Masara ang ngiti ni Amira habang palabas ng kwarto, hawak ang phone at checklist ng mga laboratory result na kailangan nyang kunin sa nurse information. Halata pa rin sa kanya ang inis, pero pilit niyang tinatabunan ng ngiti. Ang lakas din talaga ng loob ni Olympia na sumama. Yung pamilya ni Luke maiintindihan niya pero si Olympia hindi niya alam kung saan nito hinuhugot ang kapal ng mukha na sumama pa at talagang ipangangalandakan pa nito na pinuntahan ito ng asawa niya. Ibang klase ang kapal ng mukha, after 15 years mag paparamdam anong meron? “Ang kapal ng mukha nila, Diyos ko. Kung may self-awareness lang ‘yung mga taong ‘yon, baka sila na ang pinakabait sa buong mundo.” bulong ni Amira habang naglalakad siya sa corridor papunta sa Nurse Station, nag-a-adjust pa siya ng suot niyang ma

