Ikiniling-kiling ni Miggy ang leeg parang i-relax after niyang matagal na mag titig ng screen ng computer. Hinubad niya ang suot na radiation glass bago tumayo at tinawagan ang secretary sa intercom at utusan itong pumunta ng finance department para kunin ang files na kailangan niya. Nagtungo naman siya sa isang shelves at kinuha naman ang isang folder ng tumunog ang glass door na agad naman lumingon si Miggy sa pag aakalang ang secretary niya na nagtaka pa siya dahil napakabilis naman nitong makuha ang inuutos niya pero nagulat pa siya ng si Kenneth ang nakita niya. "You're not welcome here." ani Miggy na masama ang tingin kay Kenneth. Napabuga naman ng hangin si Kenneth. "Miggy, kailangan ko yung footage. Yung nakuha mo nung gabing nag-inuman kami ni Luke at Amira, alam kong ma

