Civil wedding lang ang ginanap sa loob ng hacienda makalipas ang dalawang araw. Wala namang naging balita pa sa mga barkada pagkatapos ng inuman. Nagtangka si Lexus alamin pero syempre sino ba ang aamin lalo na at si Norman, Lucy at Amber lang nakakaalam pwera sa kanila ni Mang Berto. Unang gabi nila bilang mag-asawa ngunit hinde sya pinapansin ni Josh. Naglasing ito mag-isa sa kwarto hanggang sa makatulog. Kinabukasan ay lumuwas na sila sa Manila. Hinde masaya ang mag-asawang Ariel sa biglaang pag-aasawa ng panganay nila ngunit hinde naman nila itatakwil si Lyza, mahal nila ito at kahit paano ay mainam na ding ito ang napangasawa ng anak. Babe, anong gusto mong kainin? Ipaghahain kita. Sabi ni Lyzasa asawa. Hinde ako nagugutom, masungit na sagot ni Josh. Sa ngayon ay sa bahay muna n

