AKHIRO: NAIILING na lamang ako sa mga nangyari at natuklasan ngayong araw. "Pansin mo, sweetie, parang may problema silang mag-asawa, noh?" ani Moi sa mahaba-haba naming katahimikan. Nagdedede naman sa bottle ang anak naming inaantok na ang mapupungay nitong mga mata. "Yeah, pansin ko nga, sweetie," pagsang-ayon ko na napapatango-tango. Napahinga ito ng malalim na tinapik ang kamay kong nasa kambyo. Saglit ko itong nilingon. Nakangiti na itong ikinangiti ko na rin sabay kindat na ikinahagikhik nito. "See? Kaya hwag mo ng ituloy ang plano mong pang-aagaw sa kumpanya ng dating kaibigan mo. Lugmok na sila. Tulungan na lang nating makabangon sila sa putik na kinalalagyan nila. Sila ng bahala kung tatanaw sila ng utang na loob o hindi," pagpapayo pa nito. Napalunok ako ng maalala ang

