Isa nanamang napakaboring na araw. Nandito ako ngayon nakaupo sa upuan nakaharap sa aking Papa na bising-busy sa pagbabasa.
Hayssss, a 100% BORINGGGGG... Paano kaya kung umalis muna ako saglit? Hindi naman siguro ako mapapansin nito diba?
Dahan-dahan akong bumaba sa upuan at nagsimulang mag-tiptoe papuntang pintuan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay dali dali na akong lumabas. Napasinghap ako dahil nakalabas ako ng buhay.
Yes! Hahahaha mission completed! Ansaya kooo! Arikabanaman parang impyerno ang office ni Einz kulang nalang eh apoy para official impyerno na.
Masaya akong naglalakad sa pasilyo ng palasyo habang sumisipol-sipol. Sa aking paglalakad ay may nakabangga akong isang bata rin. Sa tingin ko ay mga 5 years old na siya. Meron siyang kulay blonde na buhok at kulay asul na mga mata. Ngayon ko lang siya nakita dito sa palasyo kaya baka isa siyang bisita.
Tinignan niya ako ng masama.
"Tingnan mo ang dinadaanan mo, bata" malamig niyang sambit
Aba, ang yabang mo ah! Papa kita? Ha, Papa kita para maging masungit ka sakin? Hayss pero dapat hindi ako mukhang mataray or maging masama kundi magiging kontrabida talaga ako at aayawan ng lahat.
"Sorry po!" nakangiti kong sagot
Sa kakyutan kong to, imposibleng awayin mo ako! Umalis ka na please, wag mo na akong bwisitin.
"Ah.. naliligaw ka ba bata?" sabi niya habang tinatakpan ang mukha niya. Well, kahit takpan mo mukha mo namumula ang tenga mo kitang kita ko!
Ano bang isasagot ko? Sasabihin ko bang tumakas ako mula sa halimaw kong ama? Hmmmm.. Gusto kong makita si Alice kaso baka kapag nandoon na ako, pagalitan pa ni Einz ang mga katulong ko, hindi yun!
"Alam mo po kung nasaan yung punong kulay pilak?" tanong ko
Nagulat siya dahil sa sinabi ko. Bakit, mukha bang nanakawan ko yun? Tama ka, nanakawan ko ng dahon yun pano mo nalaman?
"Alam mo ang lugar na yun?" gulat niyang tanong
"Ahh.. oo?" sagot ko
Malamang alam ko, kaya nga ako nagtatanong diba?
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papuntang kung saan. Waahhh, don't tell me kasama ka sa mga mangingidnap?
Magpupumiglas na sana ako ngunit natigilan ako nang makita ko na yung punong pilak sa harap ko. Ba't parang ambilis namin? Don't tell me gumamit siya ng magic?
Napatitig ako sa punong pilak at namangha ako sa ganda nito. Dahil sa puno na ito, nagkatagpo kami ni Einz sa maling panahon.
"That's is the Tree of Silver Wings. They believe that if you wish on the leaf of the tree, your wish will become true" sabi niya
Wow... I didn't expect na meron ganitong klaseng puno sa kaharian ng Pierro.
Itinaas ko ang mga kamay ko sa puno. Balang araw.. Maaabot din kita.
"You want some?" Napalingon ako sa gulat dahil sa sinabi niya. Dahil dun, ngumiti ako sa kaniya.
"I'd love to!" nakangiti kong sagot
Napangisi siya.
"Then I'll get it for you"
Baliw ba siya? Kala niya ang tangkad tangkad niya para maabot yung isang dahon! Eh parang 13 inches long ang lamang niyang height sakin. Baliw!
Nagulat ako nang tumalon siya ng napakataas at may hinugot siyang espada. Iwinasiwas niya iyon at naputol ang isang sanga ng puno. Smooth siyang bumaksak sa lupa at kasunod nun ang sanga.
Napapalakpak ako sa tuwa.
Nakakamangha! Ngayon lang ako nakakita ng isang limang taong gulang na bata na marunong nang gumamit ng espada. Ako marunong lang magsalita, pero siya? Okay suko na ako. Sana all.
Pinulot niya ang sanga at iniabot sakin.
"Go and wish as much as you can" tugon niya
Agad naman akong napangiti sa tuwa! Hehehe, yayaman na ako dito! Sa sobrang tuwa at nahawakan ko ang kamay niya.
"You're amazing, Mr!" nakangiti kong saad
Wait, did I say Mr.?
"Lance.."
Tumingin ako sa kaniya.
"My name is Lance, what's yours?" tanong niya
While looking at him, a saw a dashing prince charming who were asking my name.
"I'm P--"
No, huwag mo munang sabihin na isa akong prinsesa.
"My name is Rheabythia. It's so nice to meet you" tugon ko
"Rheabythia.. what a beautiful name" tugon niya
Grabe pafall! Huwag kang ganiyan Lance!
"N-Not really" nahihiya kong sagot
Kaagad naman na akong pumunta sa sanga ng puno para manguha ng mga dahon at baka bolahin nanaman ako ng lalaking ito.
Hehehe, mayaman na ako, mayaman na ako, mayaman na ako, MAYAMAN NA AKO! BWAHAHAHA!
Sa pangunguha ng dahon ay nasulyapan kong nakatingin sa akin si Lance at nagpipigil ng tawa.
Waahhh, nakakahiya! Akala niya siguro sabik na sabik ako sa pera! Tama ang akala niya!
Kumuha ako ng isang dahon at lumapit sa kaniya. Iniabot ko yung dahon sa kaniya habang nakangiti.
"You should have your wish too" Sabi ko
Sa una ay nagaalinlangan pa siyang tanggapin pero kinuha niya din sa huli.
"T-Thank you" nahihiya niyang sagot
"Hehe"
"You're five too?" tanong niya
Bastusan? Kita mong halos isang ruler ang agwat ng height natin!
"No, I am only 3 years old" sagot ko
"What?" gulat niyang tanong
"But you're like older than me in thinking? How can you speak so directly and matured? When I was three, I only speak two words and only two words. I can't even construct a sentence, but you? You're a genius" he stated
"But you're also a genius!" sabi ko
"Nah, I'm not" biglang lumungkot ang mukha niya
"Yes you are, you're the most amazing swordsman that I've met!"
"Haha, there are more swordsman who were better than me"
"You're right but Lance is the best!" nakangiti kong sabi
Tumigil siya at napangiti. Lumuhod siya sakin na parang isang knight. At ang posisyon namin ngayon ay parang knight at isang princess.
"It's my honor to praised by lady Rheabythia. As your swordsman, I'll promise to protect you. Wait till I grew up. We will meet again." Sabi niya
Wait, diba dapat may ibinigay akong something sa kaniya? Like panyo or something para magrant yung wish ng mga knights? Biglang umihip ang malamig na hangin mula sa likuran kaya naman hinangin ang buhok ko sa harap at nakita kong may asul na laso na nakatali sa buhok ko.
Kinuha ko ang blue ribbon mula sa aking buhok at iyon ang aking ibinigay sa kaniya. Ngumiti ako at sinabing, "I'll wait for you"
Hahawakan niya sana ang kamay ko nang biglang mayroong isang nakakatakot na boses kaming narinig.
"Rheabythia Beuschartez de Pierro, so this is where you are"
I recognized that voice.. It was the voice of that scumbag! I dare not to look behind or else I'm dead for sure. RIP Aby, ginalit mo eh, pagbabayaran mo for sure.
Einz's POV
(An hour ago...)
I'm busy checking the documents and papers about the country that I imperialized. Not long ago, I heard Glenn yawned so loud and I felt irritated so I throw the book to his head.
"Oww, why did you do that?" pagrereklamo niya
"Shut up, I'm concentrating" sagot ko
Minasahe ko ang aking sentido at tumingin sa direksyon kung saan nakaupo si Aby. Laking gulat ko nang wala na siya sa upuan niya.
"Glenn, where the hell is my daughter?" inis kong sagot
"Huh? Wala akong ginagawa, busy rin ako kagaya mo! At saka kung nasa akin man siya, di ko siya ibinigay sa'yo"
Sa galit ko, kinuwelyuhan ko si Glenn at itinaas.
"Don't make me repeat, where's my daughter?" inis kong sambit
"W-Wala nga sakin. I-I swear! Bitawan mo na ako, din na ako makahinga!" Sabi niya habang naghahabol ng hininga.
Ibinaba ko na siya at nagsimulang lumakad papalabas.
"Where *cough* Where are you going?" inuubong tanong ni Glenn
"Lock all the possible escape doors and routes. Command all the Black Squad to search for my princess. I'm going to kill that bastard who take my princess away" seryoso kong tugon
I'm going to pay you tenfold, you asshole dare to kidnap my daughter. Let's see.
Although Lewis is secretly guarding her, still I'm not comfortable enough to let her alone with just one knight with her. Aby, please be safe.
Sinarado na nila ang buong palasyo at siniguradong walang makakalabas. Lahat ng mga kabalyero sa palasyo ay binabantayan itong maigi. Inutusan ko ang mga Black Squad na hanapin si Aby dahil alam kong hindi pa sila nakakalayo. If she's not here in the palace then I will search for her in every kingdom and country. I will not stop.
Inutusan ko ang mga pinakamagagaling na assasin sa mga designated areas kung saan pwedeng daanan ng mga kumuha kay Aby. I am a great strategist and I know how they will make a move to escape.
I waited for a minute and I expected to know where they are. I'm waiting here for about 10 minutes and no one is reporting. My heart is beating so fast and I am fvcking nervous. What if she was already abducted by someone else? Crying and begging...
Once again, I ommit a black aura in my body. I started to chant a spell to call my spirit warrior. Every King has its own spirit warrior and these spirits will make you stronger ten times you are but it is my only second time I call this bastard spirit.
"Master, you called me?" Cronus said
Cronus is the name of my spirit and he was the spirit of Darkness.
"Find my daughter in Pierro, if you can't find her here, go around the continent. Don't stop until you can't find her" utos ko
"Yes, Master" Sabi nito at agad na lumisan
Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sakin ang leader ng Black Squad.
"Sire, we can't find her" Sabi nito
Dumating ang leader ng mga assasin.
"We can't find them, Sire" dagdag nito
Umalis agad ako sa trono at agad na pumunta sa Tree of Silver Wings. I have no choice but to wish. Wish that she was alright. Sa aking paglalakad papunta doon, sumalubong sa akin si Lewis at siyay lumuhod.
Wait... Don't tell me he's not with Aby?
"Where's my daughter?" the pressure beyond my words are enough to make his power drained.
"S-Sire.. The princess is safe together with Lance de Vonroix" natatakot na sagot nito
Itinigil ko na ang pressure at nilagpasan siya sa aking paglalakad papuntang Tree of Silver Wings ay nakita kong nakaluhod ang anak ni Lancelot sa aking prinsesa. Di ko maiwasang magalit kaya naman itinikom ko ang aking kamao.
Nakitakong kinuha niya ang ribbon mula sa kaniyang buhok at ibinigay ito sa anak ni Lancelot.
"I'll wait for you" nakangiti niyang tugon
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sa galit. She dared to smile with that bastard kid? How dare she?
Tinawag ko si Cronus at ngayon ay nagpapakawala na akong sobrang lakas ng kapangyarihan na kayang magwasak ng isang bansa.
Kaagad akong lumapit sa kanila.
"Princess Rheabythia Beuschartez de Pierro, so this is where you are."
Hindi siya makaharap, was she scared? No, I should've let her see me like this. I quickly calmed down and have Cronus sleep again.
"Lewis, take the princess to Bliedo Palace, make sure that she will never leave the palace again. Have the Black Squad guard her" I commanded
Pagkatapos nun ay dumiretso na agad ako sa Bliedo Palace at nahiga sa kwarto ko.
Why am I acting like this? Why did I care so much about her? Did you know that I almost die when I couldn't find you? You little dog, how do you escape without me noticing?
Rheabythia's POV
Now he's mad at me. And I'm doomed! They put me in this large room. Look at all those creepy knights who were guarding me! How scary..
Hayyy... Was he looking for me? Did he get mad because I left him and make him scared? Impossible! He can't do that! He's just... He's a terrible father!
I felt sorry for him... Maybe I should've say sorry to him.
Lumapit ako sa isang knight na nandoon at nagpaawa.
"Can you please lend me a pen and a paper? Pretty please" I said in puppy eyes
OF COURSE YOU WERE CHARMED BY MY CUTENESS!
"A-Alright, princess. I'll help you" sabi niya
Yeyyyy!!!
"Thank you, Mr Knight!" nakangiti kong saad
"You're so cute--- I mean, I gotta go!"
Agad siyang nawala ng parang bula at ilang saglit pa ay may dala dala siyang maraming krayola at papel. Waahhhh!!
"Thank you so much Mr. Knight! Love ya!" Sabi ko at nahalata ko namang kinikilig yung knight.
Nagsimula na akong magsulat. Sinulat ko is, "I'm sorry Papa" "I love you Papa" "Forgive me please" "Fvck you scumbag jerk!"
O diba may mura sa huli,you deserve it!
Maya-maya'y biglang may pumasok na knight sa kwarto.
"The emperor is asking for princess's presence" Saad nito
Kaagad na akong tumayo hawak hawak ang papel sa kamay ko. Nang nandoon na kami upang kumain, nagulat ako dahil wala si Einz dun.
"His Majesty said that he ate already, after eating you may go at his room" Sabi nung knight.
Nakapout ako habang kumakain at binilisan ang pagkain dahil magsosorry na ako kay Einz. Pagkatapos kumain ay inalalayan ako ni Lewis papuntang kwarto ni Einz.
"Princess say sorry to your father. He was worried about you when you're gone" he said
Really? Now I feel guilty.
"Okay" sagot ko
Binuksan niya ang pinto at kaagad akong pumasok. Nakita ko siya sa kama na natutulog na. Ano ba yan, ang malas ko naman!
Pero kailangan ko paring magsorry. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hinila ko ang katawan niya para maging straight. Magising ka na!!
Naging straight na nga ang katawan niya pero di parin siya nagigising. Tulog mantika!
"Papa, sorry po. I'm sorry Papa. I made you worry. Aby is bad, she make Papa worried. Papa.."
Siguro narinig niya rin yung sinabi kong 'Lance is the best'. Wag ka nang magtampo Einz, di bagay sa'yo.
"Lance maybe the best but I love Papa the most!" nakangiti kong sambit.
Dinaganan ko siya para ilagay yung papel sa gilid niya. Lumapit ako sa mukha ni Papa. Sinubukan ko siyang halikan sa pisngi pero bat ganun? Bakit dura ang lumabas?
"Fvck!" malakas kong bulong
Dahil baka magising siya, agad na akong humiga sa tabi niya at natulog. Wala akong kasalanan!
(Einz's perspective: Fvck, Aby. It's so fvcking adorable. I can't sleep!)