Habang busy si Kenneth sa pag check ng expiration date ng mga canned goods na binibili habang nasa grocery siya, nagulat pa siya ng may bumangga sa cart niya na ikinataas naman ng tingin ni Kenneth sabay simangot kunwari pero kumabog ang puso niya pero hindi na lang siya nag pahalata na kunwari umirap. "Nag gogrocery ka din ba o nag papansin?" tanong ni Kenneth. "Ayos ka rin talaga, nag tampo ako tapos wala ka man lang ginawa?" ani Miggy na kulang nalang sumigaw sa lakas ng boses nito. Kulay blonde nanaman ang buhok nito kaya agaw eksena talaga ito na inakala pa yata na artista si Miggy dahil talaga naman nagkakandahaba ang leeg ng mga customer na namimili. "Hinaan mo nga ang boses mo? Mahiya ka naman." ani Kenneth na itinulak na ang cart at iniwan ito. "Nag tampo ako dap

