Moira: NAPATAKIP KAMI ni mama ng palad sa bibig at puno ng pagtataka ang mga matang nakatutok kay boss Akhiro at kay Mikmik kong nagpakarga dito at tinawag na....Dada. Bigla akong nilukob ng kakaibang kaba sa dibdib sa nakikita ngayon. Maging si nanay ay mukhang nahihinulaan na ang tumatakbo sa isip ko. Hindi pwede.... imposible..napasapo ako sa noo at nanghihinang napaupo ng sofa. Ngayon ko lang napagtanto ang pagkaka- coincidence ng mga bagay-bagay. Kamukhang-kamukha ni boss ang Mikmik ko at....konektado siya sa dating amo kong si sir Andrei. Hindi kaya....hindi kaya siya talaga ang guest na nasa room na napasukan ko. Hindi malabong mangyaring nandoon din siya noong gabi ng grand opening ng resort nila sir Andrei sa Boracay lalo na't.....ninong niya ito!! "Daadda..daddaaa" muling bigka

