig sabihin hindi ka sigurado?" ani Amira. May 30 minutes na silang nag-iintay sa labas at parehas na silang kabado habang lumilipas ang mga minuto ng sa wakas bumukas din ang pinto na lumabas ang ama na tiningnan lang silang dalawa bago ito umalis na hindi man lang sila kinausap. Tinatawag niya ang ama pero di na siya nito nilingon kaya nagmamadali na silang pumasok sa kuwarto ni Luke. Tahimik lang naman ang buong silid na tanging ang bee

