Pag baba pa lang ni Kenneth ng kotse niya dere-deretso na siya papasok sa loob ng building nila Miggy. Hawak-hawak niya ang isang maliit na device na tatapos sa kanila ni Miggy. Hindi siya makapaniwala na gagawin nanaman ni Miggy ang same trick na ginawa nito sa kanya noon. He strike again, hindi niya alam kung anong nakuha nitong footage pero hindi siya papayag na magamit nito iyon laban sa kanya para iwan siya ni Luke at hindi siya papayag na madamay si Amira sa kagaguhan ni Miggy. Kaya pala malakas ang loob nito at kumpiyansa na sasarili dahil naririnig nito ang usapan nila ni Amira tungkol dito. Kakauwi lang niya from night duty at mag lilinis lang sana siya ng kuwarto niya ng aksidente niyang masagi ang isang picture frame nila ni Amira at nalaglag sa sahig then kasabay

