Lumipas ang ilang araw na naging masaya ang pagsasama ng mag-asawa ngunit sa buhay ay di naiiwasan ang pagtatalo. Araw ng Biyernes at napagkasunduan ng magbiyenan na bumisita sa opisina ng kanilang mga asawa. Alas nueva pa lang ay nasa bahay na nila Lyza si mama Jana para maggayak ng putaheng dadalhin sa opisina. Kamusta kayo ng asawa mo iha? Ah, masaya po ako mama kasi nagsisimula na kaming magkasundo. Nakangiting sagot ni Lyza Mainam naman anak kung ganon dahil sabik na akong magkaapo at syempre gusto ko din na magkasundo na kayo tulad dati. Opo ma. Okey naman napo kami ni Josh. Ang tagal kasing nilamon ng pride si Josh ng dahil sa kasalanan nya. Hayaan nyo napo yon mama at ang mahalaga po okey na kami ngayon. So, okey na ba sayo yung lengua ang lutuin natin? Masarap po yon.

