Parang gustong mapamura ni Amira ng paglabas nila ng bahay nila isang kakarag-karag na pulang kotse ang naroon at tagpi-tagpi na ang pintura at masilya ang naroon na mag sisilbing bridal car niya ayon sa lalaking nakatayo sa tabi ng kotse. "Lintiik asan ang kotse ni Luke!" galit na bulalas ni Amira. "Hindi ko po alam ma'am na utusan lang po ako na pumunta dito at sunduin daw po ang bride. "Ay! Letse, hindi ka sasakay sa kotse yan." galit na wika ng ina na pinakakalma ni Kenneth. "Hindi ako sasakay sa kotseng yan na parang ma tetetano pa ako dyan." wika ni Amira saka tinawagan si Luke habang nagagalit ang mga kamag anak niyang naroon na hindi din makapaniwala sa bridal car niyang naroon. "Hello! Lukresya... anong nangyari sa bridal car." gigil na bungad agad niya sa linya. "Papunta

