Pabagsak na inihagis ni Miggy ang overnight bag na dala ng pumasok sa bahay, halatang malakas ang toyo. Inihagis ang susi sa sofa at deretso sa kusina. Sa dining table, naroon ang isang kapatid chill lang si Mikaela, naka-cross legs, nakatutok sa phone habang nag lalaro ng online game. Asar naman na napatingin sa kapatid si Miggy habang nakaha ng can beer sa ref. "Alam mo, Mika, kasalanan mo kung bakit binata pa rin ako hanggang ngayon!" kumunot naman ang noo ni Mikay na hindi lumingon sa kapatid at nanatiling nakatingin sa cellphone. "Paano naging kasalanan ko yun? naitama ko na ang mali ko, it's your call." sagot lang ni Mika. "Because you’re my sister! You’re supposed to have friends! Pretty friends! Friends na ipapakilala mo sa’kin! But what do you give me? a headache! Yung

