Naka hawak sa strap ng bag si Miggy habang ang isang kamay naman ay mariin na nakahawak sa stainless na railings sa taas na bahagi ng gym. Nakatingin siya sa isang figura ng babae na nasa gitna ng gym habang nag lalaro sa P.E class nito. She already saw the letter that he wrote.
He written it days ago—on a night he couldn’t sleep, after watching her walk out of the library with that damn book again. She always borrowed it. Always. And he’d slipped the note in there like a coward. Not to confess. Just to release the pressure.
Hindi niya inaasahan ang magiging kilos nito and he starting to hate it! Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaction nito, ang inaasahan niya hindi nito papansin since anybody can be B2 kahit pa sa kanila ibinansag ang B1 at B2 dahil sa paningin ng lahat pino-protektahan niya si Kenneth. Pero hindi naman talaga nagkataon lang na sa tuwing nadarating siya nasa trouble ito dahil sa kapatid nito. Hindi niya kasalanan na hanggang ngayon takot pa rin sa kanya ang lahat ng studyante kahit wala naman na siyang ginagawa. At mukhang napuna yun ni Kenneth kaya ginamit nito ang kaalaman na yun para protektahan nito ang sarili laban sa mga bully ng school.
Wala naman siyang paki-alam as long as wala itong ginagawang nakakaabala sa kanya. Kita din naman niya na takot din ito sa kanya, hindi makatingin. Hindi rin siya pinapansin same aura as his kaya naman nagulat siya ng makita ito na nag tatago sa dulo ng hallway na parang nag-aabang. Hindi ito aware na kita ang reflection nito sa salamin ng bulletin board sa ibang angulo, iiwas sana siya iyon ang sabi ng utak niya pero na curious siya sa balak nito. Then she bump on him on purpose, siya talaga ang iniintay nito. Then he saw his love letter.
Hindi niya ito tinulungan na tumayo o na nimot ng gamit nito dahil alam niyang sinadya lang nito ang pagkakabundol sa kanya. Wala din itong pinag kaiba ni Adam masyadong papansin, ang kaibahan lang sa technique na ginamit nito mukhang mahinhin, mahiyain at kunwari babasagin krystal pero ang totoo meron nagtatagong babaeng palaban, maangas at landi. Malinaw na gusto nitong mag papansin sa kanya.
"You want to play, Kenneth?" bulong ni Miggy habang naka tingin pa rin sa dalaga sa baba, then he smile dangerously.
"Fine. Let’s play." wika pa ni Miggy saka tuluyan na umalis sa kinatatayuan.
Sakto naman na tumaas ang tingin ni Kenneth dahil pakiramdam niya may nakatingin sa kaya at pag angat ng tingin niya nakita niya si Miggy sa taas. Sa kakasunod niya ng tingin rito tinamaan siya ng bola sa mukha mismo buti na lang hindi nabasag ang salamin na suot niya.
"Ms. Brichmore okay ka lang?" tanong ng teacher nila ng lapitan siya at tinulungan siyang bumangon. Pag bangon niya nakita niya si Miggy na tumingin sa kanya pero deadma diretso alis din na ikalungkot niya. Buong akala talaga niya siya si B2, pinaasa lang pala siya ng halimaw niyang kapatid. Siya naman si tanga paniwalang-paniwala dahil sa nangyaring eksena nun sa library, pero kahapon lang ng hapon narinig niya si Mika at Miggy na nag-uusap. Siya ang topic ng dalawa kaya naman excited siyang nakinig sa usapan ng dalawa pero ang ending umuwi siyang luhaan.
Narinig kasi niya na sinabi ni Miggy sa kapatid na iwasan si Adam dahil gusto daw nitong maka graduate ng tahimik baka daw mapatay nito si Adam kapag kinanti si Mika at isinama sa bilang ng mga babae pinag lalaruan ng kapatid niya. Tapos tinanong naman ni Mika si Miggy kung anong meron sa kanila dahil may codename na daw silang B1 at B2 sa campus GC. Ang sagot ni Miggy ang nag padugo ng puso niya at iniyakan niya kagabi kaso anong gagawin niya gusto pa rin niya ito sa kabila ng sinabi nitong mapanakit.
"Wala akong balak patulan siya, parehas lang sila ni Adam... mag kaiba lang dumiskarte."
"Sobra ka naman mukhang mabait naman si Neth, nawalan na nga siya ng kaibigan dahil sa'yo simula ng ma associate ang pangalan mo sa kanya. Para na siyang bacteria kung layuan ng mga schoolmate natin."
"Hindi ko kasalanan yun at wala din akong pakialam. I just don't like her,"
"Paano kung maging piloto siya someday? magugustuhan mo na ba siya?"
"Kung kaya niya,"
"Paano kung kaya niya?'
"Walang babaeng gugustuhin na maging piloto, FA pa oo."
"Gusto mong maging piloto tapos gusto mo rin girlfriend mo piloto din para hanggang sa kalangitan mag lalandian kayo."
"Ewan ko sa'yo basta iwasan mo si Adam Brichmore ayoko sa kanilang magkapatid."
Yung palang eksena sa library palabas lang nito para siguro patunayan na parehas lang talaga sila ni Adam, yung love letter siguro meron bully na gumawa nun para paglaruan silang dalawa.
"Hala! Kenneth nadugo ang ilong mo." wala naman sa loob na napahawak si Kenneth sa ilong sabay tingin sa daliri pag kakita lang niya sa dugo agad ng umikot ang paningin niya at nag dilim na ang paligid.
-
-
-
-
-
Panay ang iyak ni Kenneth habang nakahiga sa loob ng clinic ng school nila. Nahihiya siyang lumabas at bumalik sa klase nila dahil nag collapse siya dahil lang natakot siya sa dugo. Lalo na siyang nag mukhang mahina sa lahat naiisipan na niyang kausapin ang parents niya at magpalipat ng school kaso na iisip niya si Miggy hindi na niya ito makikita kapag lumipat siya ng school.
Bigla niyang naitigil ang pag-iyak ng marinig na bumukas ang pinto ng clinic. Bumalik na ang nurse na nag paalam na kakain lang daw ito ng mabilis, Magpahinga lang daw muna siya kapag hindi daw niya kayang bumalik sa klase ipapahatid na lang daw siya pauwi kung wala pa ang service niya.
"Nurse, puwede po bang tawagan n'yo ang Ate Loraine ko. Naiwan ko po kasi ang phone ko sa bag, wala po sa bahay ang parents ko. Pero nandito po sa Pilipinas ang Ate ko, puwede po na siya na lang sumundo sa akin?" tanong niya sa nurse na hindi naman tumugon. Napahikbi siya dahil hindi man lang tumugon ang nurse na pati ata ito ayaw na siyang kausapin.
Nagulat pa siya ng mapalingon dahil biglang bumukas ang tabing na kurtina sa kabilang clinic bed at nakita niya si Juan Miguel na parang na iirita pa na nakatingin sa kanya.
"Kung dito ka lang iiyak lumabas ka na." utos pa nito sabay higa sa kama na katabi ng kama niya na hindi isinarado ang kurtina sa pagitan nila. Na hihiya naman na bumangon si Kenneth at inayos ang damit bago bumaba ng kama niya at nag suot ng sapatos.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Miggy na muling bumangon at tumingin sa kanya, hindi naman nag-angat ng ulo si Kenneth dahil baka mainis lang ito lalo kapag nakitang naiyak pa rin siya.
"Bingi ka ba? Sabi ko anong ginagawa mo?" angil nito na parang walang sa mood at mainit ang ulo. Usually naman tahimik lang ito pero ngayon nagsasalita ito malayo dun sa lalaking nasa library na nilandi siya at malayo sa lalaking suplado na hindi na mamansin.
"Okay na ako, uuwi na ako sa amin." sagot na lang niya na ikinasinghap naman ni Kenneth ng bigla nalang siya nitong itinulak pahiga sa kama at inalis ang rubber shoes niyang naisuot na niya sabay ayos ng kumot na dinala hanggang dibdib niya. Pakiramdam ni Kenneth huminto ang mundo niya at napigil ang hininga niya ng biglang tumukod ang dalawang kamay ni Miggy sa mag kabilang side ng ulo niya habang naka yuko ito at nakatitig sa kanya.
"You're not okay! Wag ka ng mag paawa mas nakaka-irita lang, tumigil ka na lang sa pag-iyak mo dahil mas na bubuwisit lang ako kapag na ririnig ko yang iyak mo kaya puwede stop." napalunok naman si Kenneth na dahan-dahan saka naman tumayo na ng deretso si Miggy na bumalik na sa kama nito bago nahiga. Nakatagilid ito ng higa paharap sa kanya habang naka halukipkip, naka dilat ito kaya na iilang si Kenneth na tatalikod na sana ng hindi si pumayag.
"Face on me B2." utos nito at ewan ba niya bakit siya kinilig sa pa B2 nito kahit alam naman niya na hindi ito ang nag lagay ng love letter sa book.
"Gusto mo bang tabi na lang tayo sa kama?" tanong nito kaya naman na alarma si Kenneth kaya napilitan siyang humarap dito ngunit umiwas siya ng tingin rito.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso?" tanong pa nito hindi naman naka sagot si Kenneth dahil hindi naman niya alam ang sagot sa tanong ni Miggy.
"I can think of two reasons why you can't look me in the eye. Either you're scared of me… or you're intimidated. Or maybe—just maybe—you like me and you're too shy to admit it. Am I right?" tanong pa ni Miggy na ikinabigla ni Kenneth.
"You're blushing like a ripe tomato. So I was right—you do like me." ani Miggy.
"But I don’t really go for girls who are flat-chested." napalabi naman si Kenneth bigla na nahina ang kumot at naitago ang dibdib. Meron naman siyang dibdib hindi pa nga lang malaki tulad ng ibang na batch niya at kaedad.
"Sabi ng mommy ko kapag nag ka period na ako lalaki din ito." halos pabulong na sagot ni Kenneth na tinawanan naman bigla ni Miggy ng malakas na ngayon lang niya nakitang tumawa ito ng ganun.
"What the hell—How old are you?" tanong pa nito na naka-upo na sa kama nito.
"9?" dugtong pa ni Miggy.
"Turning 16." defensive na sagot niya na nahihiya.
"Ang yet wala ka pang period? My sister Mikay she's human."
"Hindi naman porket wala pa akong period alien na ako." tumawa naman si Miggy.
"Oh Miggy, bakit nandito ka. Masakit pa rin ba ang balikan mo?" tanong ng nurse na bumalik na.
"Nalimutan ko lang pong humingi ng pain reliver." sagot ni Miggy.
"Bakit kasi ikaw ang bumuhat kay Ms. Brichmore dapat hinayaan mo na lang teacher niya. Na sprain siguro ang balikan mo, lagyan ko na lang din ng bandage gusto mo?" suggestion ng nurse.
"Hindi na po, gamot na lang po." sagot ni Miggy na agad naman na binigyan ng nurse sabay alis ng binata na hindi man lang lumingon.
"Nurse Janet,"
"Hmmm."
"Si Miggy po ba ang nag dala sa akin dito?"
"Oo, grabe gulat nga ako from gym to here na itakbo ka niya ng mabilis kaya siguro sumakit ang balikat niya sa layo ba naman tapos bridal position pa ang ginawa niyang pag buhat sa'yo dapat ipinasan ka na lang niya sa likod. Pakiramdam naman ni Kenneth nagkulay pink ang paligid niya sa narinig.
Ano ba talaga Juan Miguel!sigaw ni Kenneth sa isipan niya na hindi malaman kung kikiligin ba o hindi.