Iha, sorry, I just need to finish my last patient. Sabi ni Ninang Doc Gia oagpasok sa ultrasound room.
No worries po ninang. Pilit ang ngiting sagot ko.
Kinuha ng duktora ang droppler at hinanap ang t***k ng heartbeat ni baby.
Lumapad ang ngiti nito ng madinig ang tunog na galing sa aparato.
Sinunod naman nitong ayusin ang ultrasound.
Here is the heartbeat iha. Nakangiting sabi ng duktora.
Libo libong kaba ang nararamdaman nya habang nakangiting nakatingin sa monitor. Magkakaanak na kami ni Josh at sana ay tuloy tuloy ng umayos ang aming pagsasama lalo ngayon na nagsisimula ng maging sweet ang asawa.
Healthy baby, maganda ang heartbeat pero namumutla ka, bibigyan kita ng vitamins. You also need to rest a lot. Iwasan mo muna magbuhat. Wala ba kayo kasama sa bahay?
Wala po. Malungkot kong sagot dahil ayaw ni Josh na may kasama kami, minsan kaming ikinuha ni mama pero pinaalis ni Josh, marahil ay gusto nya ko talaga ko pahirapan o di kaya ay ayaw nyang may makaalam ng totoo naming sitwasyon.
Naku, you need someone to assist you. Ask Josh to get one.
Okey po sasabihin ko.
Inumin ang vitamins ha. Much better if you will drink milk na din.
Naisip ko yung budget kung kakasya dahil sa totoo lang maliit lang ang binibigay sakin ni Josh sa house budget buti na lang ay sinasagot nila mama Jana ang groceries sa bahay. Lagi itong may dala kapag dumadalaw. Nakakaipon ako dahil sa online jobs na pinapasok ko at yun at di alam nila mama at kahit ni Josh.
Naku matutuwa si mareng Jana pag nalamang buntis ka.
Ninang please po wag nyo munang sabihin.
Ay oo nga pala sorry naexcite lang ako.
Sana po ay si Josh muna ang unang makaalam...
Yes yes iha, I'll zip my mouth. Sabay senyas nito sa bibig at sabay silang nagtawanan.
Oh sige na iha magbihis ka na. Do you want me to drop you home?
Sige po ninang.
Pupunta sana ako sa office ni Josh pero siguro hihintayin ko na lang sa bahay. Isa pa madami pa akong labahin sa bahay.
May kaya sa buhay ang pamilya ni Josh kaya binigyan kami ng sarili naming bahay sa isang subdivision sa Quezon City.
Mag-aala una na ng maihatid ako nila ninang Dra. Gia sa labas ng subdivision dahil kumain pa kami sa labas. Minsan lang naman mag-aya ang ninang kaya pinagbigyan ko na din.
Good afternoon ma'am, bati ng guard.
Oh hi Kuya guard, good afternoon po.
Akala ko ma'am nasa bahay napo kayo kasi dumaan na po yung kotse ni sir.
Ngayon lang ako nakabalik. Nandyan si Josh sa bahay?
Opo ma'am mga 12 po siguro, dumating din po ung magandang babae na kaibigan po ni Sir.
Magandang kaibigan?
Naku ma'am mas maganda ka po dun, pero yun po yung dati din pong nagpupunta dyan di ko po maalala yung pangalan.
Si Mirabel ba?
Ah oo yun nga ma'am.
Ah sige kuya salamat po. At nagmamadali na syang maglakad pauwi ng bahay habang kumakabog ng matindi ang dibdib nya.
Paliko pa lang sya ng street nila ay natanaw nya na ang kotse ng babae.
Herodes ka, ano bang ginagawa mo sa bahay ko at itinaon mo pang wala ako. Sa loob loob ni Lyza. Halos lumabas ang puso nya sa sobrang kaba. Naku talaga lang wag kayong papahuli sakin.
Tumigil muna sandali sa may kotse. Butasin ko kaya ang gulong ng gagang to. Naisip ni Lyza. Ay no, no, at baka di makauwi lalong magtagal dito. Pasalamat ka wala tayo sa hacienda kundi lalagyan ko ng cobra ang loob nyan ng dyan ka na matigok.
Hmmmp. Sobra sobrang pagpipigil ang ginagawa ni Lyza. Kalma, kalma lang. Isipin ang baby.
Huminga muna ng malalim bago nagpasyang pumasok sa loob.
Bubuksan nya pa lang ang gate ng makitang palabas na ng bahay ang bruha.
Oh, you're here na sani ni Mirabel. Glad you weren't home when I came. Lumapit ito sa kanya at bumulong, I enjoyed him so well.
Di na nakapagpigil si Lyza at agad na sinabunutan ang babae. Nagsisigaw naman ito.
Ouch. Josh Josh, awwww. Tili ng bruhang babae.
Walanghiya ka, anong sabi mo? Gigil na tanong ni Lyza.
What is happening here? Dumadagundong na boses ng asawa nya sabay hatak sa kamay nya! Bitawan mo Lyza. Maawtoridad na sabi nito.
Ngunit sa galit ay di nya magawang mabitawan.
Sagutin mo ko, anong sabi mo? Ulit nyang tanong sa malanding babae.
Josh help me please. Ouch. Iyak ni Mirabel. Di ko naman sya inaano bigla akong sinabinutan. Pagsisinungaling nito.
Lyza I said stop it. Ulit ni Josh. Anong karapatan mong saktan si Mirabel? Sigaw ni Josh.
Sa nadinig ay binitawan ni Lyza ang babae sabay tulak dahilan ng pagkakasubsob nito.
Josh.... ahuhuhu iyak nito.
Agad naman itong dinaluhan ni Josh at tinulungang tumayo.
Sorry sorry, get up... Yakap nito sa babae. Sige na go home. Malambing na sabi ni Josh.
Nagmamadali namang pumasok si Lyza sa loob habang pigil ang luhang kanina pang gustong malaglag, sa halip na sya ang kampihan ng asawa ay sweet pa iti sa babae nya. Binalibag ni Lyza pasara ang pinto.
Maya maya pa ay naramdaman nya ang pagbukas ng pinto hudyat ng pagpasok ni Josh ng bahay habang umiinum sya ng tubig sa kusina para kumalma.
Lyza, what did you do? Tanong ni Josh.
What did I do? Kayo anong ginawa nyo? Dito pa sa bahay natin. Sigaw ni Lyza.
Anong sinasabi mo? Naguguluhang tanong ni Josh.
Wag kang magmaang maangan, sabi nya sakin nagenjoy kayo sa ginawa nyo? Really? Wala kayong pang motel at dito pa talaga? At alam na alam mo pang umalis ako kaya dinala mo dito!
What? Gulat na tanong ni Josh.
Inisip na ni Josh na malamang ay may kalokohang sinabi si Mirabel kaya nagalit ang asawa, kilala nya ito na mahaba ang pasensya, mabait kaya alam nyang hinde ito mananakit basta ng walang dahilan.
Anong sinabi nya sayo Lyza?
That you both enjoyed well at buti na lang daw wala ako. Really? Bakit mo nagawa sakin to Josh? Umiiyak na sabi ni Lyza.
Walang nangyari samin. Sigaw ni Josh.
Wag mo na kong gawing tanga, bakit nya sasabihin yon?
Para magalit ka. Ganon kasimple sagot ni Josh.
For God sake Josh, pwede ba wag mo binibilog ang ulo ko. Nanghihinang napaupo sa sofa si Lyza. Calm yourself isipin mo ang baby sabi nya sa sarili.
What? Tanging nasabi ni Josh.