Nag-iinat na nag lalakad palabas ng control tower si Kenneth after ng 1 week niyang pang-gabi, day-off na ulit niya at makakatulog na ulit siya ng masarap-sarap. Kailangan din niyang mag prepare, pauwi na din ngayon si Luke at niyaya niya itong mag dinner kasama ng family niya mamaya sa bahay nila since wedding anniversary din ngayon ng parents niya. Balak na rin niyang mag yes sa wedding proposal nito. Paglabas ni Kenneth mula sa glass doors ng control tower building, dala ang bag na hila-hila since sa staff cabin siya temporary na nag stay dahil iniwasan talaga niya si Miggy. Hanggang ngayon pinag sisihan pa din niya ang kasalanan na ginawa niya, hindi siya makapaniwal na nagawa niyang lokohin si Luke kaya na hihiya talaga siya sa nobyo. Kaya naman determinado siy

